Cheers to a new start, and another chance for us to get things right.
- -
"Hindi mo ba sasagutin 'yang tumatawag sa 'yo?" he asked, his tone seemed calm.Inis kong ibinaling ang paningin ko sa cellphone. Tumatawag si Hiromi. At ayaw tumigil. Malamang ay may magaganap na namang party o kung ano mamaya at aayain niya akong sumama. I know, because that was our daily routine six years ago. Ang araw-araw na maghasik ng lagim, if that's how you call it. We live for those things.
"Hindi." Pinatay ko ang phone ko at tinanggal na rin ang battery.
Narinig ko si Jean na parang tumawa nang mahina. "Di halatang ayaw mong sagutin."
Ugh, talagang hindi ko 'yon sasagutin. I'll deal with them some other time. Hintayin lang nila, matitikman nila ng bagsik ng paghihiganti ni Ara. Sa ngayon, kailangan ko muna itong gawin.
Hawak ko ang kamay ni Jean habang tinatahak namin ang daan patungong park. Oo, sinadya kong dalhin siya dito. Bakit? Una, dahil alam kong paborito niyang puntahan ang lugar na ito. Pangalawa, hindi ko siya nasasamahan noon sa tuwing nagpupunta siya dito kaya ngayon ay sasamahan ko siya. Pangatlo, dahil balak ko nang ipagtapat sa kanya ang lahat. Ang lahat ng isinikreto ko lang noon.
The current month now is June, at sa pagkakatanda ko no'ng panahong 'to ay hindi pa nalalaman ni Jean ang buong katotohanan. Huli na no'ng nalaman niya ang dahilan sa likod ng pagbabago ko. Kung hindi ako nagkakamali, that was around July. Isang buwan bago nangyari ang pamamaril ng mga hayop kong kaibigan kay Jean.
Karapatan ni Jean na malaman ang lahat. Kaya ngayon pa lang ay ipagtatapat ko na 'yon sa kanya.
"B-bakit bigla kang nag-ayang pumunta dito, Ara?" takang tanong nito nang marating na namin ang park.
"Chill. Pwede bang mamaya ka na lang magtanong? Di pa tayo nakakaupo oh. At saka hinihingal pa ako."
Iginaya ko siyang sumunod papunta sa isang duyan. Sakto 'yon sa aming dalawa kaya lalo akong napangiti. No'ng tinignan ko siya ay bakas pa rin ang pagkalito sa mukha niya. Ngumiti lang ako sa kanya at pagkatapos ay umupo na sa isang bakanteng duyan. Sumunod siya at umupo sa katabing duyan.
"Grabe, ang init!" bulalas ko at nagpunas muna ng pawis. Ew, para na akong naliligo sa pawis ko!
Iniharap niya ang backpack niya at may hinalungkat doon. Tubig pala. Binigay niya 'yon sa 'kin.
"Ang init pala talaga, 'no?" hinihingal na sabi ko, sabay inom ng inabot niyang tubig. Kinalahati ko muna ang laman no'n bago ibinalik sa kanya.
"Summer pa kasi kaya asahan mong mainit talaga." Dahil doon ay kusa kong naibaba ang bote ng tubig.
"Summer," ulit ko.
BINABASA MO ANG
Second Chance Summer | NAMLEE FF
Fantasy↳ a NAM JOO HYUK fanfic Once upon a time, there was a girl who met a good guy, and she had no idea what she was accidentally throwing away until it was too late . . . until he was gone. Pero paano kung mabigyan siya ng second chance para balikan ang...