Third Person's POVNAKANGITING lumapit si Eric palapit sa dalaga na nagtitingin lamang ng magazine habang nakaupo sa sofa,
Napagdesisyonan muna ni Jaime na mag-stay muna siya dito ng isang oras sapagkat sobra talaga nitong namiss ang kaibigan
Mas lalo pa itong natuwa nang payagan siya ni Vanessa basta't huwag lang lalapit kay Eric
Sa una ay nagtaka siya pero mas mabuti nang sundin niya si Vanessa.
Natigil ito sa pagbubuklat nang may tumikhim sa gilid niya, "Uh, hello?"
Tumingin naman siya at pilit na ngumiti "Hello." Simpleng sabi ni Jaime at ibinalik ang tingin sa magazine na hawak hawak niya
Ngumiwi naman si Eric "Nahawaan kaya 'to ni Vannie ng kasungitan? Hmp."
Umupo agad si Eric matapos ibulong 'yon, "Kaibigan ka pala ni Vannie 'no?"
Biglang nainis si Jaime sa sinabi ni Eric, lalo na't nalaman niya ang tawag nito sa kaibigan
Inis niyang tinignan si Eric "Anong sabi mo?"
Napakunot noo si Eric "Sabi ko, kaibigan ka pala ni Vannie—"
"Wala ka bang respeto?"
'ANO?! Ano na namang ginawa ko?!'
"A-ano?"
Yan na lamang ang nasabi ni Eric, 'ni hindi nga niya alam kung anong dapat niyang sabihin
"Bakit mo tinatawag na Vannie si Queen? Wala ka bang respeto? Ano bang koneksyon mo sa kaniya?"
Muntik ng malaglag ang panga ni Eric dahil sa sinabi ni Jaime pero agad na siyang ngumisi
. . . para asarin si Jaime
"Sabihin na lang natin na," ngumisi ito "Sobrang close kami, yung close na close talaga. Best friends kumbaga."
Nalaglag ang panga ni Jaime at akmang gagantihan ng salita si Eric ngunit biglang dumating si Vanessa mula sa sarili nitong kwarto
Agad na iniwas ni Jaime ang tingin at nagpanggap na walang usapan ang naganap kanina
"Eric," malamig nitong pagtawag "Let's talk inside my room."
'Vannie naman! Inosente pa nga 'ko! Ang kulit talaga nito.'
"Stay there, Jaime." Sinamaan naman ng tingin ni Jaime si Eric habang si Eric naman ay ngumiti na para bang nang aasar
'Sino ba talaga yung lalaking 'yon?!'
Vanessa's POV
"BLUE Queens is their gang name," Eric starts to read the files he passed on my laptop
I rolled my eyes with that "Blue Queens? What the hell."
"Kasi ang theme nila ay blue with white tapos may kasamang eagle. Yun ang logo ng gang nila."
'Whatever. Blue Queens or should I say Blue shits.'
BINABASA MO ANG
Meet The Mafia Queen
Action[ 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐐𝐔𝐄𝐄𝐍 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 : 𝟏 ] She's not merciless and heartless for no reason. Highest Ranks: #1 in Action, #1 in Assassin, #1 in Mystery & #1 in Thriller Language : Tagalog & English Cover by: bibimbboxx