Chapter 17

2.8K 99 60
                                    

Nagulat si Gerald sa narinig. Lalo ng napapatitig sa dalaga.”Ano ibig mong sabihin? Sinasagot mo na ako? Tayo na?” Abot tenga ang ngiting tanong ni Gerald hawak  ang dalawang kamay ng dalaga.

“Bakit hindi? I am very fond of you. We get along very well di ba? We’ve been great friends for a long time at  kahit na sinong babae, proud na maging boyfriend ang gaya mo. Sabi nga, ikaw ang matatawag na good catch. Swerte ng babaeng mamahalin mo.”

Nawala ang ngiti sa mga labi ng binata. “What are  you saying? Parang hindi ko yata gusto yung naririnig ko.”  Lumuwag ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga.

Napakagat labi si Sarah. Nabosesan niyang hindi nga maganda ang dating sa binata ang mga sinabi niya. “I am sorry, parang hindi maganda ang dating saiyo ng mga sinabi ko. Forget about it.” Napapahiyang sabi ng dalaga na napayuko. Hindi na makatingin ng diretso sa kaharap.

Hindi pa rin makakibo si Gerald, pilit pinagliliwanag ang isipan kung ano ba talaga ang gustong mangyari ng dalaga. “Pakipaliwanag na mabuti, medyo naguguluhan ako.”  Parang nakikiusap na sabi ng binata makalipas ang ilang sandaling hindi nito pagkibo. Nahalata ni Sarah na inisip munang mabuti ng binata ang sasabihin pero halata pa rin ni Sarah ang pinipigil nitong emosyon na hindi niya masabi kung galit o pagka dismaya.

“Parang galit ka eh, huwag na lang.” Tumayo na ang dalaga, halatang umiiwas ng humaba pa ang usapan. Kinuha ang pinagkainan at aktong lalakad na palayo sa dining table ng pigilan siya ni Gerald na hindi niya namalayang nakalapit na sa kanya.

“Uh uh, you can not just escape from it. Inumpisahan mo, pakitapos please. What is in your mind? I am willing to listen. Obviously, you are not in love with me, yet.”

“Please, kalimutan na lang natin, ewan ba naman kung ano ang naisip ko.Unfair nga naman saiyo.”

“Nagulat lang ako, pero gusto kong marinig kung ano plano mo? Please?”

“Okay, how about,  you finish your food, I  will make tea and  then after we  clean up  here, let’s drink  our tea sa living room, ipapaliwanag ko kung bakit ko nasabi ang mukhang nagpawala sa mood mo.

Walang kibong muling umupo si Gerald at ipinagpatuloy ang naaudlot na pagkain? Nagtuloy naman sa kusina si Sarah at nagpainit ng tubig. Kape sana ang gusto niyang inumin pero wala siyang makitang instant coffee. Hindi na siya naglakas loob na bumalik sa dining room. Sising sisi kung bakit nasabi niya yun kay Gerald. Hindi pa man kumukulo ang tubig ay naramdaman na ni Sarah na papunta na sa kusina ang binata. Nagkunwari siyang abala sa paghahanap ng paglalagyan ng tea kahit alam na niya kung nasaan ito.

Tahimik na inilagay ni Gerald ang pinagkainan sa dishwasher. Lalo namang nailang si Sarah sa pagsasawalang kibo ng binata.

Ang tutuo, hindi din alam ni Gerald ang sasabihin. Tutuong na disappoint siya sa narinig na paliwanag ni Sarah. Buong akala niya nuong una,  tutuong sinasagot na siya ng dalaga pero matapos nitong marinig ang kabuuan ng paliwanag nito, para siyng binuhusan ng malamig na tubig pero sa isang banda, pagkakataon na rin niya para mas magkaroon siya ng pagkakataong maipakita sa dalaga kung gaano niya ito kamahal at makakaroon pa siya ng karapatang bantayan ito para hindi na makalapit pa ang dating kasintahan .  Mababantayan niya ang dalaga.  He will take advantage of the situation.

“Ge, galit ka ba?” Nag-aalinlangan na tanong ni Sarah. “Sorry ha, hindi ko agad naisip yung magiging dating saiyo nung mga pinagssasabi ko kanina. Pwedeng kalimutan na lang natin?”

Napatingin si Gerald kay Sarah na hindi pa rin makatingin sa kanya. Nakayuko ito. Lihim na napangiti si Gerald.  “Nope, interesado akong marinig kung ano tumatakbo sa isip mo bakit mo nasabi yun. Ready na ba yang tea natin? Mine is black please and thank you.” Nakangiti na uling sabi ni Gerald.

Hindi man nakatingin si Sarah sa binata, nahalata niya sa boses nitong nakangiti na ito. Nakahinga ng maluwag si Sarah. “Kinabahan naman ako saiyo, akala ko tuluyan ka ng nagalit sa akin.” Nagtaas ng paningin ang dalaga, sinalubong ang tingin ng binata.

“Makaramdam man ako ng galit, hindi yun magtatagal , palaging mananaig yung pagmamahal ko saiyo kahit na ibig sabihin nun ay masasaktan ako sa bandang huli. Kahit na ibig sabihin nun ay walang katiyakan , yung tipong makikipagsapalaran ako sa pagmamahal mo, gagawin ko kung makakatulong ito saiyo. Kung makapagbibigay saiyo ng peace of mind. Kung mas mapapanatag ang kalooban mo. “  

Gustong maiyak ni Sarah sa narinig. Napalapit ito kay Gerald at niyakap niya ito ng mahigpit. “Hindi ko alam kung karapat dapat ba ako sa pagmamahal na inuukol mo sa akin.”

“Yung yakap na ganito, sapat na sa akin. Nagkakaroon ako ng pag-asa na isang araw mahal mo na rin ako gaya ng pagmamahal ko saiyo..”

“Malay mo, matagal na rin pala akong in love saiyo hindi ko lang alam.”  Masuyong hinaplos ni Sarah  ang braso ng binata.

“Huwag kang magsalita ng ganyan  baka maniwala ako, bago pa makarating dito ang Jake na yun,  talagang akin ka na.”

“Sige iyo na ako, pwede bang ganoon na lang  yun?” Naiiyak na natatawang tanong ni Sarah.

"Pwedeng pwede, just say the word  at ako na pinakamasayang tao sa umagang ito." Hindi na napigilan ang sarili at hinapit na rin ng mahigpit ang dalaga. He lightly kissed the top of her head.  

Sarah closed her eyes as she thought what to say next. Gerald  didn’t say another word, he was patiently waiting to what she will say. They stayed like that for a long time. Gerald was the one who broke the embrace, "nakalimutan na natin yung tea, malamig na , hinihintay ko pa rin yung confirmation."  He looked down at her  staring into her  eyes. Sarah  held his gaze , "yes, I am yours.  I like being in your arms. I feel safe and loved."

He closed his eyes and took in a deep breath. Opened them again , looked into her eyes,  full of love and hope then tilt her chin up and kiss her mouth, his kiss screamed a thousand different emotions. She gasped against his mouth then sighed and deepened the kiss.     "I love you , I promise you, kung hindi ka pa man 100 percent na in love sa akin, will try my very best para ma in love ka na din sa akin." He said after they broke their kiss.

"Pag ganyan ka lagi humalik, baka nga ma in love na ako agad saiyo." Habol ang hiningang sagot ni Sarah.

"Talaga? Dapat pala kailangan dalasan ko paghalik saiyo. Hindi ako tatanggi diyan kaya lang baka kung saan tayo mapunta , lalo na walang kuryente."

Namula si Sarah, "tama ka na nga, inumin na natin yung tea, sayang naman, malamig na."

“Gawa na lang uli tayo ng bago.”

Nagulat pa si Sarah ng buhatin siya ni Gerald at iniupo siya sa counter. “Upo ka lang diyan, ako na magpapainit uli ng tubig para tea natin.”

“Talaga lang , umpisa pa lang mukhang magugustuhan ko na maging girlfriend mo.”

“Talagang hindi ka magsisi na maging girlfriend ko.”

“Ikaw kaya hindi magsisi?”

“Hindi, alam ko pinasok ko at kung sa bandang magbago ang isip mo, at least naranasan kong maging boyfriend mo.”

Ngumiti si Sarah. “So far so good, , can’t complain.”

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon