When someone is gone, they're gone forever, and all you have left is memories to try to recreate a person that used to live and breathe right in front of you.
- -
Ara
"A man is dead after a shooting early Thursday morning on Gangnam, exactly one month after a mass shooting—"Mabilis kong kinuha ang remote ng TV upang patayin 'yon. Napalingon sa 'kin ang mga nanonood na customer. Nagtataka, habang ang iba ay galit.
"Hoy, ba't mo pinatay? Nanonood kami dito, oh!" galing ang boses sa table ng mga matatandang nag-iinuman.
Instead na pakinggan 'yon ay tinalikuran ko pa ang mga ito. Minura-mura ako ng mga matatanda. Naiiritang tinakpan ko na lang ang tainga ko. Mukhang naagaw naman niyon ang atensyon ni Manager Soo.
"Nako, pagpasensyahan niyo na po," sabi niya, panay ang pagbo-bow. Inutusan niya 'yong kasama ko na buksan uli 'yong TV. "Ayan na po, maaari niyo na uling mapanood at i-enjoy ang balita."
Tinignan ko si Manager Soo. Sa nakikita ko ay parang kanina pa ito nakatingin sa 'kin at hinihintay lang akong lumingon sa kanya. Trying hard, as usual, na bigyan ako ng death glare. Sinakyan ko 'yon at umaktong natatakot. Siyempre, lalong sumama ang timpla ng mukha nito.
"C'mere," maotoridad nitong sabi sa 'kin at sinubukang hilain ako papunta sa kanya, pero hindi ako nagpahila. Marahas kong itinabig ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Ipapaalala ko lang sa 'yo, Ara . . ."
Nayayamot ko itong tinignan. "Look, ahjussi," I interrupted. "Hindi ko na kasalanan kung nagalit 'yong mga lolo kanina. Kasalanan nila 'yon dahil walang kakwenta-kwenta ang pinapanood nila."
"Yah!" nanggigigil na sigaw niya. Pero agad ding huminahon nang ma-realize na marami palang tao sa paligid. "Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip ka pa ba pero sa susunod na gawin mo uli 'to, hindi ako magdadalawang-isip na paalisin ka rito!"
Literal na nanginginig ang matanda sa galit habang nakatingin sa 'kin. Ngumiti ako para lalo siyang inisin.
"Did you really think na magtatagal ako sa low class chicken house na 'to?" I pulled the words out like a chewing gum, increasing his irritation by almost ten times. "You don't have to fire me. Tutal naman hindi ko na matiis ang lugar na 'to, I quit."
Finally, natapos din. Hindi ko na kailangang bumangon araw-araw para dito. Kaya lang naman kasi ako napasok sa bwisit na manukang 'to, dahil kakilala ni eomma ang may-ari ng resto. Ni-recommend niya ako sa kadahilanang wala naman daw akong ibang pinagkakaabalahan sa buhay kundi ang magkulong sa kwarto at iyakan ang namatay kong boyfriend. E alangang magtatalon ako sa tuwa dahil wala na siya. He's gone. And partly because of me. Kaya hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Second Chance Summer | NAMLEE FF
Fantasy↳ a NAM JOO HYUK fanfic Once upon a time, there was a girl who met a good guy, and she had no idea what she was accidentally throwing away until it was too late . . . until he was gone. Pero paano kung mabigyan siya ng second chance para balikan ang...