TITIBO- TIBO

1.1K 14 32
                                    


EPILOGUE


Please play the music above!

EVEREST


Some 19 years later...


"Diyos ko po! Ano ba ang pipiliin ko dito?" pumunta ako sa kwarto ng nakababatang kapatid ko para makihiram ng malaking salamin. Wala kasi akong salamin sa kwarto. Pinatanggal ko noong grade payb. Wala eh, di ko naman ginagamit. Pati yung mga dress na binigay sa akin ni Lola.


Yung pulang t-shirt? O yung puting dress? Nilagay ko yung dalawa sa harap ng katawan ko habang humahawak sa hanger.


Naman kasi, eh! Bakit cross-dressing pa yung pinili nilang theme sa birthday ni 21st birthday ni Victor?! Nakakainis! Hindi ko tuloy malaman kung ano ang susuotin. Eh palagi naman kasi akong nakalongsleeves at t-shirt tapos lonta. Tapos tennis. Tapos sumbrero.


"Oh my gaaaaaad! Bakit pa ba kasi ako pinapunta ni Mama doon? Kung alam lang niyang... kung alam lang niyang... gusto ko si Victor eh hindi na sana ako pupuntaa!" hinilamos ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay. Naku, 'pag nakita ako ni tita Clarity papagalitan talaga ako 'non.


Don't touch your face with your hands especially when they're dirty! Do you want to have acne?


In-english pa ako. Akala mo naman hindi ako marunong magtagalog. Heh! Pake ko ba kung hindi ako naghuhugas ng kamay? Eh hindi naman ako nagmamake-up ah! Yung makeup na yan yung panira sa mukha! Tingnan mo si Amethyst (kapatid ko, 16), ilang derma na kasi panay lagay ng makeup.


"Hey, bro. Lumabas ka na ng kwarto ko. Magbibihis ako." sabi niya sa akin nang makapasok na siya ng kwarto.


"Eh di magbihis ka. Meron naman ako niyan." sagot ko naman.


"Ayaw ko." tinulak niya ako mula sa kama tapos pinalabas sa pintuan, "Just because gusto mo na si kuya Victor, hindi ibig sabihing babae ka na talaga. Lumabas ka na." tapos sinarhan niya yung pinto.


"Hoy! Paano mo nalamang gusto ko siya?! Hoy!" nilakasan ko yung katok niya sa pintuan. "Hoy! Sagutin mo ako!" bubuksan ko sano yung pinto kaso kinandado ng baliw.


Bahala na nga! Tatanungin ko na lang sina mama.


***

"Ma?" tawag ko sabay bukas ng pintuan. At nandoon nga siya. Ibig kong sabihin, sila. Nakahiga si papa sa kama tapos si mama naman, nasa sahig. Binubunot niya ang mga ligaw na kilay ni papa.


Napabuntong-hininga na lang ako. Kaya naman pala ang tahimik nilang dalawa, nag-co-concentrate pala si mama.


"Ma? Pa? Hindi ba mauubusan ng kilay si papa dahil diyan?"


Umiling lang si mama tapos ngumiti.


Ang ganda pa rin ni mama. Kahit mahigit kwarenta na siya, kitang-kita pa rin yung ganda niya. Kaya nga pakiramdam kong parang ampon ako eh. Wala kasi akong kamukha sa kanilang dalawa. Hindi tulad ng nakababatang kapatid kong si Amethyst. Parehas talaga sila ng mukha ni mama. Parang pina-potokapy lang yung mukha tapos nilagyan ng super glue. Paborito tuloy siya nila tita Vicky at tita Clarity. Eh, ako?


Edi wala. Tibo to da max. Hanggang nakilala ko ang manyak na si Victor. Matagal ko naman siyang kilala pero... hinalikan niya kasi ako noong nag-inuman kami. Kaya ayun, black eye yung inabot niya. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya nagustuhan. Pangako putragis talaga 'yung lalaking 'yun. Nakakainis talaga! Sana talaga babae na lang nagustuhan ko eh!


"Ano namang ginagawa mo dito, anak?" tanong ni papa. Bumangon ito. Muntik na akong tumawa sa kilay niyang di pantay.


"Ah... ano kasi... tungkol kasi sa party ni Victor..." ano ba 'to bakit nagkabuhol-buhol ata yung dila ko?! "Ah... hindi ko alam kung... ano ang isusuot ko."


Ngumiti lang si mama, "Ano ang ibig mong sabihin anak?"


"Kasi... kasi ano eh..." tumingin silang dalawa sa akin. Ano ba yaaaaan! Kinabahan tuloy ako! "C-cross dress daw. Pero, lagi naman kasi akong nakapang-lalaki kaya... " ngumiti na rin si papa, "kailangan ko ng tulong sa susuotin kasi hindi ko alam kung ano ang pipiliin."


Tumayo si papa tapos pumunta sa dresser ni mommy, "Gusto mong mag-dress?" tanong niya. Nanlaki ang mga mata ni mommy.


"M-medyo po." mahina kong sagot. Pagkatapos eh tumayo rin si mama tapos biglang kinilig. Ganoon rin si papa. Tapos nagyakapan sila. Nanlaki na lang yung mga mata ko sa nakita ko.


Anong nangyayari sa kanila ngayon?


"Anak? Nagkakagusto ka na ba sa isang lalaki?" tanong nila ng sabay.


Hala! Paano naman nila nalaman?! Wala naman akong sinabihan! Wala namang nakakaalam. Maliban na lang kay... kay Amethyst! Nako! Ang bunganga talaga ng batang 'yon!


Hindi na lang ako sumagot. Ayaw ko rin kasing magsinungaling kina mama. Pero... paano kung alam na nga nila?


"Eve," tawag sa akin ni papa sa pangalang pinakaayaw ko, ang babae naman kasi eh! Pinaupo niya ako sa kama nila, "Alam mo bang bakla ako noon? I mean, hanggang ngayon."


"Ano po? Ikaw, bakla?! Imposible 'yun!"


Ngumiti siya ulit saka tiningnan si mama. Yung tingin na parang matutunaw yung puso mo, "I know, right? Pero, nakilala ko kasi yung mama mo."


Umupo si mama sa tabi ko, "You don't believe your papa? Ok then, magsimula tayo sa umpisa. Noong first year high school palang ako..."


Doon ko nalaman ang lab story ng mama at papa ko. Naubos namin ang buong maghapon dahil lang sa kaka-kwentuhan na wala na kami masyadong natirang panahon para magbihis.


Pumunta ako sa party ng gabing 'yon. Ako lang ang nag-iisang babaeng naka-dress. Nang makita ako ni Victor, napanganga siya. Hahalikan niya sana ulit ako. Mabuti na lang naka-heels siya. Kaya ayun, nahulog sa pool. Hahaha! Buti nga sa kanya.


Pero, tinulungan ko naman, eh kaya ayun, nakapoints siya ulit. Hindi naman sa nagrereklamo ako, no.


At doon ko rin nalamang pwede ka rin palang magbago. In the name of lab.


***


Signing off,


Jasmin <3



I'm a Gay and I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon