Chapter 2

3.5K 82 63
                                    

"Salamat iha at sinamahan mo ako ,kailangan lang talaga ang Uncle Sean mo ngayon araw na 'to sa restaurant. Kung bakit naman kasi ngayon pa nagpaalam yung assistant manager niya."


"Naku Tita, excited nga ako eh. Na miss ko din ang lokong yun. Dati halos araw-araw nag-uusap kami on line, magmula ng maging doktor na siya, paminsan minsan na lang siyang sumagot sa mga messages ko, ni hindi nagkukuwento. Noon ako sumusuko sa kakulitan niya, inaabot kami ng madaling araw sa pagkukuwentuhan on line, bigla na lang, wala na."


"Kahit naman sa amin, ganoon din kaya nga tuwang tuwa kami ng sabihin niyang uuwi siya to spend the holidays with us. Pinagbilinan ko talaga ang Uncle Sean mo na ayusin dapat ayusin sa restaurant, we will go to the cottage in Quebec ,dun tayo sa Christmas, will go skiing. You'll love it there, the beauty of the Laurentian Mountains." Excited na sabi ng Tita Elaine ni Sarah.


"Eh Tita hindi naman ako marunong mag-ski, paano yun?" Natatawang sagot ni Sarah.


"Anong ginagawa ni Gerald? O kaya ng Uncle Sean mo? Sila lang din ang nagturo sa akin. Kaya huwag kang mag-alala, sa pangalawang araw natin duon, marunong ka na."


"Sana nga Tita, gusto ko ngang matuto, mukhang exciting ang sports na yun."


"Siguradong sigurado ako na madali mo lang siyang matutunan. Tingnan mo na lang ako, sa edad kong ito, dalawang araw lang nila akong tinuruan and on the third day, I was on top of the mountain on my own ."


"Sa kwento mo Tita, excited na tuloy akong matuto."


"I am sure madali ka lang matututo, magagaling ang mga magiging instructors mo. Baka sa bandang huli ikaw na ang magyayayang mag ski. Pwede mo ng umpisahan bukas magpaturo kay Gerald dun sa malapit sa atin, sa Boler Ski Club, tamang tama lang ang taas ng hills sa mga gaya nating baguhan."

"Tita, ikaw marunong na , ako ni hindi ko pa alam kung ano itsura ng ski boots."

Natawa ng malakas si Elaine. "Eh di google mo na diyan sa phone mo para malaman mo."

"Ikaw na ang Tita na super high tech. Si Mama, hanggang ngayon halos ayaw galawin ang computer sa bahay, magbukas lang , tatawagin pa si Papa." Natatawang sabi ni Sarah habang inumpisahan ng i-goggle ang tungkol sa ski at mga equipments na kailangan niya."

Si Gerald namay ay panay din ang tingin sa wrist watch niya. Ilang oras na lang at magkikita na uli sila ni Sarah. Hindi na siya mapakali sa upuan. Hindi pa rin siya makapag desisyon kung tama bang ipahalata na niya agad sa dalaga ang tunay na damdamin dito o maghihintay hintay pa rin siya tutal naman ay sa London na rin naman niya balak tapusin ang buong residency training niya. Sisiguraduhin niyang kahit na mag umpisa na siyang magtrabaho sa hospital basta may extra siyang oras , iuukol niya sa dalaga. Ipinikit ng binata ang mga mata, nagbabakasakaling mawala ang kabang nararamdaman na lalo pang tumitindi habang palapit ng palapit ang paglapag ng eroplanong sinasakyan. Ilang beses na niyang pinag isipan kung paano niya babatiin ang dalaga na hindi naman ito ma awkward sa kanya. Baka sa halip na lalo silang magkalapit ay lumayo pa ito sa kanya. Bago nakaidlip ang binata ay binuo na nito ang plano na sa mga unang linggo ay makikiramdam muna siya, uunti untiin niyang iparamdam sa dalaga ang tunay na nararamdaman hanggang sa makita nitong hindi na siya ang teen ager na nakilala niya sampung taon na ang nakararaan.

*****

From the moment he saw her, he was lost. When she raises her eyes to meet his and smiles as she waves her hand, he feels like he's just been kicked in the chest. Alam niya malaki ang posibilidad na lahat ng pinag isipan niya at plinano ay mawawalan ng saysay. His heartbeat is faster than usual, he tried his hardest to act calm and waved back all smiles to Sarah and Tita Elaine. "Calm down Gerald, don't scare her," paalala ng binata sa sarili habang palapit sa mga sundo niya. Kitang kita sa mukha ni Sarah ang saya ng makita na siya ganoon din si Tita Elaine. Tuwang tuwang sinalubong siya ng mga ito . "Finally , you are here. I love Christmas Holiday, you always make it sure you are home!!" Naiiyak sa tuwang yumakap si Tita Elaine kay Gerald."

"I am happy to be home Tita, that's one of the top request I always ask when ever I start a new job or training. I have to be home on Christmas Holidays. I can work anytime of the year but Christmas break is mine." Sabi ni Gerald habang niyayakap din ng mahigpit ang pangalawang ina. Nakangiting nakatingin lang si Sarah sa kanila. Natutuwa siya para sa Tita niya na kahit hindi nito tunay na anak si Gerald ay nakikita niyang mahal na mahal din ito ng binata. Nagulat pa ito ng siya naman ang yakapin ng binata. "And this Christmas is extra super special because you are here Ms Beautiful."

"Ms Beautiful ka diyan," natatawang yumakap din ang dalaga kay Gerald. Walang kamalay malay ang dalaga sa tunay na nararamdaman ng binata ng magdikit ang mga katawan nila. He feels his heart skip a few beats, he struggled to stay calm and act naturally embracing a dear friend. "Tutuo naman, Ms Beautiful ka." Pasimpleng sagot ni Gerald kahit na pigil na pigil ang sarili na umakto ng normal at huwag pang higpitan ang pagkakayakap sa dalaga.

"Na miss kita sobra," pinanggigilang pinisil ni Sarah ang pisngi ni Gerald na parang bata. Nagulat si Gerald sa ginawa ni Sarah. Napatitig siya dito, her hands touching his face even in a playful manner send the blood from his head straight down to his groin. He was surprised that the simple gesture of affection is turning him on. His feelings for her have evolved from a crush to an infatuation to something deeper, deeper than he expected.

Nangingiti naman si Tita Elaine habang pinagmamasdan sila. Sa nakita niyang reaction ni Gerald ng makita sila, lalong nabuo ang suspetsa niya. "Sinasabi ko na nga ba, good luck my dear Gerald."

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon