【travel through time】

282 27 6
                                    

The best thing you could give someone is a chance.

- -


Nagising ako dahil sa isang nakakabinging ingay ng pagkabasag ng kung ano sa tabi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Nagising ako dahil sa isang nakakabinging ingay ng pagkabasag ng kung ano sa tabi ko. Gulat na napamulat ako ng mga mata at balikwas na napabangon mula sa pagkakalapag. Isa pala 'yong bote ng soju, na hindi sinasadyang naihulog ng isang babae. Pero shit, ang sakit ng ulo ko! Nakailan ba ako kagabi? Aish, bakit ba kasi ako uminom ng marami? Si Jean kasi e.



"Umalis ka riyan. Aba, mahiya ka, pwesto ko 'yang tinulugan mo. Ako pa ang nag-adjust para sa 'yong bruha ka!" bulyaw ng isang babae at saka pinagyuyugyog ako, dahilan para mapabangon ako nang tuluyan.


Napabuga ako ng hangin at napaismid nang lingunin ang babaeng nagsalita. Punit-punit na halos ang suot niyang t-shirt. Puno ng dumi ang mukha niya na parang isang taong hindi nakapaghilamos. To cut it short, mukha siyang homeless, yagit.


Bumaba pa nang konti ang tingin ko hanggang sa bumagsak 'yon sa isang bagay na dala niya, ang bag niya. Mamahalin na bag 'yon, kaya napangiwi ako. Hindi lang pala siya homeless kundi isang magnanakaw din. Dumako uli sa kanya ang tingin ko. Natawa ako sa isip nang makita ang buhok niya. Tinawag niya ba akong bruha kanina? Ano pa kayang tawag sa buhok niya?


"Ano, nakatingin ka ba sa bag ko?" basag niya nang mahuli akong nakatitig pa rin sa bag niya. "Kayo talaga. Lahat na lang ng gamit ko--"


"Sinong tanga naman kaya ang nagtapon ng ganyan kamahal na bag sa basura?" sinadya kong iparinig. At mukhang umipekto naman dahil kitang-kita ang resulta sa naging ekspresyon ng mukha nito.


"HOY, HINDI KO 'TO NAPULOT SA BASURA. INIWAN 'TO PARA SA 'KIN, NAINTINDIHAN MO BA--"


Hindi ko ito pinansin, sa halip ay nilampasan ko lang ang loka. Naglakad ako nang mabilis para hindi na ako nito mahabol pa. Pero ilang hakbang ko pa lang ay bigla akong napatigil. Kasabay no'n ay umihip nang malakas ang hangin. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba.


"Ayon naman pala e! Hay, kahit badtrip, masuwerte pa rin ako! May nakaiwan na naman ng kwentas. Para sa 'kin talaga 'to e . . ." rinig kong sabi no'ng homeless na babae kanina.


Muli akong napalingon sa kanya. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi niya o dahil sa nabanggit niyang kwentas. Itinaas niya 'yong kwentas, dahilan para mas makita ko ang kabuuan niyon. Gold na kwentas. Gold na pendant. Bakit pakiramdam ko ay may koneksyon ako sa kwentas na 'yon? Pamilyar 'yon.


"Hoy!"


Dali-dali akong bumalik para hablutin ang alahas mula sa kanya. Bigla pang umihip nang malakas ang hangin kaya nabuksan ang pendant ng kwentas habang hawak ko 'yon. Hindi pala 'yon basta gold lang na bilog, kundi isang kwentas na nabubuksan. At ang laman niyon, isang maliit na orasan.


"Hoy, ang kapal ng mukha mong agawin 'yan sa 'kin ah! Nang-agaw ka na nga ng pwesto kagabi, aagawin mo pa 'yan?!" gigil na sigaw ng babae. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, itinakbo ko na agad ang kwentas.


Hinabol naman ako ng ungas. Talagang desidido itong angkinin ang napulot na kwentas. Pero hindi, hindi ako papayag na mapasakanya ito.


Pumasok ako sa isang makitid na eskinita na walang masyadong tao. Alam kong marami akong nabubunggo sa daan at may ilang napapasigaw dahil sa lakas ng impak. Pero lahat 'yon ay hindi ko na binigyang-pansin. Ang importante sa 'kin ay makalayo. Mabilis akong sumilid sa maliit na uwang ng isang pinto at nagtago. Pinto 'yon ng isang abandonadong store.


Napasinghal ako't umiling. "Great, umagang-umaga, nakipaghabulan ako sa isang homeless na babae!"


Pinakiramdaman ko muna saglit ang paligid bago dahan-dahang idinungaw ang ulo para silipin kung nasundan ako nito. Nakahinga naman ako ng maluwag pagkatapos makitang wala nang sumusunod sa 'kin. Isinandal ko ang ulo sa pader at muling iniangat ang kwentas. Inilebel ko ang pendant niyon sa mata ko.


"Ano bang meron sa kwentas na 'to? Bakit parang napakadesperada ko naman at itinakbo ko pa talaga? Aish, parang inagawan ko pa tuloy ng gamit 'yong homeless na 'yon kanina."


Ibinulsa ko ang kwentas at pagkatapos ay lumabas na. Nag-shortcut na ako para makarating agad sa bahay. Ang nasa isip ko lang no'ng mga sandaling 'yon ay makauwi at makabalik sa higaan. Gusto kong matulog, magpahinga. 'Yong walang istorbo. Pero alam kong imposible 'yon dahil ngayon pa lang ako uuwi, at amoy-alak pa. Isang mahaba-habang sermon ang matatanggap ko nito mula kay eomma.


Ugh, may bago pa ba doon? E ganito naman palagi.


May ilang minuto pa ang lumipas bago ko tuluyang narating ang bahay. Hindi nga ako nagkamali dahil pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad na sa 'kin ang nakapameywang kong nanay. Seryoso itong nakatingin sa 'kin, mukhang naghihintay ng eksplenasyong magpapaliwanag kung bakit ako tinanghali ng uwi. Pero hindi ako umimik.


"Alam mo ba kung ano ang nabalitaan ko kagabi? Kusa ka raw umalis sa trabaho. At hindi lang 'yon, binastos mo pa si Manager Soo!" palatak niya. "Nag-iisip ka ba?! Binigyan ka na nga ng magandang trabaho, tapos gan'yan pa ang inasal mo?"


As expected of her, imbis na tanungin ako kung bakit hindi ako umuwi kagabi . . .  'Yong balita pa ng pag-quit ko ang mas ikinaalarma niya.


"Ma--"


"Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo, ha? Gano'n na lang ba, buong buhay kang magmumukmok sa loob ng kwarto mo? Wala na nga si Jean, Ara! Patay na siya. Six years na siyang patay! Kahit magwala ka pa . . . kahit umiyak ka pa ng dugo, hindi na siya mabubuhay!"



Parang sampal ang pagkakasabi niya no'n sa 'kin. Ang sakit. Sobrang sakit. Oo, alam kong wala na siya. Kailangan ba niyang ipagduldulan ang bagay na 'yon sa mukha ko? Walang araw na hindi ko 'yon inisip. Sinubukan ko namang tanggapin. Sinubukan ko ring kalimutan. Pero hindi kasi madali e. Kung alam niya lang, ang hirap iraos ng araw. Pakiramdam ko, pinipilit ko na lang talaga ang sarili kong mabuhay.


"Are you done?," tumingala ako nang konti at huminga nang malalim para pigilan ang mga luha ko sa pagtulo. "Pwede na ba akong umakyat at matulog?"


Pumikit siya at bumuntong-hininga, saka muli akong tinignan sa mga mata. "Ayusin mo ang buhay mo. 'Wag kang mabuhay sa sakit ng nakaraan, Ara, dahil mabubulok ka lang d'yan. At please lang, 'wag mo nang sisihin ang sarili mo sa pagkamatay niya. Hindi mo 'yon kasalanan."


I laughed sarcastically, "Ano ba kasing alam mo?"


"Ara—"


"Wala kang alam sa totoong nangyari kaya wala kang karapatang sabihan ako n'yan. Alamin mo muna ang buong kwento bago mo sabihing wala akong kasalanan. Malay mo, may kinalaman pala ako sa pagkamatay niya," mariing sabi ko rito.


Umawang nang bahagya ang mga labi nito pero bago pa man ito makapagsalita ay umalis na ako. Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto ko at ini-lock 'yon. Bumagsak mula sa mga mata ko ang isang butil ng luha, na nasundan pa ng marami hanggang sa naging walang katapusan na ang pagbuhos niyon. Mabilis akong tumakbo patungong kama at nagtalukbong gaya ng palagi kong ginagawa sa tuwing iiyak ako. Buong araw akong nagkulong sa ilalim niyon. Saka lang ako tumigil nang makaramdam na ng antok.

Second Chance Summer | NAMLEE FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon