Chapter 8 [Ang Payo Ni Nikka]

385 4 6
                                    

Nakatingin pa din si Jhake sa dalawang matanda na masayang naglalakad palayo sa kanya, sinulyapan niya muli si Nikka at kenneth pag katapos ay naglakad na papunta sa sasakyan niya. Nang makarating naman siya sa loob ng sasakyan ay agad siyang nagmaneho papunta ng bahay nila...

"Oh son, Anung nangyari sa sugat mo dyan?" bungad ng nanay nya na nakaupo sa salla nila

"Wala poh ito" sabi ni Jhake at marahang naglakad papuntang kwarto niya. Inilapag niya ang mga gamit niya at humiga sa kama.....

Kinuha naman nya ang cellphone sa bulsa at tinignan ang nagiisa at pinakatatagong larawan nila ni Jess...Nagbuntog hininga siya at pumikit

"Jess, I still love you too!" mahinang bulong ni Jhake sa sarili nya

FLASHBACK

"Hello Jessicang payatot na mahal na mahal ko" sabi ni Jhake sabay pisil sa dalawang pisngi ni Jess...

"Tigilan mo nga ako JC, Shaka mas mahal kaya kita" sabi ni jess sabay belat kay Jhake

"Ay ganon? Parang hindi naman hahahaha" sabi ni Jhake

PRESENT

"Hay Jess, bakit mo ba ako iniwan ng ganon? namimiss na kita" sabi ni Jhake na parang baliw na kinakausap ang sarili habang nakapikit

FLASHBACK

"JC bakit ang gwapo mo? ang dami ko tuloy kaagaw sayo" sabi ni Jess habang magkatabi silang kumakain ng lunch

"Wag ka nga! Bakit ka naman magkakaroon ng kaagaw kung sayo lang ako" sabi ni Jhake sabay ngiti niya kay Jess na sumimangot...

PRESENT

"Kahit Halos dalawang taon na ang nakakalipas madami pa ding alala na hindi ko makakalimutan sabi nga nila puppy love lang yung nararamdaman natin noon sa isa't isa pero bakit sa pag-iwan mo saakin nag iba ako? sino ba ang lalaking yun? Mas deserving ba siya sa pagmamahal mo" sabi muli ni Jhake

FLASHBACK

"Bakit ka ba nakikipag hiwalay? may problema ka ba? tell me, aayusin natin" sabi ni Jhake habang sapilitang nakikipag hiwalay ni Jess sa relasyon nila

"Lilipat ako ng school..." sabi ni Jess na ayaw tumingin sa mga mata ni Jhake

"Lilipat din ako sa lilipatan mo, ano ba ang problema dun? wala ka bang tiwala sakin?" sabi ni Jhake

Hindi naman umiimik si Jess

"Ano ba talaga ang problema Jess?" sabi ni Jhake kay Jess na natahimik na

"Nakikipag hiwalay ako kasi hindi na kita gusto may iba na akong gusto at nandoon siya sa lilipatan kong school tanggapin nalang natin na hindi talaga tayo para sa isa't isa kaya please Jhake" sabi ni Jess, sa pagsasabi nito ni Jess ay nabitiwan ni Jhake ang pagkakahawak niya sa braso nito sa pagpipigil na tumakbo ito..pero nabitiwan nya ito at agad naman tumakbo si Jess palayo sa kanya

PRESENT

"Im too much serious!" sabi ni Jhake at bumangon sa kama at agad na bumaba papunta ng salla

"Hey son!" sabi ng tatay nya

"Dad nandito ka pala?" sabi ni Jhake at umupo sa mahabang sofa

"Babalik din ako agad sa America may inayos lang ako dahil nagplaplanong umuwi ang kuya mo, tutal naman at bakasyon nya he decided na samahan ka muna dito" pagpapaliwanag ng tatay niya at umupo sa malapit sa kanya

The Present Or The Past...?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon