【going back in time】

100 4 0
                                    

Days will turn into nights. Make every second count. Because once they are gone, you can't buy them back.

- -


Ara

Ara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I barely slept a wink last night

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




I barely slept a wink last night. Pagkatapos ng mga kababalaghang nangyari at natuklasan ko kagabi sa park ay hindi na ako nakatulog. Buong magdamag hanggang sumapit ang umaga, inisip ko lang si Jean. Ang posibilidad na maaari ko uli itong makita at makasama. Ang posibilidad na maaaring maulit ang mga nangyari noon.



Come to think of it, isang legit na time traveler ang kumausap sa 'kin at sinabing ibabalik niya ako sa past. Ibabalik niya raw ako sa lumang panahon kung kailan nabubuhay pa si Jean. At hindi lang 'yon, sa pagbalik ko ay maaari ko ring baguhin ang mga nangyari. Pwedeng kong mabawi si Jean. Nakakatawa at nakakalokang isipin, di ba? But the time traveler dude was able to prove himself. Ugh, what was his name again? Jin?


Umiling-iling ako para alisin ang mga nasa isip ko. Mula sa kawalan ay bumaling ako sa orasan. Alas cuatro pa lang ng umaga. Tamang-tama.


Tumayo ako at naglakad patungong banyo. Binilisan ko lang ang paggawa ng mga seremonyas ko. Nag-shower ako. Nag-ayos. At nagbihis sa loob ng limang minuto. Nagsuot lang ako ng simpleng damit, pagkatapos ay pinuluputan ng scarf ang leeg ko. Ligong kalabaw na kung ligong kalabaw. E sa gusto kong makaalis ng maaga. Ayaw ko kasing magpakita sa magaling kong nanay. Mamaya'y tanungin pa ako no'n ng kung anu-ano at ma-delay pa nang di-oras ang pag-alis ko. Siyempre, magtatanong 'yon kung bakit umagang-umaga ay aalis ako ng bahay.


Maingat akong lumabas ng kwarto at isinara ang pinto. Nakapatay pa ang mga ilaw sa sala, senyales na wala pang gising maliban sa 'kin. Ginamit ko 'yong pagkakataon upang tuluyang makaalis. Fortunately, I was able to get out of the house without anyone getting on my way.


Tahimik kong tinahak ang daan patungong park. Oo, sinadya ko talagang umalis ng maaga para balikan ang park na pinanggalingan ko kagabi. At dahil hindi naman 'yon kalayuan mula sa bahay namin ay mabilis kong narating ang lugar. I felt an odd sense of sadness when I made it into the entrance gate. Napapikit ako nang maramdaman ang pagtama ng hangin sa balat ko. Many years had passed but the feels, ramdam na ramdam ko pa rin. Ewan ko ba, bawat sulok ng park ay may impak sa 'kin. Maybe because the place itself reminds me of him. Pero maliban doon, marami rin kaming binuong memorya sa lugar na ito. The most fun times that I had in my childhood was spent here with him.


Second Chance Summer | NAMLEE FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon