Life doesn't hurt until you think about how things have changed. People you've lost and how much of it was your fault . . .
- -
Napapikit ako nang mariin, kasabay niyon ang biglang pagkabog ng dibdib ko. Paulit-ulit kong kinurap ang mga mata, nagbabakasakaling namamalik-mata lang ako. Na baka nakaidlip lang pala ako sa park kanina at lahat ito ay panaginip ko lang. Pero hindi. Kahit anong pagkurap ko, wala talagang nangyayari. Nasa parehong lugar pa rin ako. Nakikita ko pa rin ang sariling nakatayo ro'n habang kinakausap ang lalaking 'yon, lasing na lasing. Huling-huli rin sa akto ang pagpirma ko sa papel na sinasabi niyang naglalaman ng kasunduan naming dalawa."What the hell? Imposible 'tong lahat. Paano 'to nangyari?" Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan nila. Para akong nanonood ng isang playback video na ako ang laman, at ang ipinapakita ay ang mga pangyayari kahapon. Nakakamangha, paano ito naging posible?
Lumipas ang ilang minuto, nanatili akong nakaestatwa ro'n. Manghang pinapanood ang lahat. Sinusubukang i-digest ang mga nakikita. Grabe, hindi naman ako lasing ngayon at gising na gising ang diwa ko, pero paanong nakikita ko ang ganito ka-imposible na bagay?
Pumihit ako patalikod para harapin ang lalaking 'time traveler' kuno. "Did I really go here? Nag-travel ako pabalik dito?"
"Yup, thanks to me. Sabi ko naman sa 'yo, time traveler ang gwapong nilalang na ito," Napangiwi ako sa huling sinabi niya.
"What. The. Actual. Fvck. Is this even possible? Ano, may super powers ka?" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Tinapunan ko siya ng isang matalim na tingin para malaman niyang seryoso ako. Na isang seryosong sagot din ang hinihintay ko.
Tumawa lang siya. Hindi ko alam kung bakit. "Yeah, if that's what you call it. Meron nga akong SUPER powers."
"I'm serious," nayayamot kong sambit.
"I'm serious too."
Pero napaka-imposible kasi ng mga nangyayari. Hindi nalalakbay ang panahon. Wala pang time machine o kung anong teknolohiya na naimbento ang mga scientists para malakbay ng mga tao ang panahon. At lalong walang nag-iexist na time traveler. Dahil sila ay pawang piksyunal na mga karakter lang. Imahinasyon. Hindi totoo. Kaya paano nangyaring naibalik niya ako sa kahapon?
"You want proof, right?" dagdag pa nito, dahilan para magising ako nang bahagya mula sa mga pinag-iisip ko.
Hindi ko alam kung anong ginawa niya dahil tumigil na naman ang buong paligid. Tipong kami lang ang natirang gumagalaw at humihinga. Pamangha ko siyang pinagmasdan habang naglalakad palapit sa nakahintong eksena. Hinablot niya mula sa kamay ng nakaestatwa kong katawan ang papel. 'Yong papel na naglalaman ng kasunduan namin.
"Here's your proof," inilebel niya ang papel sa mukha ko at ipinatakbo ang daliri niya sa ibaba. "And this is your signature. Nakita mo naman kanina ang actual na pag-sign mo diyan, di ba? Wala ka nang maitatanggi, Ara."
Oo, tama siya. Wala na nga akong maitatanggi. Nasa harap ko na ang lahat ng ebidensya. Ebidensyang nagpapatunay na pinirmahan ko nga ang kontrata at hindi forged ang pirma. Ebidensyang nagsasabi na may kasunduan ngang nangyari.
Aish. "Pero lasing ako! Syempre wala akong kaide-ideya kung ano ang pinipirmahan ko!" sabay turo ko pa sa nakahinto kong katawan. Na konting pitik na lang ay matutumba na.
"Well, that's not my problem anymore," tipid niyang sagot, sabay ismirk na akala mo naman ay ikinagwapo niya. Bwisit! Ginigigil niya ako.
"Of course, you made me sign those papers dahil alam mong kapag nasa matino akong pag-iisip ay hindi ako papayag. Duh?" bulong lang dapat 'yon pero dahil sa gigil ko ay naibulalas ko 'yon nang malakas. Ang unfair niya kasi!
"You know what they say, never drink too much cause bad things can happen. Next time, be a little more careful."
Pauulanan ko na sana ito ng maraming salita pero napatigil ako nang ibalik muli nito sa aksyon ang lahat. Tila mga patay na muling nagkabuhay ang mga taong nasa eksena. Ang mga katawan naming nakaestatwa kanina, gumalaw na uli. Agad akong napangiwi nang makita ang sarili. Diyos ko po, nagmukha akong tanga sa harap niya. Pagewang-gewang ako sa sobrang kalasingan. Nakakahiya.
"Pwede kang mag-request sa 'kin kung gusto mong i-rewind ko pa ang lahat. Baka kasi may gusto ka pang makita--" Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya. Alam ko naman ang tinutukoy niya, 'yong suicide scene ko.
"Ayaw ko," simpleng sabi ko rito. Wala na kasing bago roon. Ilang beses ko nang sinubukang kitilin ang buhay ko. At sa totoo lang, umay na umay na ako kapapanood sa sarili kong nagsusubok. Buti nga 'yong pag-attempt ko kahapon ay hindi na-retain sa utak ko. Ayaw ko nang maalala pa 'yon.
"I just don't understand why you, humans, only think of yourselves," biglang sambit niya kaya bahagya akong napabaling sa kanya. "Kapag hindi niyo na gusto ang buhay niyo, basta niyo na lang itong tinatapon. Killing isn't going to solve anything."
Killing isn't going to solve anything. Parang narinig ko na ang linyang 'yon. Meron talagang nagsabi sa 'kin niyon.
"Puwes, hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan niyong maki-interfere sa life and death naming mga tao!" ganting sumbat ko. "Tulad no'ng ginawa mo, hindi ka na dapat nangialam pa! Buhay ko 'yon e! Hindi mo dapat pinipigilan ang isang tao kung gusto na niyang maglaho! Kung totoong time traveler ka, gamitin mo sa maganda 'yang abilidad mo. Dahil sa ginawa mong pagligtas sa 'kin, pinahaba mo pa ang pagdurusa ko!"
Parang narindi ito sa pagsigaw ko dahil ngumiwi ito. "Kailangan kita sa misyon ko. Of course, I can't let you die."
Oh, wow. What a jerk. Sana hindi na lang niya ako sinagot. So, napilitan lang siyang iligtas ako dahil sa time travel keme na kailangan niyang gawin? Binuhay niya lang ako dahil sa misyon niyang 'yon?!
"SANA PALA HINAYAAN MO NA LANG AKO KUNG GANO'N!" sigaw ko sa kanya. "Sana hinayaan mo na lang akong mamatay."
I heard him mutter something under his breath. Something like, suicidal daw ako. Bwisit. E masisisi ba niya ako? 'Yong kaisa-isang tao na pinahahalagahan ako, wala na. Kinuha na sa 'kin. At dahil rin sa sarili kong kagagawan kaya siya nawala. Masisisi ba niya kung nais ko na ring mawala sa mundong ito?
"Palibhasa kasi, wala kang alam," bulong ko, sabay irap.
Nilingon ako nito. Ewan ko, pero base sa paraan ng pagtingin nito sa 'kin ay parang sinasabi nito na mali ang iniisip ko. E wala naman talaga siyang alam sa buhay ko! Hindi niya alam ang buong istorya. Hindi niya alam kung gaano kahirap. Pero hindi ko na 'yon pinansin. Instead, mabilis kong iniwas ang mga mata at ibinaling ang atensyon sa ibang bagay.
Nang ibalik kong muli ang tingin sa sarili ay napapikit na lang ako sa kahihiyan. Paano kasi, sa sobrang kalasingan ko pala kahapon ay para na akong batang nagta-tantrums sa harap niya. Nakaupo. Nagwawala. Iyak nang iyak. Hinahampas-hampas ang sahig. Seriously, what the hell was I thinking?!
BINABASA MO ANG
Second Chance Summer | NAMLEE FF
Fantasy↳ a NAM JOO HYUK fanfic Once upon a time, there was a girl who met a good guy, and she had no idea what she was accidentally throwing away until it was too late . . . until he was gone. Pero paano kung mabigyan siya ng second chance para balikan ang...