Chapter 20

2.6K 92 75
                                    

“Thank you for taking me, it’s one of the  best experiences I will never forget. Kinakabahan ako nuong una pero tama ka para ka lang nakasakay sa motorcycle yun nga lang snow ang dinadaanan. Pwede kaya na next time, ako naman ang driver?” Inuunat ang likod na tanong ni Sarah matapos alisin ang helmet.

Mabilis naman siyang inalalayan ni Gerald. Huwag ka munang mag alis ng mask and gloves mo para hindi ka lamigin. Pumasok muna tayo. Mukhang bumalik na kuryente pero itong garage door naka manual pa rin. Binuksan manually ni Gerald ang garage , hinintay na makapasok si Sarah sa loob ng bahay bago ipinasok ang snowmobile sa garahe.

Nakapag alis na ng snow gears ang dalaga, nasa kusina na ito at gumagawa na ng kape. “Buti na lang naayos nila agad yung posteng nabuwal no?” Sabi ni Sarah  habang nag aalis ng snow suit niya ang binata sa tapat ng closet sa hallway.

“Oo nga, buti ganoon nga lang ang nangyari hindi katulad ng nangyari sa Toronto and area, may balita nga na baka hanggang Christmas may mga bahay na wala pa ring kuryente. Kawawa naman sila.”

Napansin ni Gerald na panay ang unat ng likod ni Sarah at pag roll back ng balikat. "Nangawit ka no? Dapat talaga hindi tayo lumampas ng dalawang oras lalo na nga at first time mo. Ito ang dahilan kaya hesitant ako kanina ng magyaya ka uli after lunch."

"Normal lang ito , syempre sa una, gaya lang din ito nung una akong nag ski lesson. Hot shower lang after nitong coffee , wala na ito. You want a cup?"

"Later, you drink your coffee, relax in the living room , I will prepare your hot bath, you need it."

Napanganga si Sarah sa narinig. "What you mean?" Sinundan ng tingin ang papanhik ng binata.

"Huwag matigas ang ulo, hintayin mo lang ako diyan, will come and get you when it's ready."

Wala ng nagawa si Sarah kung hindi sundin ang sinabi ni Gerald. Kinuha ang kape at pumunta sa living room. Naka on na ang fireplace. Naupo siya sa armed chair na malapit sa fireplace, Isinandal ang likod. Nag enjoy nga siya ng sobra sa snowmobiling nila ni Gerald pero tagtag din naman ang buong katawan niya lalong lalo na ang likod niya. Ayaw lang niyang aminin pero tama si Gerald, hindi na sila dapat pang bumalik after ng lunch. May ilang minuto pa lang siyang nakaupo ay nakaramdam na siya ng antok kahit na nakailang higop na rin siya ng ginawa niyang kape. Itinaas niya ang paa at ikinumot ang blanket na nakasambay sa likod ng armed chair. Ipinkit ang mata at hindi nagtagal , nakatulog na ang dalaga. Ganoon siyang inabutan ni Gerald. May ilang minuto din siyang pinagmasdan ng binata. He could say that today is another day he can never forget. He brushed a hair from her cheek, tucking it gently behind her ear. "I love you so much sweetheart, thank you for a wonderful day." Bulong nito sa dalaga.

Yun ang narinig ni Sarah na naalimpungatan ng maramdaman si Gerald. Muntik na niyang masabing I love you too, kung hindi lang niya naramdamang binuhat na siya ng binata. Nagulat man o dala na rin ng nararamdamang antok at sakit ng katawan, she cuddled against him , allowing herself to enjoy his warmth and generosity.

Pagpasok pa lang nila ng bathroom, naamoy na agad ni Sarah ang amoy vanilla. Iminulat nito ang mga mata at nakita niya na may ilang kandilang nakasindi na siyang nag aamoy vanilla. Napatitig ito sa binata na nakatitig din sa kanya. Parang gusto pang kumapit ng dalaga sa binata ng ibaba siya nito pero pinigil na lang ang sarili. Kinagat ang labi  at nagpasalamat. Nararamdaman niyang ang katawan niya mismo ang nag re react sa napaka thoughtful at romantic gestures ng binata.  

“Sa labas lang ako sweetheart, tawag ka lang pag may kailangan ka.” Tumalikod na ito para lumabas ng banyo. Lumingon ito bago tuluyang lumabas. “Don’t fall asleep, if you are not out after 30 minutes, will knock at the door to check on you.”

Muling kinagat ng dalaga ang mga labi. Pinipigil ang sarili bago pa niya masabing huwag ng umalis ang binata at samahan na lang siya sa bathtub. “I won’t,” mahinang  sagot ni Sarah.

Paglabas naman ni Gerald ng banyo tumingin naman sa mga gamit ng dalaga ng pwede nitong isuot paglabas ng banyo. Inilapag niya sa ibabaw ng bed at tuluyan ng lumabas ng kwarto ng dalaga. Bumaba at nagtuloy sa kusina. Tumingin sa fridge ng pwede niyang ihanda para dinner nila. Nakakaramdam na rin siya ng gutom. Alam niya gutom na rin ang dalaga.

Habang nag iinit ng pagkain sa oven si Gerald  at habang hinihintay din niya si Sarah, binuksan ang iPad niya.  Nag check siya ng mga emails at ang unang una niyang binasa ay ang ang email na galing kay Kevin.  Napakuyom ito ng kamao ng mabasa ang kabuuan ng email.  “Subukan mo lang na ipilit ang gusto mo na kaharap ako.” Pigil na pigil ang galit na sabi ni Gerald.

“Don’t worry, ngayong binigyan na ako ng karapatan ng Ate mo, hindi siya basta basta makakalapit tarantadong yun sa kanya. Magyabang na pamilya nila hanggang gusto nila pero hindi mangyayari ang sinasabi nila. Kung may ikakasal man pag uwi ng ate mo, kami yun at hindi sila ng Jake na yun.” Hindi napigil ang sariling mabilis na sagot ni Gerald sa email. Matapos niyang mapindot ang send, nagsisi din siya dahil baka kung ano isipin ng dalaga pag nalamang sinabi niya yun kay Kevin. Nag-aalala din siyang baka masamain ng pamilya ng dalaga lalong lalo na nga at wala pa naman talagang nakakaalam na girilfriend na niya ang dalaga.

Wala pang isang minuto , narinig na niya ang buzz ng google chat, alam na niyang si Kevin yun. "Bro, sinagot ka na agad ni Ate? Pinag uusapan na ninyo ang kasal? Ang bilis naman yata."

Napakamot si Gerald sa ulo. Dali daling sinagot ang tanong ng ka chat. "Bro, pumayag na siyang sabihing she is my girl and  I am his man pero wala pa namang napag uusapan tungkol sa kasal. Nag react lang ako dun sa sinabi mong pinagyayabang ng pamilya ng Jake na yun na pagbalik nila diyan ay tuloy tuloy na ang pagiging Mr. and Mrs. nila."

'Grabe ka din naman kasing maka react Bro, buti na lang wala sa tabi ko parents namin nung binabasa ko email mo."

"Pasensya na Bro, nag iinit talaga tenga ko pag naririnig o nakikita ko pangalan ng Jake na yun"

"No problem Bro, happy for you both kahit na nagulat din ako na ang bilis mong napasagot ang ate ko.”

Si Sarah naman ng mga sandaling yun ay nangingiting mag-isa. Hindi maalis sa isip niya ang pagkakatingin sa kanya ni Gerald bago siya nito ibinaba. Napapikit ang dalaga. Naisip na naman kung ano kaya ang nangyari kung hindi niya napigilan ang sarili at sinabi niyang samahan siya nito sa bathtub. Naniniwala siyang tutuparin ng binata ang pangako nito sa kanya na walang mangyayari beyond kissing sa pagitan nila na wala siyang pahintulot. Kaya ba niyang magtiis ng nararamdaman?  Siya nga , muntik ng matukso, muntik na niya itong pigilang lumabas. Hanggang ngayon, ilang minuto na rin siyang nakababad sa napakasarap sa katawang hotbath, hindi pa rin naalis yung l tension na naramdaman niya ng magtama mga paningin nila. Bago kay Sarah ang ganoong nararamdaman at hindi niya alamm kung paano haharapin o kakalabanin. Hindi naman siya yung tipo ng babaeng aggresibo.  Napahaplos na lang ang dalaga sa mukha.  Naisip nitong dapat siguro umahon na siya bago pa mag-alala ang binata at puntahan nga siya para tingnan kung nakatulog na siya sa bath tub.  Umahon na nga sa bath tub ang dalaga. Ayaw niyang abutan siya ni Gerald na nasa bath tub pa.

Nalibang sa pakikipagkuwentuhan si Gerald kay Kevin. Nagpaalam na ito sa kausap ng marinig ang timer ng oven. Matapos matingnan kung mainit na ang tettrazzini ay nag isip kung dapat na ba niyang tingnan si Sarah. Nag aalala siyang baka nakatulog na ito sa bath tub. Pinatay muna niya ang oven  bago nagmamadaling pumanhik para tingnan si Sarah. Sa pag-aakalang nasa banyo pa ang dalaga, hindi na kumatok ang binata at tuloy tuloy ng pumasok sa kwarto.  Nagulat pa siya ng marinig ang nabiglang boses ni Sarah.  Hindi nakakilos sa kinatatayuan si Gerald, nakatayo sa tabi ng bed si Sarah, ang tanging suot ay lace na beige  underwear. Napatakip sa dibdib ang dalaga sa sobrang pagkagulat.

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon