PERFORMANCE OR KAHIHIYANS?

1K 23 0
                                    

BRIE’S POV

Pero bago ko gawin 'yon, pupunta muna ako kay Sir Jayben dahil dalawa sila ni Ma'am Seguenza ang incharge sa program this month. Hindi ko naman kasi maisasagawa ang plano ko kung kulang ng datos. Parehas din sila ng room kaya di na kailangan pumunta sa iba't ibang room para makausap silang dalawa. Speaking of makausap, di na ako nagkaroon ng conversation sa kay papa Zein since, ewan ko, medyo matagal na rin. Hay nako, nakakalungkot talaga kung hindi mo nakikita ang pinakamamahal mo. Sana makita ko na siya soon.

"Mr.Fortez? Ikaw ba 'yan?"

Wait, what?

"Ay sir! Good afternoon po. Pasensya na, may iniisip kasi ako."

"Ok lang 'yon. Halika, I'm sure you have a lot of questions about the performance of the achievers."

"Paano niyo po nalaman?"

"Brian, alam kong palagi kang top one at singer ka rin kaya I was expecting you already."

"Hay nako sir, di naman po. Medyo lang." 

"Ikaw talagang bata ka, sige na, take a seat."

Umupo ako sa armchair sa harap ng table ni Sir J.

"Sir, nang sabihin ni Ma'am Seguenza kanina na ang pairs sa SPA ay grade 7 at grade 9, ano ibig sabihin noon? Hindi ko kasi masyadong naintindihan eh."

"Ah, 'yon ba? Ang ibig sabihin noon ay magkapair ang grade 7 at 9 sa curriculum nyo."

Yes! This is worth celebrating! Ahoooooo! Ahuh! Ahuh! Ahuh! Weee-

"Pero pwede rin silang magpalit ng partner sa ibang curriculum. Or kung gusto nilang same year level, pwede rin. Basta fit sa schedule nila. It depends on who they are comfortable with. Bakit? May problema ka ba sa partner mo?" Dagdag ni Sir.

Nako hindi! Okay lang!

"Ay hindi sir! Sinisigurado ko lang po. Salamat."

"Sige Brian, isasara ko na ang room. May pupuntahan kasi akong importante." Sabi niya pagkatapos niyang tignan ang cellphone niya.

"Okay po sir. Aalis na rin po ako."

"Okay. Sige bye." 

Lakad.

Lakad.

Lakad.

"Teka sir!"

"Ano 'yon?'

"Nasaan na po si ma'am Seguenza? Magtatanong po kasi ako kung ano bang genre ang dapat naming kantahin. Yung theme po. Hindi ko kasi alam kung ano ang kailangan naming kantahin eh."

"Ah, 'yon ba? Sinabi sa akin ni ma'am mo na different themes ang bawat curriculum. Ang regular, freedom. Ang S.S.C., family yung theme nila. Ang S.P.Sports naman, nature. Ang sa inyo, Love. Maswerte na kayo eh. Maraming kantang love songs. Kahin anong genre na gusto niyo. It's your choice."

"Ay sige po, salamat,"

DATA COLLECTED.

Hahaha!!! *evil laugh*

.

.

.

.

.

.

SHEIMAEKA'S POV

What's with his smile? Bago ko pa malaman ang ibig sabihin ng tingin niya, eh iyon, nawala. Siguro, ayaw niya sa akin? Siguro, hindi siya comfortable na kasama ako? Tama ba? Baka naman dahil may gusto ako noon kay Zein kaya naiinis siya sa akin. Pangit ba ako na hindi ako dapat lumapit sa kanya? Sabi naman ng nanay ko maganda ako ah. Maybe he thinks I'm not good enough to perform with him. Nakaabot na kasi iyon nga nationals eh. Natatakot siguro siya na bumaba ang performance level ko. Baka naman crush niya ako? At ang mas malala pa eh inlove siya sa akin. 

I'm a Gay and I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon