If there's even a slight chance of getting something that makes you happy, risk it. Life's too short, and happiness is too rare.
- -
"Saan si Jean? Hindi ako aalis dito . . . n-nang wala siya! Ibalik mo si Jean ko! Saan ka, Jean?! Umuwi ka na, miss na kita! Magbabago na ako, oh! Mahal naman kita, Jean! Ano ba! Sorry na. Jean naman!!!""Hoy! Sabi mo, time travala k-ka?! Oh, edi ibalik mo ang pinakamamahal kong lalaki . . . Ibalik mo si Jean! Pumunta ka sa p-past tapos . . . tapos dalhin mo siya dito sa harap ko! Ngayon na! 'Yong buhay. 'Yong buhay na buhay. D-dali, excited na akong makita siya!"
"Fvck you! Fvck you all! You took away my fvcking . . ." at sinundan pa ng maraming mura.
'Yan lang naman ang mga salitang lumalabas sa bibig ko habang nakasadlak sa kalye at nagwawala sa harap ni Jin. Grabe, para pala akong sinapian ng iba't ibang nilalang sa pinagkikilos ko kahapon. Tapos ang lalaking ito, bagot na nakatingin lang sa 'kin. Ni pagsabihan ako o pigilan ay hindi nito ginawa. Was he enjoying it? Punyeta, nakakahiya.
"Nagulat ka ba sa sarili mo? Ako rin, nagulat," tumabi siya sa kinatatayuan ko.
Kagat ang pang-ibabang labi, hinarangan ko ang nakakahiyang eksena. "Bumalik na tayo sa park, pwede ba? Gusto ko nang umuwi. Ibalik mo na ako."
Buti't sinunod nito 'yon. Naglakad ito patungo sa nagwawala kong katawan kahapon. May kung anong kwentas itong isinuot sa leeg ko. Hindi ako pwedeng magkamali, 'yong kwentas na isinuot nito ay ang parehong kwentas na nakuha ko sa homeless na babae. 'Yon din ang kwentas na suot ko ngayon. Doon ko pala nakuha 'yon, which explains a lot kung bakit no'ng nakita kong hawak 'yon ng homeless na babae ay gustung-gusto ko 'yong kunin. Kaya pala pamilyar 'yon.
"A-ano 'to? Para saan . . . 'tong taling nasa leeg ko!" my other self shouted again. Sinubukan pa niyang alisin 'yong kwentas dahil akala niya yata ay tali talaga 'yon.
Gosh, how did I even end up like that?
"You should always wear it. The necklace is our only connection. Kapag hindi mo 'yan sinuot, I won't be able to find you. Hindi ka makakabalik sa nakaraan. Hindi mo makikita si Jean," 'yon ang sagot ng lalaki sa 'kin kahapon. Pagkatapos ay muli na naman akong umiyak at nagwala.
"Narinig mo 'yon? That's rule number three on the list," he said and ruffled my hair. Naiirita ko siyang tinignan. "You'll know the rules later."
Pagkasabi niyon ay ibinalik na niya ako sa kasalukuyang panahon. Tulad ng palaging nangyayari sa tuwing nagpapalit ang oras, tumigil uli ang lahat sa paligid. Huminto ang lahat sa paggalaw, including my other body and his other body. Hanggang sa kalungin na ng dilim ang buong paligid. Kumurap ako. Pagdilat ko, nasa park na uli kami.
Tumingala ako sa langit at napansing gabi pa rin. Bakit gano'n? Hindi umandar ang oras sa kasalukuyan, kahit parang ang tagal naming nawala kanina. Pasimple kong sinulyapan ang wrist watch na suot ko, parehas pa rin talaga ang oras. Maging ang park ay wala ring pinagbago. Kung paano namin 'yon iniwan kanina, gano'n din namin 'yon nadatnan. It was as if, nangyari ang lahat sa loob lang ng isang segundo.
"I guess it's very much clear now. You had signed an agreement with a time traveler. Sa mga nakita mo kanina, I don't think may dahilan ka pa para hindi maniwala sa 'kin," he uttered in an utmost dreadful tone.
Hindi agad ako nakasagot. May parte pa rin talaga sa utak ko na ayaw tanggapin ang katotohanan. Oo, nakita ko na ang ebidensya. At tama siya, wala akong dahilan para hindi pa maniwala. Siya na mismo ang nagdala sa 'kin sa ibang timeline para mapatunayan 'yon. Na isa nga siyang time traveler at meron kaming napagkasunduan.
"Still, dapat idinaan mo sa maayos na usapan ang 'yong kasunduan," I spat. "Hindi 'yong lasing ang tao tapos doon mo kakausapin tungkol sa kasunduang 'yan."
"You're acting like this is a big deal." he replied with a smirk. "I don't think you realize how lucky you are, Agassi. Others would kill for this opportunity. Maraming tao dyan ang gustong bumalik sa past nila pero hindi nila magawa dahil gaya nga ng sinabi mo kanina, imposible. Pero ikaw, maswerte ka dahil nabigyan ka ng chance at naging posible 'yon sa 'yo. All these years you're asking nothing but for Jean to come back, dapat matuwa ka dahil anumang oras ay pwede mo na siyang makita at makasama."
Aish, bakit nga ba gano'n? Hindi ko maintindihan kung bakit dumating sa 'kin ang pagkakataong ito. Did I really bumped into this time-traveler-guy for a reason? Paraan ba ito ni Jean para iparating sa 'kin na gusto na niya uli akong makita? Ano ba kasi ito? Bakit nangyayari ang lahat nang ito?
"Tell me, kapag ba bumalik ako sa past tulad ng nasa kasunduan na 'yan, may mangyayari ba? Mabubuhay ba uli si Jean? Pwede ko bang mabago ang past at pati ang kasalukuyan kong buhay?"
This time, hindi siya nakasagot. Napapikit ako nang mariin, kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
"Hindi naman pala e," walang ganang sabi ko rito. "Kung gano'n, what's the point of going back? Wala rin namang magbabago. Makikita ko nga siya, pero masasaktan lang din ako dahil iisipin ko lang na mawawala uli siya."
Pagkatapos kong bitawan ang mga salitang 'yon ay nilampasan ko na siya para magtungo sa kabilang kalsada. Pero ilang hakbang pa lang ang layo ko mula rito ay muli itong nagsalita, dahilan para maestatwa ako sa kinatatayuan.
"May paraan para mabago mo ang past, Ara."
Mabilis akong humarap sa kanya. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tama ba ang narinig ko? May paraan para mabago ko ang past? Ibig sabihin, pwede ko na siyang makasama uli? Ibig sabihin, may chance din na makasama ko siya nang matagal?
"S-sinasabi mo bang pwedeng kong . . . mabawi ang mga nangyari?" bulalas ko sa desperadong tono. Kung tutuusin ay napaka-imposible niyon. Pero nagawa niya akong ibalik sa kahapon, bagay na napaka-imposible rin. Kaya baka nga, pwede 'yon.
"There will always be a way, if you just give yourself a chance."
May tumulong luha sa mata ko, marahil ay dahil sa tuwa. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sariling ngumingiti. Napayakap ako sa kanya nang mahigpit. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya naisipang yakapin samantalang kani-kanina lang ay sobra ang inis ko sa kanya, basta ang alam ko ay masaya ako. Masayang-masaya.
"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya sa sinabi mo," bulong ko sa tainga ni Jin.
BINABASA MO ANG
Second Chance Summer | NAMLEE FF
Fantasy↳ a NAM JOO HYUK fanfic Once upon a time, there was a girl who met a good guy, and she had no idea what she was accidentally throwing away until it was too late . . . until he was gone. Pero paano kung mabigyan siya ng second chance para balikan ang...