【operation: save ara】

281 4 0
                                    

Pain lasts a while. Saving someone lasts a lifetime.

- -



Kasabay ng paglaho ni Jin ay ang paghinto at pagbukas ng puting van sa harap ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasabay ng paglaho ni Jin ay ang paghinto at pagbukas ng puting van sa harap ko. Isa-isang bumaba ang mga lalaking sakay no'n. Simbilis ng mga pangyayari ang pagtibok ng puso ko. Lub. Dub. Lub. Dub. Animo'y tambol 'yon sa sobrang bilis at lakas.

Eo tteok hae? Eo tteok hae?! [T: What to do?]

Huling bumaba ang isang tabatsoy na lalaki. Dahil doon ay lalong nagwala ang puso ko sa kaba at takot. If this was six years ago, siguro'y hindi ako tatamaan ng kahit anong pakiramdam. If this was six years ago, kampante lang ako. Dahil no'ng panahong 'yon, hindi ako nawawalan ng backup e. They always got my back . . . My old friends and the whole gang. They protect and help me in the moment of need. Kaya nga sa tuwing darating ang ganitong pagkakataon ay malakas ang loob ko. Dahil alam kong kami ang mananalo. Kami naman kasi talaga ang palaging nananalo. Gano'n kahusay sa pakikipagbasag-ulo ang mga tarantado kong kasama. Literal na nakikipagrambolan ang mga 'yon sa kalaban hanggang sa matalo sila.

Gabi-gabi kasi ay nagkakaroon ng gang war. Nagaganap siya sa isang sikretong lugar. Minsan, sumasabak ang grupo namin. Minsan, hindi. Depende. Pero kung hinamon kami, walang pagdadalawang-isip naming tinatanggap ang duel. Marami kaming nakakalaban, at hindi sa pagmamayabang, kami palagi ang nananalo.

Lahat ng grupong sumasabak sa away ay galing din sa Moorim University. At lahat ng gang, kasama ang sa 'min, ay sikreto lang. Ang tanging nakakikilala lang sa 'min ay ang kasapi din ng ibang mga gang groups. Kapag nasa loob kami ng school campus at nakakasalubong namin ang ibang mga alam naming miyembro ng gang, we pretend like we don't know each other. Gano'n kami ka-ingat na 'wag mahuli at masumbong sa mga professor o kung sinong matataas sa school. So far, wala pa namang nanggago at inilantad ang tungkol sa mundo namin. Baka natatakot din sila, dahil alam nila na kapag ipinahamak nila kami, doble ang balik no'n sa kanila. Alam nila kung ano ang kaya naming gawin.

Anyway, that was a long time ago. That was the old Ara. Anim na taon na ang nakalipas, at marami nang nagbago. Magisa na lang ako ngayon. Walang maaasahan. Walang malalapitan. Walang kaibigan. At hindi na kasapi ng grupo ng masasamang kabataan. Bagong Ara na ang haharap sa parehong sitwasyon.

Lumapit ang grupo sa 'kin. Pero sa halip na mag-isip ng defense mechanism na gagamitin sa kanila, patuloy ko pa ring isinusumpa at minumura sa isipan ko si Jin. Ang kaisa-isang tao na pwedeng magligtas sa 'kin ay iniwan pa ako! Inang 'yon! Ang taas ng ego! Walang kasing-bitch ang ugali! Argh, bwisit. Dahil sa kanya ay magiging bihag tuloy ako ng mga alipungang 'to. Malalagay kaagad sa peligro ang buhay ko, unang araw pa lang ng misyon. Imbis na nag-iisip lang ako ngayon ng paraan kung paano maisasakatuparan ang lahat nang binabalak ko at nagpaplano ng gagawin ko bukas ay heto ako . . . Nalihis sa ibang landas. Diyos ko, hindi kasama ang ma-kidnap sa plano!

Second Chance Summer | NAMLEE FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon