Chapter 13

3.3K 80 29
                                    

Kahit na mabagal ang takbo ng biyahe nila, hindi din naman sila nainip dahil sa kulitan nila sa loob ng sasakyan. Natahimik si Sarah ng hindi na nila halos makita ang dinadaanan nila dahil sa snow squall. Lalo na ring bumagal ang takbo ng  mga sasakyan. Medyo kinakabahan na rin si Sarah dahil noon lang siya nakakita ng ganoon ka grabeng takbo ng panahon. Ganoon pa man , ayaw din niyang ipahalata ang pag aalala sa binata. Sumandal sa upuan niya,  pumikit at taimtim na umusal ng panalangin.

Ang dapat na walong oras nilang biyahe ay umabot ng halos labing isang oras bago sila nakarating sa Mont-Tremblant. Masuyong tinapik ni Gerald ang nakatulog na dalaga. 

"Nandito na tayo."

Marahang iminulat ng dalaga ang mga mata. Tiningnan muna ang binata bago tumingin sa labas b iginala ang paningin sa dinadaanan nila. Napahawak ang dalawang kamay ng dalaga sa mukha nito.Hangang hanga sa nakikita sa kapaligiran. Parang nagkabuhay ang mga larawang nakikita lang niya sa mga Christmas cards na padala sa kanila ng Tita Elaine niya  tuwing Pasko. "Parang winter wonderland talaga dito , gaya ng mga movies ng disney,  napakaganda," hindi napigilang bulalas ni Sarah. Natatanaw niya ang mga skiers na nasa 

"Welcome to Mont-Tremblant." Nakangiting sabi ni Gerald. 

Ngumiti si Sarah at muling tumanaw sa labas ng bintana, nakikita niya ang mga ski lifts at skiers na nasa taas ng bundok. Nakaramdam na agad siya ng excitement. Hindi man siya magaling na skier, parang gusto na niyang mag umpisa agad agad. Makita ang kagandahan ng kilalang kilalang ski resort. 

They stopped at one of the larger privately owned houses minutes away from the resort. May pinindot si Gerald sa may ulunan niya at bumukas ang isa sa mga garage door. He  eased the SUV into its spot. Nakita ni Sarah ang tatlong snow mobiles ang sari saring ski equipments. 

Dali daling bumaba si Gerald, Inaalis pa lang ni Sarah ang seatbelt niya, binuksan na ni Gerald ang pintuan niya at inalalayan siyang bumaba. "Ang laki din din pala ng bahay ninyo dito. Akala ko naman simpleng cottage lang. Sa labas pa lang, parang mas malaki pa ito kesa sa bahay ninyo sa London."

"Namana lang namin ni Daddy ito sa lolo at lola ko. Nuong una gusto sana namin itong ipagbili pero naisip din namin  magandang second home na rin namin. A year or two from now, gusto na ring mag retire ni Daddy at gusto niyang dito tumira. Maganda din dito sa summer, golf naman sa halip na skiing. Ang maganda pa may shuttle service to the resort kaya very convenient."

"Ay kahit ako gusto ko dito." Lalo ng humanga pagpasok nila sa kabahayan. Tanaw na tanaw ang spectacular views ng resort at ski slopes mula sa dining area. "Sarap namang kumain dito, ganda ng view."

And speaking of pagkain, kumain muna tayo. I am sure, pinagluto tayo ni Ate Helen ng dinner."

"Ate Helen?" Tanong ni Sarah.

"Yung caretaker namin. Silang mag asawa ang nag aalaga dito pag wala kami at pag may mga guests kami na tumitira dito. Pinagbilinan sigurado sila ni Tita na darating tayo. Madalas pinagluluto  niya ako ng paborito ko."

"Kare kare?" excited na tanong ni Sarah. Nanlalaki ang mata. "Bigla tuloy akong nagutom.

Binuksan ni Gerald ang fridge, at gaya ng inaasahan niya, punong puno nga ang fridge ng mga lutong pagkain, may instructions  sa bawat takip kung paano ipapainit. 

"Si Ate Helen talaga, akala niya ako pa rin ang high school student dati na hindi marunong magluto. " Natatawang nasabi na lang ni Gerald.  Napalapit naman si Sarah. Wala sa loob na ipinatong ang kamay sa balikat ng binata  na nakayukong tinitingnan kung ano ano ang pagkaing niluto ng mabait nilang caretaker. Nakisilip  ang dalaga. Nagulat si Gerald at bigla itong napatayo ng diretso, muntik ng matumba ang nagulat ding si Sarah sa reaction ng binata. Napaatras ito , kung hindi naging maagap ang mga kamay ni Gerald na nahawakan sa bewang ang dalaga, baka tuluyan itong natumba. Napakapit  naman sa braso ng binata si Sarah. Sa posisyon nila, kunting kabig na lang ni Gerald sa bewang ni Sarah, magdidikit na ang mga mukha nila. Sarah felt his body heat radiating toward her. 

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon