Chapter 15

2.6K 84 44
                                    

Sarah  felt his hand on her back. "I am here sweetheart, just sit here, will find something, hopefully sandali lang tong black out na to. Kinuha ang phone niya at ginamit ito na parang flash light. Inilabas na rin ng dalaga ang phone niya, "sama na lang ako saiyo."

"Dito ka lang, hintayin mo lang ako. Kukunin ko lang yung barbecue lighter sa kusina, masindihan mga kandila para kahit na paano may ilaw tayo at maituloy pa rin natin ang pagkain. Nakita nga ni Sarah na may malalaking kandila sa dining table.

Hindi na nakipagtalo pa si Sarah, umupo na lang uli.  Hindi naman nagtagal at bumalik rin agad ang binata, dala dala na ang barbecue lighter. Agad nitong sinindihan ang kandila. Sabay pa silang napatingin sa bintana ng marinig nila ang malakas na hangin sa labas kasabay ang malakas ding pagbagsak ng pinaghalong snow at ice. "Grabe namang lakas ng hangin yan, hanggang dito dinig mo at ang snow, wow, hindi din pala maganda ang snow pag ganito na ka grabe."

"Hopefully, hindi naman magtatagal at babalik din yang power. Don't worry. Tapusin na natin tong pagkain para makapagpahinga ka na."

Ipinagpatuloy na nga ng dalawa ang ilang beses ng naudlot nilang hapunan. Madalas silang magkatinginan tuwing maririnig nila ang malakas na hangin sa labas. Sabay pa silang napapatingin sa bintanang tanaw na tanaw ang kabundukan na kusang hindi nilagyan ng kurtina.

Pagkatapos nilang kumain ay magkatulong na nagligpit. Nilagay na lang nilang lahat sa dishwasher mga ginamit nila. binigay ni Gerald ang isa sa pinakamalaking kandila  kay Sarah at sabay na silang pumanhik sa mga kwarto nila para makapagbihis.

"Meron pa naman sigurong hot water, mauna ka ng gumamit." Sabi ni Gerald kay Sarah bago ito pumasok ng kwarto.

Katatapos lang magpalit ng damit ni Sarah ng marinig niyang kumakatok si Gerald. "Can I come in?"

"Pasok," sagot ni Sarah.

"Dinalhan kita ng extra comforter, lalong lalamig mamaya."

"Salamat, sana naman magka ilaw na. Hindi naman pwedeng magdamag ang kandila di ba? Mahirap na baka makatulugan ko, magkasunog pa."

Naalala ni Gerald, takot nga pala ang dalaga sa dilim. Hindi nga pala ito nakakatulog ng walang ilaw kahit na night light lang.

"Di bale , pwede ko naming gawing nightlight ang iPhone ko diba?"

"You have to save your battery, remember hindi natin alam kung kelan babalik ang kuryente,  kailangan gumagana ang phone natin for emergency."

"Gusto mo dito na lang ako sa kwarto mo matulog? I can sleep on the floor."

"Huwag na kakahiya naman saiyo. Makakatulog din siguro ako, madaling araw naman na halos." Katatapos magsalita ng dalaga ng  may marinig silang malakas na ingay. Nagkatinginan ang dalawa. Sabay na napalapit sa bintana, nakita nilang may isang punong kahoy na naputol ang isang malaking sanga  malapit sa kalsada.

"This is worst that  expected." Nasabi na lang ni Gerald ng makitang hindi na snow ang nakakapit sa mga punong kahoy  at electric power  lines, kung hindi yelo na.

"Thank God at nakarating na tayo dito, hindi tayo inabutan sa daan." Nasabi naman ng dalaga.

"Swerte pa rin tayo, sana naman walang masyadong maraming aksidenteng nangyari sa daan."

"Oo nga, kawawa naman yung mga inabutan sa daan."

"Anyway, sigurado ka, ok ka lang dito?' Tanong uli ng binata.

"Oo naman, flannel pj, two comforters, lots of pillows, ewan na lang kung lalamigin pa ako niyan." Kinuha ang dala dalang extra comforter ng binata ay inayos sa bed niya. Tinulungan siya ni Gerald. "Sige, tulog ka na rin, salamat."

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon