【happy thoughts, sad thoughts】

253 15 12
                                    

Death is not the greatest loss in life. The greatest loss is what dies inside us while we live.

- -


- -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Madilim na nang magising ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Madilim na nang magising ako. Hinagilap agad ng mga mata ko ang wall clock. Alas dose na. Grabe, buong maghapon akong natulog. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahilata. Bahagya pa akong napahinto nang makita ang sarili sa salamin. Suot ko pa rin ang uniporme ng pinagtatrabahuhan kong chicken house. Wala nga lang ang apron.



Umakyat ang tingin ko, hanggang sa bumagsak 'yon sa mukha ko. Natigilan ako. Pakiramdam ko'y parang nakita ko uli sa salamin ang dating ako. 'Yong ako na walang dinadamdam na mabigat na problema. 'Yong ako na masaya. 'Yong ako na selfish pero iniintindi ng lahat. 'Yong ako na kinikilala ng buong Moorim university. 'Yong ako bago siya nawala.


"Aish, tama na."


Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo. Iniayos ko ang sarili at saka muling sinilip ang repleksyon sa salamin. Isang walang ganang ngiti ang gumuhit sa mga labi ko bago tuluyang nilisan ang kwarto. Sinulyapan ko ang lamesang katabi ng pinto. At gaya ng inaasahan, may pagkain na namang nakalapag doon. Siyempre, may note uling nakapaibabaw do'n.


"Ara, kainin mo 'to paggising mo. Hindi na kita inistorbo dahil . . ." Blah, blah, blah. Pinunit-punit ko 'yon at ikinalat sa sahig.


Oo, iniligay 'yon doon ni eomma para kainin ko dahil nga, nakakulong lang ako sa kwarto at palaging tulog kapag nagdi-dinner siya. Pero lahat naman ng inihahanda niyang pagkain ay hindi ko pinapansin. At ewan ko ba, kahit alam niyang hindi ko 'yon kakainin ay patuloy pa rin siyang nagbibigay. Wala akong interes sa kahit anong bagay na galing sa kanya, at alam niya 'yon.


Palihim akong lumabas ng bahay gaya ng palagi kong ginagawa sa tuwing magigising ako ng ganitong oras. Pumunta ako sa park na palagi ko ring pinupuntahan. Walking distance lang 'yon mula rito kaya doon ako nagpupunta kapag gustong kong magpahangin. At hindi lang 'yon. Espesyal para sa 'kin ang park na 'yon dahil maraming magagandang bagay na nangyari ro'n. Doon ako unang niligtas ni Jean mula sa mga nambu-bully sa 'kin. Doon ko siya unang kinilala bilang kaibigan. Doon kami palaging naglalaro noon. Sa katunayan nga, hanggang tumuntong ng high school ay tumatambay pa rin si Jean doon. Magisa. Oo, ni minsan ay hindi ko siya sinamahan. 'Yon 'yong mga panahong kinalimutan ko na ang pagkakaibigan namin. Gano'n ako ka-walang kwentang kaibigan at girlfriend sa kanya noon.


Second Chance Summer | NAMLEE FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon