TELL ME YOU LOVE ME

568 13 0
                                    


CHAPTER 44


BRIAN


Pakiramdam ko parang nabiyak ang puso ko sa nangyari. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong huminga dahil sa nagawa ko. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ni Sheimaeka.


Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko. I don't deserve retribution.


"How could you screw everything up, Brian?!" Jain marched inside.


"Hon, I think he needs some time alone." Mahinahong sabi sa kanya ni Zein.


Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw. Gusto ko barilin ang sarili ko. Ok lang sana kung ako lang ang nasaktan, eh. Wala rin nga akong masyadong pakialam kay Victoria. Pero si Sheimaeka... si Sheimaeka na walang ginawa kundi mahalin ako.


Siguro, tama nga siya. Siguro nga hindi niya dapat ako binigyan ng pangalawang pagkakataon.


Sana... hindi kami nasasaktan ngayon.


"No! Bitiwan mo ako, Zein. Bitiwan mo ako! Kailangan kong tamaan 'tong gagong 'to!" siniko niya si Zein.


"Hon, yung anak natin. Mamaya mapano ka."


She glared at him, "Don't touch me. Isang hon mo pa sa akin, Zein, ikaw talaga ang babatuhin ko ng tsinelas." Zein put both of his hands up.


Hinayaan ko lang siyang sabunutan ako. Dapat nga akong saktan. Kahit pisikal lang. Dapat ako ang sisihin sa lahat ng 'to. Kung hindi ko lang inaya si Victoria na lumabas at maglasing, hindi sana nangyari 'to. Ako talaga ang may gawa ng lahat. Kasalanan ko 'to.


Biglang pumutok ang bibig ko sa lakas ng suntok ni Jain, "You piece of shit! Ang rami ng sinacrifice ko noon para sa inyong dalawa ni Sheimaeka, tapos sasayangin mo lang?! Gago ka talaga!" pagkatapos ay sinampal niya ako.


"I was so inlove with you in high school but you never saw me more than a bestfriend! Simula pa noon, kay Sheimaeka na talaga ang mata mo kaya hindi ko na ipinagpilitan ang sarili ko," this time, tumulo na talaga ang mga luha niya. "I loved you so much I sacrificed every dream of being with you para lang sumaya ka!" sumbat niya.


Ano?


All those years, mahal pala niya ako? I don't understand.


"P-pero, bakit mo ako iniwan?" this time, niyakap na siya ni Zein sa likod ad he whispered calming words to her.


"Because you were a reminder of something I gave away but have never been mine. You were like a slap to my face, Brian. At iniwan mo rin naman ako, ah. Hindi lang ako ang nang-iwan." Her voice turned to a whisper, "Hindi ako papayag na mauwi sa wala ang sakit na pinagdaan ko noon para sa iyo, sa inyo. Forget you ever knew me, Brian. Kung hindi mo kakausapin si Sheimaeka at makikipagbati sa kanya, don't ever consider me as your friend anymore. I mean it."

I'm a Gay and I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon