Prologue

23.1K 120 73
                                    

"Welcome to Canada, Sarah!" Masayang bati ng Tita Elaine niya sa kanya sabay yakap ng mahigpit. Yumakap din ng mahigpit ang dalaga sa matagal tagal na rin niyang hindi nakikitang kapatid ng Papa niya.

"Salamat po Tita. Salamat sa lahat lahat!" Naluluhang sagot ni Sarah habang nakayakap pa rin ito ng mahigpit sa Tita niya.

"Is it possible to have my turn now." Sabad naman ni Sean na matiyagang naghihintay na nasa may likuran ng Tita Elaine niya

"Uncle Sean, hello there, it's so great to see you again!" Masayang binati sabay yakap din sa asawang canadian ng Tita niya,

"Great to see you too my girl!"Halos buhatin ang dalagang bati nito.

Habang hinihintay nila ang luggage ni Sarah ay kinumusta ng mag asawa ang napakahabang biyahe niya. Sinabi naman ng dalaga na medyo nalito siya sa paghahanap ng domestic flight niya pero napaka helpful naman ng mga napagtanungan niya.

"Magugustuhan mo dito sa London, Ontario, iha. Hindi kasing laki ng Toronto pero marami ding pwedeng paglibangan at hindi din kalayuan sa Toronto at Detroit.

"Mas tahimik, mas gusto ko Tita. Gusto ko din sanang makapagtrabaho habang nandito.Pwede naman akong magtrabaho di ba?

"Oo iha, may certain number of hours na allowed kang magtrabaho bilang international student."

"Sana bago mag umpisa yung course ko, may mahanap na ako."

"Napag-usapan na namin yan ng Uncle Sean mo. Pwedeng sa amin ka magtrabaho. Matutulungan mo kami dun sa bar and restaurant namin."

Natuwa ang dalaga sa narinig.Malaking tulong sa mga magulang niya kung makakaya na niyang kitain ang mga gastusin niya habang nasa Canada siya. Nakarating lang siya ng Canada sa tulong ng Tita Elaine niya. Naglagay ito ng malaking pera sa bank account niya para makitang kaya niyang suportahan ang sarili habang nasa Canada siya  at nag-aaral. Ang tutuo, nagtulong tulong silang magpapamilya para makalikom ng sapat na halaga para pang tuition niya at pamasahe. Nangako naman ang Tita Elaine niya na hindi niya problema ang titirhan at pagkain.

Nangilid ang luha ng dalaga ng maalala ang mga magulang. Ang laki ng sakripisyo ng mga ito at ng nakababatang kapatid, makalabas lang siya ng bansa at makapagsimula ng bagong buhay. Nagamit niya halos lahat ng ipon ng mga magulang, pati ang pagpapaaral sa bunsong kapatid ay nagamit din niya. "Huwag kang mag-alala ate, ayos lang naman ako. Tutulungan ko muna sina Mama at Papa sa probinsya. Madali lang ang isang taon, pasukan na uli." Punong puno ng pang unawang sabi sa kanya ni Kevin ng kausapin nila ito tungkol sa paghinto muna niya sa pag-aaral. "Basta ang importante, makapagsimula ka ng bagong buhay,makalayo at makalimutan mo ang walang kwentang lalaking yun." Nayakap na lang ni Sarah ang kapatid bago pa humaba ang sasabihin nito. Ayaw na rin niyang marinig pa ang iba pang sasabihin nito tungkol sa lalaking ilang oras na lang bago sila ikasal ay nahuling nakikipagtalik sa pinsang buo niya at maid of honor sa nalalapit sana niyang kasal.

Natigil sa pag-alala ang dalaga ng tumigil na ang sasakyan sa harap ng bahay ng mga Tita niya. Ang magigingn  tirahan niya ng mahigit dalawang taon.

"What you think iha? Palagay mo magugustuhan mo dito?" Nakalingon Kay Sarah ang Tita Elaine niya, kitang kitang ang excitement sa mukha nito,

Napatingin din si Sarah sa Uncle Sean niyang nakalingon din sa kanya, hinihintay ang isasagot niya.

Nagpawala ng matamis na ngiti ang dalaga, "driveway palang Tita, ok na ok na,di lalo na sa loob. Isa pa Tita,basta nandun ka, ok na ok na ako. Yung malaman ko na hindi ako nag-iisa, yung alam kong andiyan kayo ni Uncle Sean, kahit saan pwede ako, super bonus na lang na napakaganda at laki ng bahay nyo."

"Ituring mong sarili din ang bahay na ito. Huwag kang mahihiyang kumilos at magsabi ng mga kailangan mo."

"Salamat po talaga, thank you Uncle Sean."

"Come on now girl, enough of that. You are family, happy to be a part of this, hopefully you will stay with us even after your course."

"Crossing my fingers for that." Masaya ng lumabas ng sasakyan ang dalaga. "This is it, new place, new life." Nakangiting sabi ni Sarah sa sarili.

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon