【a little talk】

288 7 11
                                    

There is always that one summer that changes you.

- -


"May paraan para mabago mo ang past, Ara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"May paraan para mabago mo ang past, Ara."


Sinabi ko ba talaga 'yon?


Pumikit ako nang mariin at dahan-dahang isinara ang libro. What did I just fvcking do? Bakit ko sinabi sa kanya na pwede niyang baguhin ang mga nangyari noon? Fvck, that thing's going to kill me kapag nalaman niyang kasinungalingan ang lahat ng 'yon. Sana hindi ko na lang binuklat at binasa ang libro ng mga memorya niya. Hindi sana ako na-guilty nang ganito. Desperado na kasi akong papayagin siya kanina, kaya hindi ko na nasuring mabuti kung tama pa ba ang mga pinaggagalaw ko.



May golden rule na sinusunod kaming mga time travelers; kapag ang isang bagay ay matagal nang nangyari, hindi na namin 'yon dapat baguhin. Ang pwede lang naming baguhin ay ang mga pangyayaring hindi pa gaanong nababahiran ng panahon. Ang sinumang time traveler na lumabag sa batas na 'yon na itinalaga ng mga nakatataas ay parurusahan nang matindi. Sa case kasi ni Ara, hindi ko na pwedeng baguhin ang mga nangyari. Jean died a long time ago. Anim na taon na ang nakalipas. Kaya kahit gaano pa kalaki ang baguhin ni Ara sa nakaraan, hindi pa rin nito mababago ang katotohanang patay na si Jean.




Isang napakalaking kasinungalingan ang sinabi ko sa kanya sa tulay.



Ang pakay kasi ng misyon kong ito ay hindi para baguhin ang nakaraan ni Ara, kundi tulungan itong matanggap ang mga nangyari sa pamamagitan ng pagpapatawad sa mga nagkasala sa kanya at pagpapatawad sa kanyang sarili, gaya rin ng pakay ng karamihan sa mga time travelers na nabigyan ng ganitong misyon. Ibabalik ko siya sa panahon kung kailan naganap ang trahedya upang bigyan siya ng tsansa at oras na muling makasama si Jean at baguhin ang mga nagawa niyang mali noon no'ng nabubuhay pa ito. 'Yon din ay para hayaan siyang makapag-isip. Sa gano'ng paraan, mababawasan ang sakit at guilt na matagal na niyang iniinda. And then gradually, ay makakaya na rin niyang bitawan at iwanan ang mga memoryang 'yon sa nakaraan.


"HYUUUUUUUUNG!" biglang sigaw ng isang pamilyar na boses.


It sounded like that Louis kid, kaya nagtago agad ako sa librong hawak ko. Itinutok ko ang libro sa mukha ko para iparating sa kanya ang mensahe ko—HUWAG NIYA AKONG ISTORBOHIN. Pero mukhang hindi na-process ng utak niya ang mensaheng 'yon.


"HYUUUUUUUUNG! NOTICE ME, HYUUUUUUUUNG!"


Tangina, ang ingay!


"Louis," ngiting-ngiti naman siya habang nakatingin sa 'kin. I don't know but he's acting really fvcking weird right now.


Second Chance Summer | NAMLEE FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon