Chapter 23

4.8K 126 92
                                    

Tahimik na sumakay si Gerald sa sasakyan. Nahalata ni Sarah na parang wala ito sa mood, nawala ang masayang aura nito. "What is wrong? Bakit parang nawala ang magandang mood mo kani kanina lang? May problema ba?" Nag -aalalang tanong ng dalaga.

"Don't mind me." Matipid na sagot ni Gerald , Pinaandar na ang engine ng sasakyan.

"How can I not mind you , alam na alam kong something is bothering you. Ano nga problema?" Tanong uli ni Sarah , hinawakan ang kamay ng binatang aktong ililipat na sa reverse position ang gear shift knob.

Tiningnan ni Gerald ang dalaga. "Naiisp ko lang bakit parang ayaw mong pakasal sa akin. Am I not worthy yet?"

Nagulat si Sarah. "Are you not worthy yet? How can you doubt that? Hindi lang puso ko binigay ko saiyo , remember?"

"Pero ayaw mong pakasal sa akin." Malungkot pa ring sagot ni Gerald.

Hinaplos ni Sarah ang mukha ng binata. "Yun bang reaction ko kanina? Yun ang nagpawala sa maganda mong mood?" Nakangiti ng tanong ng dalaga.

Hinawakan ni Gerald ang kamay na humahaplos sa mukha niya. " I love you so much, masakit na parang ayaw mong pakasal sa akin base dun sa reaction mo kanina." Hinalikan ang kamay ng dalaga.

"Babe naman, halos tumalon ang puso ko sa sinabi mo pero ayaw kong magmadalli tayo. Ang bilis bilis na nga ng nangyari sa atin. Don't get me wrong again, wala akong pinagsisihan pero di ba mas maganda bago tayo pumasok sa mas permanenteng bagay, pag isipan at paghandaan muna natin. Di ba mas maganda let's enjoy muna kung ano yung meron sa atin ngayon? Ni hindi na nga tayo dumaan sa courting stage di ba?"

"Di may duda ka pa nga."

"Babe, naman huwag kang ganyan. Huwag mo akong awayin , last day na natin to dito na tayong dalawa lang. Huwag mong sirain."

"Sorry, yun siguro ang dahilan kaya medyo grumpy ako ngayon, yung alam kong hindi na kita masosolo , may darating ng mga istorbo." Pinatay uli ang engine ng sasakyan. Bago pa nakakilos si Sarah, nakabig na siya ng binata at mariing hinahalikan sa labi.

Pareho silang hinahabol ang hininga ng maghiwalay ang mga labi. Nagkatitigan sila. Maya maya pa ay pinindot na ni Gerald ang garage door opener para isara ito at muling hinalikan ang kasintahan. Wala ng nagawa ang dalaga kung hindi bumigay na lang sa kagutustuhan ng binata.

"Damn these clothes," frustrated na sabi ni Geral. Dali daling bumaba ng sasakyan, umikot sa side ng pintuan ni Sarah at maingat na binuhat palabas. "We will save our ski time when they all are here and we want to get away from them. It will be our excuse to get out of the house, and get a room at the resort."

Nahampas tuloy siya ng dalaga."what do we need the room for if we are gping skiing?"

"Do you have to ask?"

Natawa na lang si Sarah at yumakap sa leeg ng binata. "Grabe ka lang, kala ko pa naman nung nagbabalak palang tayong pumunta dito mas matuturuan mo akong mag ski, iba pala matutunan ko saiyo."

"Maraming pwedeng magturo saiyo mag ski, pwedeng mag ski ng maraming tao sa paligid but moments like these, gusto ko exclusive lang para sa akin, sa ating dalawa." Muling siniil ng halik ang dalaga pagpasok nilang muli ng bahay.

"Mmmmmppp Babe, ibaba mo muna kaya ako."

"Nope, tuloy na tayo sa itaas unless..... " pilyong bitin ng binata.

"Unless what?"

Hindi na nasagot ng binata ang kasintahan dahil pinagkukurot na siya nito sa braso. "Magtigil ka nga, mamaya hindi natin alam on thenway na pala sila, baka atakihin sa puso si Tita pag nakita tayo dito."

"Aatakihin yun sa tuwa."

"Baba mo na ako, please."

"Nope, baka mamaya ma distract ka na naman." Halos patakbong naglakad papunta sa may hagdanan na ikinasigaw ng dalaga.

"Pag ako nabitawan mo, sige ka!"

"Not on my life sweetheart. Hinding hindi kita bibitawan, lalong lalo na kung alam kong masasaktan ka."

Masuyong inangat ni Sarah ang mukha at siya naman ang humalik sa binata. "Alam mo bang pag nagsasalita ka ng ganyan, lalong lalo nahuhulog ang loob ko saiyo."

"Hmmmm, kailangan double effort pa pala kailangan ko para tuluyan ka ng ma in love sa akin dahil ako hulog na hulog , in love na in love pa."

"Ang cheesy mo naman." Napapahagikgik na sabi Sarah sabay kurot na naman sa binata.

"Siguro nga cheesy sa pandinig ng iba pero yun ang tutuo. Kahit nga ako hindi naisip na masasabi ko yang mga yan, pero saiyo kusang lumalabas sa bibig ko." Maingat na ibinaba si Sarah sa kama. Tumayo naman agad ang dalaga pagkababa sa kanya. Humarap kay Gerald na nakatitig sa kanya. Naramdaman ni Sarah na inaalis ni Gerrald ang suot niyang coat kaya ganoon din ang ginawa niya. Magkatulong nilang inalis ang kanilang mga suot na  nakatitig sa isat isa. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon