Chapter 9 [Ang Feelings Nya.]

340 3 0
                                    

"Mr. Pres paano po ba ulit ang gagawin dito sa mga paper na ito medyo naguluhan po kasi ako" tanong ng secretary ng committee kay Jhake. Uwian na kaya nandoon lahat ng kasali sa Student Committee...

"NAKIKINIG KA BA KAPAG NAGPAPALIWANAG AKO? I SAID NA GAWAN MO YAN NG COPY AT IBIGAY MO KAY LAWRENCE, NGAYON ALAM MO NA BA, HA?" sigaw ni Jhake sa babaeng nagtatanong. Umurong naman ang babae at bumalik sa table nito. Tinignan si Jhake ng iba pang kasama sa kwarto pero agad naman binawi ang tingin nila noong bumukas ang pinto.

"Hehe sorry im late!" nakangiting sabi ni lawrence habang pumapasok ng pinto. Nakatingin naman ng masama sa kanya si Jhake

"Haha pare high bloob ka?" tanong ni Lawrence

"Shut up your Mouth! do your job and leave! gawin mo gusto mong gawin wag lang ang pakialaman ako ngayon!" Sabi ni jhake, tensyong tensyon ang mga kasama nila sa loob ng kwarto para kasing umaangil na leon si Jhake sa sobrang sungit at tapang nito ngayon

"Tapos sabihin nyo kay manong guard na wag na wag magpapapasok ng suspended students" sabi ni Jhake

------

Lumabas si Jhake sa office at umupo sa gilid ng pond sa may garden area, pumupulot siya ng mga maliliiit na mga bato at inihahagis sa pond.Nang biglang may umupo sa tabi nya.

"Pinupuno mo ng bato yung pond? tulungan na kita, mahirap yan!" sabi ni Nikka na ngumiti at kumuha ng bato at inihagis din.

"Bakit ka nandito? kanina pa uwian ah" Tanong ni Jhake ng hindi tumitingin kay Nikka

"Sabay kaming uuwi ni kuya eh nandun pa siya sa room ni administrator'" paliwanag ni Nikka...Tumayo naman si Jhajke at naglakad

"Oy san ka pupunta diba uwian na din ng officers!" humabol naman sa kanya si Nikka at sinabayan siya sa paglalakad, hindi naman sumagot si Jhake sa sinabi ni Nikka..

"Psh! snabero!" bulong ni Nikka pero narinig naman ito ni Jhake. Umupo si Jhake sa isang bench na malapit sa puno at umupo din doon si Nikka.

"Alam mo ba Nikka yung pakiramdam na may gusto ka sa isang tao kaso hindi mo masabi kasi hindi mo alam kung yung nararamdaman mo totoo na talaga.." tumingin si Jhake kay Nikka at binawi din agad ang tingin nya.

"At alam mo na kapag sinabi mo yun, mawawala siya sayo kasi isa lang ang alam mo, na may gusto siya at hindi ikaw yun. Sabi nila masama daw ang magselos lalo na kapag wala ka namang karapatan, kaso hindi ba pwedeng magselos ang taong may dadamin?" sa pagkakataon iyon si Nikka naman ng tumignin kay Jhake, nakangiti ito.

"ibig sabihin ayaw mong masaktan sa sagot na sasabihin nya sayo sa oras na aminin mo?" tanong ni Nikka, kahit na naguguluhan siya sa mga sinasabi ni Jhake sumabay nalang siya sa sinasabi nito...Ngumiti si Jhake

"Minsan na akong nasaktan, nagbago at umiyak sa isang tao. At ayaw ko ng maulit pa, sabi ng kuya mo wag daw akong mahiya at kung mahihiya lang daw ako dapat magsuicide nalang ako kaso hindi ako nahihiya natatakot akong masaktan" yumuko si Jhake sa sinabi, hindi nya makontrol ang mga salitang lumalabas sa bibig nya.

++

"Akala ko isa kalang taong masungit at moody yun pala may feelings ka din. Nasasaktan din at umiiyak, seryosong tao pagdating sa ganitong bagay" sabi ni Nikka sa isipan niya habang natahimik na si Jhake sa pagsasalita.

"Ah ano kasi nagtext na si kuya, nandun na daw siya sa main gate sige ingat pag-uwi kaya mo yan!!!" sabi ni Nikka at tumakbo na papunta ng gate, nandun yung kuya nya kasama si kenneth

"Hello Nikkas!" masiglang greet ni Kenneth. hindi naman ito pinansin ni Nikka  sa halip ay nagderederetsyo ito sa loob ng kotse nila.

"Uy Nikka! galit ka?" tanong Ni Kenneth sa may bintana, umiling naman si Nikka. Hindi niya kasi alam kung bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso nya yung para bang sobrang kinakabahan ang nararamdaman.

The Present Or The Past...?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon