chapter 25

12.9K 228 1
                                    

HAPPY 8K readers!!!....hehehehehehe kakatuwa naman akala ko kasi hindi to aabot ng ganto kadaming readers eh.....thank you sa readers neto sana subaybayan niyo pa rin ang story ko ^____^.....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CLIFFs POV

andito na kami sa loob ng van katabi ko ngayon si kim

"guys kain muna tayo nagugutom ako eh!" lumingon samin si raven at hinihimas-himas niya yung tiyan niya..

"puro kain ka nga sa eroplano eh! gutom ka pa rin?!" sabi ko sakanya sumimangot naman siya...tumigil kami sa isang restaurant at nagorder na..

habang hinihintay namin yung order nagkwentuhan muna kami

"nga pala cliff ano nangyari sayo?" tanong ni nikka

"kasi nung tumalon ako tumalon rin yung kalaban namin kaya nasagi niya ako pero masama ang pagkabagsak ko saka sabi ng doktor bukas pede ko na daw maalis to ,pero kelangan wag daw igagalaw ang balikat ko" sabi ko sakanila...

"mabuti nalang at maayos ka na" sabi sakin ni kim inakbayan ko naman siya gamit ang kaliwa kong kamay..

"siyempre naman magpapakasal pa tayo eh!" sabi ko sakanya....

"yun oh! napacorny mo ulan!" tukso sakin ni raven

"mabuti na yung handa kesa sa hindi noh!" sagot ko sakanya....maya maya pa ay kumain na kami pero hindi ako makakain ng maayos dahil hirap ko galawin ang kanan ko napansin siguro ni kim kaya hiniwa niya yung karne at tinapat sa bibig ko

"alam kong nahihirapan ka, kaya susubuan nalang kita" ngumiti muna ako bago ko isubo yun...

"ayoko na baby ko busog na ako eh!" pero pilit niyang inilalapit ang kutsara sa bibig ko

"hindi ubusin mo to! iinom ka pa daw ng gamot!" kaines kasi sinabi pa nila raven na iinom pa ako ng gamot eh ayaw ko uminom dahil ansama ng lasa kahit capsule na siya..

"eiii ayaw!" nagtitinginan na samin yung ibang nakain, yung iba kinikilig yung iba naman kinukuhaanan kami ng litrato dahil nakikilala nila ako..

"pag hindi mo ito sinubo---

"ano?!"

"wala kang kiss sakin ng isang linggo" bulong niya sa tenga ko pero mukhang narinig nila raven at tumawa sila ng malakas...

"sabi ko nga eh uubusin ko tong pagkain eh" sinubo ko na yung nasa kutsara hanggang naubos na yung nasa plato ko...

"oh inumin mo na to, pagtapos mo uminom ng gamot kumain ka ng candy para wala kang malasahan na mapait" sinunod ko naman yung utos niya....

andito na kami sa condo ko hinatid kami ng tropa pero umalis na sila agad dahil namimiss na daw nila yung gf nila...inilagay ko na yung maleta sa taas ng kama at kinuha ko yun..

"kim lika" lumapit naman siya...

"bakit?"

"talikod ka tas pikit ka" ginawa naman niya at isinuot ko sakanya yung kwintas na binili ko sa canada...ang nakadesign dun ay inifinite sign, dahil ipinatapon daw ni rick sakanya yung ibinigay kong kwintas kay kim dati...

Playgirl meets Ms.Sungit (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon