【once upon a time】

154 9 3
                                    

There is no greater agony than bearing an untold story inside you.

- -


Soundtrack: Tiger JK - Reset (Feat Jinsil of Mad Soul Child)


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Her first memory with him was actually a sweet one. It was summer, the 6-year old Ara was playing by herself. Hanggang sa bigla na lang itong nilapitan ng ibang mga bata at pinagsisipa. The 7-year old Jean saw them and came to rescue her. Ara was so thankful, she even kissed Jean's left cheek. Simula no'ng araw na 'yon ay naging magkaibigan na sila. In fact, no'ng araw din na 'yon ay nag-promise pa sila sa isa't isa na magkikita uli sila balang araw.


At nangyari nga 'yon nang muli silang magkita sa isang elementary school. Naging mas malapit sila sa isa't isa no'n dahil magkaklase na sila. Araw-araw silang magkasama. At araw-araw ding pinoprotektahan ni Jean si Ara sa mga nambu-bully dito. Kung nasaan si Ara, nandoon din ang kaibigan niyang si Jin. They were actually super close na hindi na sila mapaghiwalay ng mga magulang nila. Until high school came, that's when things started to change.


Kinailangan malipat sa Moorim University si Ara. Nangyari 'yon sa kalagitnaan ng summer. Sobrang nalungkot si Jean dahil doon. Their only communication was through telephone, at alam ni Jean na hindi sapat 'yon. Alam niyang hindi niya ito makakayang tiisin. Lalo pa't nalaman niya na binu-bully pala uli si Ara. Kaya naman pinilit ni Jean ang mga magulang niya na ilipat siya sa Moorim University. Fortunately, naintindihan naman ng mga magulang nito ang rason niya. Kaya on the second half of their first year, nagkasama na naman uli sila.


Things went back to how they were. Mukhang mas naging malapit pa ang dalawa sa isa't isa. Jean made sure to always look after Ara dahil alam niyang lapitin ito ng mga bullies. Well, Ara has always been the target of bullies in school, at hindi rin niya alam kung bakit o kung anong nagawa niya. But Ara learned to accept it. Kay Jean na lang siya kumukuha ng lakas para malampasan ang bawat araw.


Until one day, Ara was dragged and forced to come with some people. In-offeran ng mga ito si Ara ng deal. Na matatapos ang lahat ng paghihirap niya basta't sumanib lang siya sa grupong 'yon. Ara was so desperate kaya pumayag siya. The next day, she wasn't bullied anymore. Sinusunod na ng lahat ang mga gusto niya. Sinasamba na siya. Turns out, ang grupong 'yon pala ang kumokontrol sa lahat. Sa sobrang tuwa niya ay naisipan niyang gantihan ang mga taong nam-bully sa kanya noon. And it was successful, dahil tinulungan siya ng mga bago niyang kaibigan, which is ang grupong sinalihan niya.


Jean thought it was unusual of her to bully her classmates. Oo, masaya siya dahil hindi na nabu-bully si Ara pero nagtataka siya sa biglang pagbabago nito. Jean didn't know anything about what happened that day. Ilang beses niyang tinanong si Ara, pero nagsisinungaling lang ito. Pero dahil may tiwala siya kay Ara, he believed all her lies.


Second year came, hindi akalain ni Ara na nahulog na pala sa kanya si Jean. Hindi niya sana papatulan ang pag-amin nito sa kanya pero nagkaroon ng pustahan sa kanilang magkakaibigan. Malaki-laking pera ang matatanggap niya kung sasagutin niya si Jean. Walang kahirap-hirap, ang kailangan niya lang gawin ay um-oo. And so, she did it. It was all just for fun, anyway. Hindi niya alam na sobrang ikinatuwa 'yon ni Jean. Hindi niya alam kung gaano kahalaga para kay Jean na binigyan niya ito ng chance. Walang kaalam-alam si Jean sa tunay na nangyayari. Hindi niya alam na hindi na siya ang pokus ni Ara. Kundi ang imahe nito sa mga tao, ang bagong buhay nito. Dahil para kay Ara, matagal na niyang tinalikuran at tinapon ang pagkakaibigan nila.


Jean was so in love, to the point na parang nabulag na siya. Hindi niya na napapansin ang mga ipinapakitang senyales ni Ara. Minsa'y nagmumukha na lang siyang tanga sa harap ng mga kaklase nila dahil binabaliwala lang siya nito. Madalas hindi rin siya nito sinisipot. Hindi sinasagot ang mga tawag. At kung pupuntahan sa bahay, wala ito. Hindi na nga mabilang kung ilang beses niya itong pinaghintay at pinag-alala. Minsa'y umaabot na rin sa kanya ang mga bali-balitang meron itong ibang lalaki. Pero nanatili siya sa tabi nito. Pinaniwalaan niya ang lahat ng kasinungalingan ni Ara.


Hanggang sa dumating ang puntong nagising na siya sa realidad. Hindi niya agad nalaman, pero no'ng puntong nalaman na niya ang lahat ay hindi siya nagdalawang isip na sugurin ito at komprontahin. Pero bukod sa kumpirmasyong narinig niya mula dito, ang mas ikinadurog talaga ng puso niya ay nang makitang wala itong bakas ng kahit anong emosyon sa mukha. Wala na nga ang Arang nakilala niya. Iba na ang kaharap niya ngayon. Ibang-iba na.


Lumipas ang ilang buwan at napagdesisyunan niyang makipaghiwalay na dito. Ara felt nothing, of course. Pero si Jean, pakiramdam niya no'n ay sasabog na siya. Lumipas pa ang maraming buwan, hindi na talaga sila nagkaroon ng kontak. Ara continued living her life. Jean, on the other hand, became the target of bullies in school. Ito ang napagtripan ng mga kaibigan ni Ara. Simula no'n ay araw-araw nang umuuwi si Jean ng may galos at mga pasa. Alam ito ni Ara pero hinahayaan niya dahil wala siyang pakialam.


Hanggang sa isang araw, nasangkot ito sa malaking gulo. Another kid was being brutally bullied by Ara's friends. Hindi ito nakayanang i-tolerate ni Jean kaya nilapitan niya ito at tinulungan. Not knowing na ang pagtulong niya pala na 'yon ang magdadala sa kanya sa kapahamakan.


Naisip ni Jean ang dating kasintahan. Inisip nito na kung magpapatuloy si Ara sa gano'ng gawain kasama ang mga kaibigan niya ay baka malagay rin ito sa alanganin. Kahit ilang buwan na ang nakalipas simula no'ng maghiwalay sila, hindi pa rin naman nawala kay Jean ang pagmamahal niya para sa kaibigan. Kaya naisipan niyang makipagkita dito, he's going to stop her whether she likes it or not. He's going to protect her from them.


But unfortunately, he was shot. On the day na makikipagkita sana siya kay Ara, may dumaang grupo ng mga lalaki at binaril si Jean. Ara was there, with her friends. Their group planned to torture him. Pero huli na nang mabalitaan ni Ara ang totoong balak nila sa lalaki. Alam ni Ara kung sino ang nasa likod ng pamamaril kay Jean dahil bukod sa kilala niya ito ay itinuring pa niya itong kaibigan. Pero bago pa man niya ito maisumbong sa mga pulis ay naunahan na siya nito. The guy threatened and warned her to shut her mouth or else, isusunod niya ang iba pa. Sinabi pa nito na kayang-kaya niyang baligtarin ang mga pangyayari dahil in the first place ay may access ito sa mga higher-ups. Kaya walang nagawa si Ara kundi paulit-ulit na sisihin ang sarili niya.


And that was her last memory of him . . .



NOTE: Play niyo 'yong goblin OST sa media habang binabasa 'to HAHAHSHS. Wolo long. <3

Second Chance Summer | NAMLEE FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon