Chapter 7 [Gera o War?]

389 5 0
                                    

Tumakbo agad si Nikka palabas ng office naiwan doon si Jhake, Nikko at Jess...

"Sige una na ako, hindi ko tuloy naibigay ang baon nya" sabi ni Nikko na napakamot sa ulo at nagsimula ng lumakad

"I heard my name....ako ba ang topic nyo?" sabi ni Jess kay Jhake na wala ng imik simula nung sinigawan siya ni Nikka...Para siyang naparalize...Hindi naman siya sinagot ni Jhake dahil umupo na ulit ito sa upuan nya

"Im asking you!" sabi ni Jess kay Jhake..

"Sabi mo nga narinig mo, itatanggi ko pa ba?" sabi ni Jhake sabay tayo "Bakit ka nandito?" tanong ni Jhake

"W-wala lang" sabi ni Jess at itunuloy ang pagsasalita "I need to go, see you sa class" at pagkatapos ay lumakad na siya

++

Nagtatatakbo si Nikka papuntang room nila...Nang malapit na siya sa room bigla nyang nabangga si Kenneth.

"Hey are you okay?" sabi ni Kenneth kay Nikka na parang nagpipigil ng iyak....Hindi nya alam kung bakit siya naiiyak...Pag-iling lang ang sagot niya sa tanong ni kenneth

"Anung nangyari? did someone hurt you?" sabi ulit ni Kenneth..Hinawakan naman nya ang kamay ni Nikka at muling nagsalita "Lets go"

Lumakad sila papunta sa big garden ng school nila...umupo sila sa ilalim ng malaking puno..

"May klase pa ako" sabi ni Nikka at akmang tatayo

"Siguro kanikanina pa nagsimula ang klase late ka na kung papasok ka.." sabi naman ni Kenneth..

"so magcucutting classes kami? lagot ako sa kuya ko neto eehh >__<" sabi ni Nikka sa sarili

"Ganun ba?" sabi Ni Nikka....nasspeechless siya dahil sa kasama nanaman nya si Kenneth at sinasamahan siya ngayun nito dahil sa napansin na may problema siya

"Yep! anu bang nangyari?" sabi ni Kenneth..Napilitan namang ikwento ni Nikka lahat lahat...Mga ilang minuto na din silang nag uusap ng bigla

"Both of you, go to the principal's office" sabi ni Jhake na nasa gilid nila..

"at bakit?" sabi ni Kenneth at agad na tumayo mula sa pagkakaupo

"Ano ba sa tingin nyo ang ginagawa nyo? cutting class yan dba?" sabi ni Jhake na nagsalubong ang dalawang kilay..

"Sige pupunta na kami, tara na Ken" sabi ni Nikka at mabilis na naglakad..

*boog*

May narinig siyang kumalabog mula sa likuran nya..kaya naman agad siyang lumingon nakita nya si Jhake na may dugo sa gilid ng labi at medyo na out of balance...

Dinuro naman ni Kenneth si Jhake gamit ang hintuturo niya at nagsalita

"You!!! oras na may sabihin kang masama kay Nikka, hindi lang yan ang aabutin mo..ayusin mo ang ugali mo kung gusto mo pang mabuhay" sabi ni Kenneth kay Jhake....

lumapit naman si Nikka kay Jhake...nag aalala kasi siya sa sugat nito

"Jhake okay ka lang? Hoy Ken bakit mo siya sinuntok?" sabi ni Nikka...lumingon naman si kenneth sa kanya at hindi umimik..

"Gusto mo ng war ah, okay I will give you" sabi ni Jhake habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi..

----

"Mr. Kenneth and Ms. Nikka, bakit kayu nagcutting? disrespect ito sa rules ng school" sabi ng principal..nakaupo sa harapan niya si Nikka at Kenneth samantalang nasa may pintuan nakasandal si Jhake..

"Papalampasin ko ito but make sure you won't repeat it again" sabi muli ng principal..tumango naman si Nikka..

"You can leave now" sabi ulit ng principal..tatayo na sana sila nang biglang sumingit si Jhake sa usapan

The Present Or The Past...?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon