Chapter 11 [The Secret Admirer]

295 2 0
                                    

Lunch time noon sa eskwelahan....tinanggal na din ang suspension ni kenneth kaya palagi na nyang nababantayan at nakakasama si Nikka...

"Uy Nikka diba kapitbahay nyo si Jhake? Dapat alam mo kung bakit siya absent, grabe one week na siyang hindi pumapasok." sabi ng isang buddy ni Nikka sa school..."Tapos halos one week na din wala yung secret admirer mo, di kaya siya yun?" dagdag pa nito, napatingin naman si Nikka dito

"Syempre hindi siya yun, sus sa sungit na yun magkakaroon ng ganong idea? shaka wala akong alam kung bakit absent yun. Pero alam ko umuwi yung kuya nya siguro nag bakasyon sila" paliwanag ni Nikka..

"Pero naniniwala talaga ako na siya yun...." sabi ulit ng kaklase at itinaas pa ang kanang kamay at nagsalita "PROMISE!!!"

"Nga pala kayo na ba ni kenneth? yung captain ball?" sabi ulit ng kaklse..

"Hindi pa!" matipid na sagot ni Nikka sa tanong ng kaklase..

"Speaking of..." sabi ng kaklase dahil dumating na din sa cafeteria si kenneth na papalapit sa kanila...Nakangiti itong humarap sa kanila

"Hello girlfriend ko, nakuha mo ba yung rose na nilagay ko sa locker mo?" tanong ni Kenneth...

"Sabi sayo eh" sabi ni Nikka sa kaklse na inipilit na si Jhake ang palaging naglalagay ng mga sweet things sa locker ni Nikka.......

"Ah ikaw pala yung naglalagay sa locker ni Nikka palagi so ikaw din yung nagtetxt sa kanya at nagcacall tuwing gabi?" tanong ng kaklase nya...

"Hindi! shaka sino yang sinasabi nyo? Bubugbugin ko yan...." sabi ni Kenneth sa narinig...napatingin naman ang kaklase ni Nikka kay Nikka

"Sabi sayo eh hindi si kenneth yun haha!! Sige iwan ko na kayo dyan" sabi nito at nagsimula ng maglakad.....

"Huy hindi talaga ikaw yun?" pagtatakang tanong ni Nikka kay kenneth na tumabi naman s upuan niya...

"Di nga ako yun, bakit mas gusto mo na yun kesa sakin?" sabi ni Kenneth na nag sad face pa..

"Ahh hindi hindi" sabi ni Nikka at agad naman ngumiti si kenneth

"Ang bango naman ng girlfriend ko" sabi ni kenneth sabay tawa...tinignan tuloy siya ng ibang tao sa loob ng cafeteria na naglulunch sa oras na yon

"Girlfriend ng girlfriend to dami tuloy nang iintriga sakin" sabi ni Nikka, ngiti lang ang isinagot ni Kenneth sa sinabi ni Nikka...

++

"uy bro, bakit puro chocolates at rosas ang binili mo kanina?" sabi ng kuya ni Jhake...Nagpunta kasi sila sa mall kanina at nagpupumilit itong humanap ng sariwang mga rosas sa palengke sa Maynila...

"Bakit ano ba bibilin ko?" sabi ni Jhake

"May nililigawan ka ba? Kwentuhan mo nga ako tungol kay Jessica" sabi ng kapatid at umupo sa sofa ng salla nila..

"Were break, wala na kami...Pero ayun nagpakatanga nanamn ako nung dumating siya dito. Tapos nasasaktan..." sagot ni Jhake..hindi niya sinusungitan ang pamilya niya pati na din ang mga taong kasama niya sa bahay nila..

"Tapos? para san tong mga pinamili mo?" tanong ng kuya niya, sabik kasi itong kausapin ang nakababatang kapatid dahil sa tagal nilang hindi nagkikita.

"Ito mga to? hindi ko alam kung bakit parang may nag uutos sakin ibigay ko sa isang tao, minsan kapag naglalagay ako sa locker niya tinetext ko siya sa other number...pero secret lang natin to kuya kung hindi!!!!!  babanatan kita" sabi ni Jhake na tumawa pa...

"Sino naman yun? Naks nagpapaka secret admirer ah..Manang mana ka talaga sa kuya mo..HAHAHAHAHA"

"Secret na yun....Shaka hindi ko na talaga mahal si Jess, siguro kaya ko lang nagawa yun kay Lawrence kasi nabigla lang ako dahil sa galit ko...shaka nagpaliwanag na siya'' nakangiting sabi ni Jhake..

The Present Or The Past...?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon