Chapter 18

2.6K 94 68
                                    

They walked to the living room with their cups of tea. Gerald is on cloud nine. Sarah is still breathless from the kiss they shared in the kitchen. She is happy, really happy for the first time in more than three months. Gerald turn on the switch of the gas fireplace . Hindi maitago ang saya sa mukha ni Sarah ng makitang gumana ang fireplace. With a big smile on her face, she took one of the blanket and was about to sit on one the nearest chair from the fireplace when Gerald all of a sudden pulled her into him and asked her to cuddle up with him on the big couch. She smiled as he sat down, pulling her with him.Sarah wrapped the blanket around them.

“This is heaven, just you and I. We can stay like this till the power comes back. We basically can’t do anything.” Gerald said while kissing the top of her head. Sarah closed her eyes,  they can do that  she thought as she wrapped her hands around him and him putting his one hand on her shoulder and pulled her closer to him.

“Ano kaya sasabihin ng pamilya natin pag nalaman nila ang tungkol sa atin?”Nakapikit ang matang tanong ni Sarah. “Siguradong maraming magre react, magtataka baka may magsabi pang hindi dapat.” May pag aalalang sabi ni Sarah.

“Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Sa pamilya naman natin, sa side ko , palagay ko alam na nila. Alam na ni Tita Elaine at Daddy kung ano talaga ang nararamdaman ko para saiyo kahit nun pa. “

Napadilat si Sarah. Napataas ang tingin sa mukha ni Gerald na nakangiting nakatitig din sa  kanya. “Palagay mo? Bakit mo naman nasabi?”

Maraming dahilan at pangyayari na ginawa ko para lang kahit na minsan man lang sa isang taon ay makasama kita. Naintindihan na nila agad ng magdahilan ako kung bakit hindi ako makakasama sa pag uwi nila nung supposed to be kasal mo. Wala silang sinabi lalong lalo na si Tita Elaine, niyakap lang niya ako.”

Humilig uli si Sarah sa dibdib ni Gerald. “Si Kevin din, sinabi niya sa akin na duda niya matagal mo na akong crush.”

“Inamin ko na sa kanya nung huli kaming nag usap na in love ako saiyo. Ipinagbilin ka niya sa akin, sinabi niyang huwag kitang hahayaang mapag isa kay kay Jake. Yun nasabi ko sa kanya ng hindi sinasadya kung gaano kita kamahal.”

“Kaya pala lagi ka na lang kasama sa usapan naming magkapatid, may alam na pala siya.”

“Bakit ka naman nag aalalang  malaman ng pamilya natin? Mahalaga ba sasabihin ng ibang tao saiyo?” May pangamba sa tono ng boses ni Gerald.

Hindi agad nakakibo si Sarah. Sa tutuo lang, may mga pangamba siya pero mas nangingibabaw yung nararamdaman niya sa mga sandaling yun. Kung nasa Pilipinas siya parang imposibleng mangyari ang mga nangyari sa kanila ni Gerald sa maikling panahon na magkasama sila. Hindi niya naramdaman ang mga nararamdaman niya nung sila pa ni Jake. Hindi niya matandaan na gumanti siya ng halik kay Jake gaya ng paghalik niya kay Gerald. Gaya ngayon, alam niya, ilang minuto pa lang silang magkatabi ng binata, ramdama na niya, pareho na silang tensed.

“Sweetheart?” Narinig ni Sarah na tanong ni Gerald.

“Huh? Ano nga uli yung tanong mo?”

Naramdaman ni Sarah ang kamay ng binata sa may baba niya, itinaas ito ,muli silang nagkakatitigan. “I hope hindi ka nagsisising umuo sa akin ha.”

“Sira!! “Ano akala mo sa akin fickle minded?”

“Bakit hindi mo masagot agad ang tanong ko?”

“Naisip ko lang, parang ang bilis bilis ng mga nangyari sa atin. Hindi ko din maipaliwanag sa sarili ko bakit ganito na lang ako ka komportable saiyo. Ganoon ba ako kabilis nagbago ng pananaw sa buhay? Nagbago na ba ako? Canadian na din ba pananaw ko when it comes to dating etc? Sorry, pasensya na, naiisip ko lang, pag naririnig ko yung mga bagong kakilala at kaibigan na rin sa school at sa bar mismo na nagkukuwentuhan about their dates , boyfriends, sexual encounters. lihim akong nagugulat sa mga naririnig ko pero hindi ko maipahalata. Nagugulat ako kung gaano sila ka open na pag usapan yung mga ganoon, yung ilan sa kanila unang date pa lang , may nangyayari na sa kanila. Yung iba naman, they are doing it because they like doing it , ganoon. “

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon