Chapter 19[Jaja?]

136 2 1
                                    

Nikka's POV

Nakaupo pa din kami sa ilalim ng puno...si Jhake nga pala yung kausap ko, nagulat nga ako eh akala ko ba nasa ibang bansa to?

"Bakit ka nandito?" masungit na tanong ko...

"bakit ka din nandito?" balik nya ng tanong sakin..

"nag eemo ako..." sabi ko..pagkasabi ko nung nadinig ko siyang tumawa ng mahina...tinanung ko ulit siya "eh bat ka nandito?"

"Kasi nandito ka :)"

Tinignan ko lang siya, nakangiti siya habang nakatingin sa harapan nya...Geez!

"Yung tungkol kay Kenneth at sayo..ummm" sabi nya habang bunubunot yung mga maliliit na damo sa inuupuan namn..

"Iniwan nya *sniff* ako..." naaiyak nanaman ako, bakit ba puro kenneth kenneth naman ngayon? Kakalimutan ko na nga siya eh tapos puro naman sila kenneth kenneth

"Aist nevermind, wag ka ng umiiyak! Sorry!" sabi nya sakin, tumayo naman siya at pumunta sa harapan ko "Hindi naman siya deserving sa pagmamahal mo, marami pang iba dyan minsan di mo lang namamlayan..... minsan nasa harapan mo lang siya nagiintay"

Hindi ko mapigilan ang luha ko na patuloy pa din sa pagtulo, nakakainis bakit ba ganito ang nararamdaman ko.

"Alam mo sabi noon nung batang nakilala ko, dito mismo sa lugar na to na wag ko daw iiyakan ang isang problema kasi may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat. Nakakatawa siya. Ang cute nya." Sabi nya sabay lakad papalayo. Pero habngg naglalakad palayo bigla siyang huminto "Sabi nya pa kung may taong mawawala sa buhay mo paniguradong may taong dadating para palitan ang kalungkutang nadadama sa puso mo," At tuluyan na siyang umalis

Siya ba si Jaja? Siya ba yung batang nakilala ko noon na nakita kong umiiyak dahil namatay ang lolo nya. Siya ba yung batang uhugin na pinatahan ko.

*FLASHBACK* (Grade 4)

"Kuya ang boring naman dito llabas muna ako doon lang ako sa may park sa puno ah" sabi ko sa kuya ko habang inaantay namin sila papa at mama dahil nakipaglibing sila. Kami ni kuya naiwan dito sa may labas ng sementeryo.

Nung nakaupo ako sa ilalim ng puno may nakita akong bata, waaa MULTO?!! Umiiyak siya nakawhite :x Pero nilapitan ko siya, nakayuko kasi siya habang nakaupo sa isa pang puno. Umupo ako sa tabi nya.

"Hello bata. Bakit ka umiiyak?" Hindi siya sumagot tuloy tulyo pa din siya sa pag iyak.

"Huy batang iyakin bakit ka umiiyak? May umaway ba sayo?" nakakailang tanong na ako sa kanya pero walang sagot o imik man lang. Ano ba yang ang sungit naman nitong iyaking bata.

"Iniwan na ako ng lolo ko" sabi ny habang umiiyak.sabi nya habang patuloy pa din sa pag iyak

"Iniwan? Bakit nasan na siya? Baka naman babalik siya." sabi ko habang tumatango tango pa

"My mama told me that he's on heaven na"

"Alam mo bata wag mong iiyakan ang problema kasi sabi ng papa ko yang mga problema na yan may dahilan yan kung bakit dumadating, minsan nandyan yan para palakasin ka o patatagin ka. Tsaka bata kung mawala man ang lolo mo malay mo balang araw dba may magpapasaya sayo uli, may maakadamay ka ulit kaya smile ka na ah. Ako nga pala si Nikka, eh ikaw?"

Nag usap pa kami ng matagal tagal sinabi nya na namatay na ang lolo nya kaya siya umiiyak ngayon. Ang cute cute nya ewan basta para ang saya saya nyang kasama parang hindi ako nagsasawang akinggan siya. Parang siya nalang anggusto kong kausapin buong araw. Umalis na din siya sabi nya siya daw si Jaja eh. Ok jaja! SImula ngayon ikaw na ang crush ko hahahaha.

PRESENT

Ah hindi siguro, siguro nagkataon lang yun na may kakilala siya. At isa pa jaja ang pangalan nya hindi Jhake. Imposible. Hindi talaga pwedeng si Jhake yun, hindi pwedeng sya yung first love ko. Hindi talaga.

Dahil wala pa akong balak umuwi naglakad lakad ako kung saan saan lng, basta ang alam ko kapag naaalala ko si Jaja nakakalimutan ko problema ko kay Kenneth. Sana makita ko siya. Kamusta na kaya siya? Iyakin pa din kaya siya? Haha. Lalo pa kaya siyang naging cute? Sana masaya na siya ngayon.

Jhake's POV

I miss you Nikka :) Tama ka nga na kapag may nawalang isang tao sa buhay mo may dadating at dadating sa buhay mo para pasayahin ka. And you're here. Sana naaalala mo pa ako Nikka. Hindi ko din akalain na ikaw pala yung batang yun. Nasabi lang sakin ni papa na ikaw pala yun. Destiny? Hindi naman ako naniniwala sa destiny. Pero kung tayo? SIguro maniniwala ako.

Ito naba yung right time ni Mr. Black? siguro nga eto

SInusundan ko pa din siya kahit na ang alam nya ata umalis na ako at iniwan nalang siya. Dapat naman talaga uuwi na ako kaso hindi ko siya matiis. I feel so crazy kapag nandyan siya. Maya maya nakarating siya sa isang fastfood umorder sya at umupo, ako naman nakiupo sa kanya,

"Hello" i said.

"Akala ko ba u--" hindi ko na pinatapos sasabihin nya kasi hinalikan ko siya. Buti walang tao at walang nakita samin. Hinalikan ko nanaman siya. Shit! Nababaliw nanaman ako.

"I miss you Nikka :)"

"JHAKE!!!!"

"Haha! Sorry. Di ko napigilan. May kilala ka bang Jaja?" Iniba ko nalang yung usapan kasi baka magalit siya sa ginawa ko.

"Ewan!"

"Nikka sorry, dont be mad at me please." sabi ko habang nakatitig sa kanya.

"Wala wala akong kilalang ganun. SIno ba yun? Wala talaga eh." Sabi nya. Aw she dont remember me. PArang pinupunit yung dibdib ko na ewan basta makirot.

"Wala talaga?" Medyo na saktan talaga ko sa sinabi na nya wala syang kakilalang jaja. Ako kasi di ko malilimutan yung mga oras na yun. Tapos sya nakalimutan na pala nya.

--------

Update after ilang dekada xD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Present Or The Past...?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon