LET'S FALL INLOVE AGAIN

606 10 0
                                    


CHAPTER 37

(Please play the song para mas feels:))

Vote and Comment!


SHEIMAEKA


We are currently walking down the street. It's 9 am. Marami-rami na rin akong nakitang paparazzi sa daan. Ilang pictures na rin an nakuha nila. Mabuti na nga lang at hindi ganon ka sikat si Brian dito sa America. Sa Pilipinas lang talaga siya kilala.

Marami kaming nakitang mga artista dito. Kanina, nadaaanan namin si Britney Spears, naglalakad kasama ang aso niya (literally) at ang iba pa niyang mga aso (figuratively). Wala naman masyadong lumapit sa kanya maliban na lang sa ilang mga bata na nagpa-autograph.

"Brian," tawag ko.

"Ano?" he smiled as he replied. My heart fluttered nang nakita ko ang kinang sa mga mata niya.

He's really happy.

I looked down when I remembered that this will all end after a week.

"Bakit?" after asking, he held my hand.

I removed it. "Hindi ka ba nahihiya? I mean, ang raming mga paparazzi dito. Mamaya kung ano-ano pang mga balita ang lumubas tungkol sa 'yo."

He sighed. "Akala ko ba napag-usapan na natin 'to. Mahal kita Shei. And about my reputation," inilapit niya ang kamay ko sa bibig niya, at hinalikan niya ito, "I don't give a damn about whatever that'd come across their imagination. I love you. Remember that."

My cheeks flushed. Sino ba ang nagsabi sa baklang 'to na magpakalalaki siya?

His smile widened, "Uy! Kinikilig siya! Hahahaha!" biro nito sa akin.

"Heh! Tama na nga! Bakit naman ako kikiligin?!" pagkatapos ay hinampas-hampas ko ito sa braso. Pero agad naman akong huminto.

Bakit?

Eh ang tigas naman kasi ng brasooo!

"Hahaha! Bakit mas lalo kang pumula? Type mo biceps ko 'no!" biro ulit nito sabay flex sa harap ko. Na kitang-kita ko naman kasi manipis lang yung suot niyang v-neck.

Ano baa?! Bakit nagmistulan na naman akong teenager? I should have outgrown this kilig-kilig years ago!

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko. Sandali, kamay lang pala. Hawak-hawak niya pa kasi yung isa.

"Hey." mahina niyang tawag.

"No." nakatakip pa rin 'yung kamay ko sa mga mukha ko, which is not working well for me.

"What do you mean, 'no'? Tinatanong ba kita?" though I can't see him, I can hear his smile behind his voice.

"No! Just no. Ayoko!"

"Ano ba, Shei? Para ka namang bata. Remove your hand and face me." Utos nito.

Agad kumulo ang dugo ko. I'm already embarrassed at heto pa siya, nang-iinis!

I removed my hand and glared at him. "Then stop acting like a guy! You're gay! Seriously! You should start acting like one!"

Pero imbes na mainis ito, lalo pa siyang ngumiti. "I'm not acting like anyone, Shei. It's all on impulse. It's all about how I want to make you feel, and not because I want to act like someone I am not." Hinugot niya ang kamay ko at hinalikan niya ako sa noo.

I'm a Gay and I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon