Chapter 5 [Mr. Sungit vs. Mr. Kenneth]

410 5 5
                                    

"Uy Jhake, bakit di ka namamansin ang sungit mo aahh..." bati ni Nikka sa katabi na kanina pa walang imik wala tuloy siyang makausap..ayaw naman nyang makipag-daldalan sa ibang kaklase dahil may mga ginagawa din ito..

"Aist!!! minsan nalang ako mag stay dito sa room, may nanggugulo pa!!!!" sabi ni Jhake sa totoo kasi madalas tuwing wala silang teacher lumalabas siya ng room at pumupunta sa office nya...ngayon kasi wala silang teacher dahil may emergency daw...

"Sungit mo...tseee!" sabi ni Nikka at tumayo pero pinigilan siya ni Jhake dahil agad nitong hinawakan ang braso ang pinuwersa para umupo ulit sa kaninang kinauupuan nito..

"Stay!" matipid na sabi ni Jhake kay Nikka...pero pumipiglas pa din ito upang tumayo..tinitignan na nga sila ni Jess eh...

"Kaasar! Kaasar! Kaasar...anu ako aso? stay?" sabi ni Nikka na asar na din kay Jhake...tumatawa na nga si Lawrence sa nakikita samantalang si Jess seryoso ang muka tulad ni Jhake..

"Sorry!" sabi ni Jhake..tumayo ito at naglakad na papuntang pintuan...

"Psh! Feeling mo naman susundan kita!!" bulong ni Nikka sa sarili nya..

"Pagpasensyahan mo na yun...ganon talga yun moody, Maayos nyo din yang LQ nyo.." sabi ni Jess na parang concern din naman..di pa kasi nya alam na nagsinungaling lang si Jhake sa kanya noong sinabi nyang girlfriend nya si Nikka..

"AH hehe oo" sabi nalang ni Nikka na ngumiti naman

"Geez! anu daw? LQ? Adik naman kasi tong Jhake na to eh..Girlfriend nya daw ako!!!" sabi nalang ni Nikka sa isip nya habang tinitignan ang phone na tadtad ng texts karamihan ay galing sa mga manliligaw nya tapos mga fan girls ng kapatid nya...Wala naman siyang importanteng text na nakita kaya ibinalik nalang nya sa bag ang cellphone

"Nikka pupunta kami sa bahay nyo bukas tutal wala namang pasok.." sabi ni Lawrence tapos ngumiti ito " tapos isasama na din namin yung BOYFRIEND mo" sabi ni Lawrence na pinagdiinan talaga ang word na 'boyfriend' dahil alam naman nya na nagkukunwari lang ang dalawa

"Ha? sa bahay? bakit samin? kila Jhake nalang" sabi ni Nikka na parang nag aalinlangan pa..

"Kasi pupunta kami kila Jhake eh diba magkalapit lang bahay nyo...?" sabi naman ni Jess habang nagsusulat ng kung anu sa notebook nito..

"Ah oo sige.."

"Good!" sabi ni Jess..tinignan siya nito at ngumiti..

++

Uwian na din..Wala yung mga teacher nila Jhake hanggang last period kaya nagstay siya sa Committee office, hindi naman siya irerecord as cutting class kasi malay ba ng monitor ng classroom nila kung may ginawa siyang importante

"Inis!!!!!.Kala mo kung sino umasta eh....sabi ng isip ni Jhake habang nakaupo sa chair nito at tumitingin ng mga records..nag iinit pa din ang dugo nya tuwing naaalala yung nangyari kaninang umaga

*FLASHBACK*

Maagang pumasok si Jhake kaya naman naisipan nyang umikot muna sa campus..Tapos may nakita siyang dalawang lalaki sa basketball gym...Pinag uutos kasi ng Administrator at Principal na bawal maglaro sa court hanggang hindi pa nagsisimula ang klase kahit pa ang captain ball..Kaya naman naisipan nyang lumapit doon at pagsabihan ang dalawa tutal responsibilidad naman nya iyon

"Hey! Hindi nyo ba alam na bawal maglaro dito..mamaya pa magsisimula ang class hours.." sabi nya habang nakasaldan ang braso sa pader...

"Bakit pakelam mo ba? porket President Ka lang ng student committee makaasta ka parang ikaw nagbabayad sa amin dito sa school ah" sabi ng kasama ni Kenneth..

The Present Or The Past...?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon