【library of memories】

162 8 3
                                    

Memory is a diary that we all carry about with us.

- -


Jin

Tahimik kong nilakad ang kahabaan ng pasilyo patungo sa isang mataas na pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Tahimik kong nilakad ang kahabaan ng pasilyo patungo sa isang mataas na pinto. Saglit pa akong napatigil sa paglalakad nang maramdaman ang biglang pag-ihip ng hangin. It's been a while. Mga sampu o higit pa sa sampung taon na yata ang nakalipas simula no'ng huli ko itong pinuntahan. Gano'n karaming taon na rin kasi ang lumipas since no'ng huli akong binigyan ni Tanda ng task. Si Tanda kasi ang pinuno naming mga immortal. Siya ang nagbibigay at nag-aassign ng tasks sa amin. Siya ang sinusunod ng lahat. Marami siyang tauhan na nagsisilbing mga mata at tainga niya. Kaya wala kaming takas sa kanya. Kung meron mang sumuway sa batas ng nakatataas, siya ang magdedesisyon kung ano ang magiging kaparusahan. They call him, "Old master" but I prefer calling him just "Tanda."



"Young master, paki-pirma po muna nitong pangalan niyo sa log book," masuyong sabi ng isang babae sa 'kin at saka inilapag sa lamesa ang isang napakakapal na libro. Nakatayo siya sa tabi no'ng mataas na pintuan. Malamang, siya ang guardian ng lugar na 'to.


"Tell me which page do I sign?"


"Your name is on page 520,699 young master."


Ngumiti ako sa kanya. Kasabay no'n ay itinapat ko ang palad ko sa libro para kontrolin ang pagbukas no'n. Nanatiling nakalapat ang palad ko doon hanggang sa dahan-dahan 'yong bumukas sa pahinang sinabi niya. Bahagya pang umawang ang bibig ng babae. Pamangha akong tinitigan nito sa loob ng mahabang segundo.


"What are you looking at?" I asked, kunot-noo ko siyang tinignan. "Is this your first time seeing a man with abilities?"


"Y-yes, young master. A-ang totoo po kasi niyan, unang araw ko pa lang ngayon dito. Ako ang pumalit kay Mr. Zitao. Matanda na po kasi si Mr. Zitao at kailangan nang magpahinga. Simula ngayon, ako na po ang guardian ng lugar na ito."


I smiled remembering the memory. Kilala ko si Mr. Zitao. Ten years ago, siya ang guardian ng lugar na ito. Palagi ko siyang nakakausap noon. Medyo bata pa siya no'ng mga panahong 'yon. Ngayon siguro ay nasa seventy's na siya. Well, they're Guardians. Hindi sila katulad naming mga time travelers na immortal. They age. At kapag dumating na ang oras nila, namamatay sila. Pero hindi kagaya ng sa isang tao na hindi na mabubuhay muli. Dahil kapag namatay ang isang Guardian, pwede pa itong mabuhay. 'Yon ay kung nagawa nito ng maayos ang lahat ng task nito bilang guardian no'ng nabubuhay pa ito.


"Tawagin niyo na lang po akong Sunny," sabi pa no'ng babae habang ngiting-ngiti sa 'kin. "Tutal ay mas madalas niyo na rin akong makikita dito sa library of memories, mas mabuti nang alam niyo ang pangalan ko."


Second Chance Summer | NAMLEE FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon