PANDESAL

1.4K 33 6
                                    

CHAPTER 5

BRIAN

Nandito ako ngayon sa canteen kasama si Sheimukaka at ang bff kong si Arjainie. Wala nang masyadong tao sa canteen dahil hapon na. Habang nag-uusap kami ni my beloved bff, tingin siya nang tingin sa likod ng upuan namin, mga three seats back, kung saan nakaupo si Sheimukaka pangit.

"Oh, friends na kayo?" pang-iintriga niya sa akin.

"Ano ka ba? Fake lang syempre. At 'wag kang tingin nang tingin sa likod. Baka mahalata ng lola na siya ang pinag-uusapan natin." Ang bf ko talaga, hindi marunong magpaka-discreet.

"So? Hindi nga bah? Anong masama doon? And besides, bakit hindi ako titingin sa kanya? Ang ganda-ganda kaya niya. Kung lalaki lang ako, hay nako, liligawan ko talaga 'yan. Kaya lang, ang bata pa niya. Kailangan ko pang maghintay ng 5 years..." sabi niyang nakakunot-noo at nakatingin pa sa itaas.

"Hoy! Wag ka nga dyan! Ayaw kong maging tomboy ka ha?! Baliw ka ba? Paano ka magkakaanak niyan?! Hindi ako magiging tita!" ano ba 'tong babaeng to! Sakit sa ulo!

"Ano ka ba? Magkaka-anak pa rin ako dahil may matres ako no! Atsaka, nawawala na tayo sa topic. Diba, ikaw dapat ang pinag-uusapan natin dito? So, ano na ang plano mo?"

Baliw ba to? Kaka-sabi ko lang sa kanya kaninang umaga, nakalimutan na agad? Mag-memory plus ka nga teh!

"Ewan ko sayo! Masyado kang makakalimutin! Diba i-bebestfriend ko nga siya tapos ilalayo ko siya kay papa Zein KO?" sabi ko with emphasis sa 'ko'.

"Eh, paano mo gagawin 'yon? Sisirain mo si Zein sa kanya?"  ang bff ko talaga, masyadong curious much. Ginaya ko yung ginagawa ni Elsa sa Frozen noong bata pa sila na naglaro sila ni Anna ng snow.

"I have my ways sistah! May powers po ako!"

"Hoy! Wag ka nga! Hindi ka si Elsa kasi napaka-ganda at sexy niya noh! Wala ka sa kuko niya!" aba! Bad bestfriend! Hindi man lang ako sinuportahan. Huhuhu!

"Ikaw talaga! Very bad ka! You're hurting my feelings talaga!" Nag-pout ako at nag puppy eyes. In this way baka maconvince ko siya. Bwahahaha-

"Shut that face up! It annoys me! Hindi ka cute na bakla kaya tama na nga 'yan! Kaderder ka!" Ano na naman 'yan! Ang sama niya talaga!

"Hindi mo ako love!" ang cruel at unsupportive talaga ng bff ko! Bakit ko ba siya naging bestfriend?!

"Ang sinasabi ko lang, siguraduhin mo lang na gagana 'yang plano mo. Hindi malayong ma-fall ka sa babaing 'yan lalo na at ang ganda niya. Yon na sana ang sasabihin ko kanina pa kaya lang nawala tayo sa topic. At 'yon din ang dahilan kung bakit kanina pa kita pinapapigilin sa mga nonsense mo. Pero bff, mahal kita kasi bestfriend kita. Minsan nga lang, nakakainis ka na. Naintindihan mo bah?"

"Oo ma'am. Crystal Clear ho. Pero, Ito rin ang i-clear mo sa utak mo ha, hinding-hindi ako mafafall dyan sa babaing 'yan dahil girl rin ako! Kay papa Zein lang ako mai-inlove, ok?" aba! Ako maiinlove sa bruhildang 'yon?! N-E-V-E-R!!!

Over my dead, sexy, delicious and alluring body!

"Tignan natin teh. Pustahan pa tayo. Kilala na kita mula pa noong kinder tayo kaya 'wag ka nang mag-refuse dyan."

"Isa lang ang masasabi ko sa iyo. N.O. NO!"

TIGNAN NATIN! HINDING-HINDI YON MANGYAYARI!

"Haha. Let's see." pangiti-ngiti niyang sabi sa akin.

"Ewan ko sayo. Puntahan na natin siya. Baka nagkalumot na 'yon."

SHEIMAEKA'S POV

Ang bait talaga ni Brie. Sana siya na lang si Zein. Kung naging lalaki siya, siya na lang liligawan ko. Di joke lang, di ko ginagawa 'yon no. Kahit ganito lang ako na madly inlike kay Zein, hindi ako ganon liberated na gagawa ng first move. At isa pa, bata pa ako.

And speaking of Zein, palagay ko, bakla talaga 'yon. Tinatago lang niya. Hearthrob kasi 'yon dito.

Noon kasi, naalala niyo yung flashback about kay Zein na kaklase siya ng ate ko? Well, nakita ko siyang naglalagay ng pressed powder at lipgloss sa bibig niya noon. Sinundan ko kasi siya sa banyo namin kaya nakita ko siyang ginagawa 'yon.

Diba, hindi 'yon ginagawa ng mga lalaki? Pulbo siguro, oo.

Habang pabalik sina Brie at yung bff daw niya, may lalaking lumapit sa kanila at sinabing, "Hoy baklita."

"Ano na naman ang problema mo Lance? Pwede bang 'wag mo na kaming abalahin?" sagot naman ni Brie.

"Alam mo kun ano ang problema ko, Brian? Ikaw at ang mga baklang salot sa lipunan. Asa ka pang may lalaking papatol sayo? Siguro, 'wag na lang. So, ano? Babae na ba ngayon ang gusto mo? Kaya ngayon tumitira ka na ng opposite sex? Bisexual ka na no! Ahahahahaha! Pero kahit gawin mo 'yon, bakla ka pa rin! Akin na lang yang chick na kasama mo. Hot niya kasi eh." Sabi nung manyak na lalaki.

"Sexy mo babe ah. Kahit na petite ka lang, pwede ka na. At may bonus ka pang malaking future ah. Parang papaya." Anang lalaki kay Brie's Bff. Naku! Kung ako ang sinabihan niya 'non, di ko alam ang magagawa ko sa kanya.

"Kasi nga, pandesal ka lang. Haha." Sabi ng utak ko.

"Tumahimik ka ngang walang hiyang utak ka!"  Galit na tugon ko sa nagsasalita sa loob ng ulo ko.

"Ok pandesal."

Aba, di na nahiya ah.

Sasagot na sana ako sa utak ko ng biglang umusal si Brie.

"Tarantado ka Lance ah. Kung problema mo ko dahil salot ako sa lipunan at hindi ako makaka-pasok sa langit dahil bakla ako, ako ang agrabyaduhin mo. Pero kapag bestfriend ko na, humanda kang gago ka."

Oh my gosh! Nangingitim na at nanlilisik ang mga mata ni Brie! Anong gagawin ko?!

"Oh anong gagawin mo beki? Sasapakin mo ako? Go ahead. Ay 'wag na pala. Natatakot ako sayooo!!! Ahahaha!" sabi nung Lance na tatawa-tawa at nanunudyo.

"Hindi mo alam ang kaya kong gawin Lance. Kaya mas mabuti nang umalis ka na bago pa kita masaktan."

HALA! Ibang mata na ang nakikita ko. Parang murderous type na ang aura niya. Ibang iba siya ngayon kesa sa kanina.

"Talaga, palagay ko, alam ko na kung ano ang magagawa mo. Iiyak ka at sasabihan mo yung hot mong bestfriend na lumaban para sayo. Bakla ka talaga."

"Umalis ka na please. He's right, masasaktan ka lang. Alis na please." pagmamakaawa ni Brie's Bff sa lalaki.

"Come and get me Bi." Bored na sabi ni Lance.

"Oh, your gonna get what you want asshole."

Susugod na sana si Brie kay Lance pero may ginawa ako na hindi naming lahat inasahan.

I KISSED Brie.

I'm a Gay and I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon