【the mysterious lumberman】

106 2 1
                                    

I may not always be there with you, but I will always be there for you.

- -


"Shit!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Shit!"

Kasabay no'n ay narinig namin ang pagbagsak ng dalawang mabigat na bagay mula sa labas.

Sinilip ng mga hayop kung ano 'yon. Dali-dali rin akong sumilip.

"Ano 'yon?"

"Puno, p're. Biglang nalaglag. Sabay pa. Parang sinadyang harangan ang daan natin."

Pakiramdam ko no'ng sandaling 'yon, tumalon ang puso ko sa tuwa. Sa wakas, kumilos na si Jin. Katunayan nga'y nakatayo ito sa gitna ng dalawang puno na natumba. Sinadya niyang patumbahin ang mga 'yon.

Nice move, I thought. Ngunit agad ko ring ibinalik sa pagkabusangot ang mukha. Hinayupak na 'yon. Ba't ngayon lang niya naisipang kumilos?

"Hindi, may tao e! Ayon oh, may mangangahoy!"

Naningkit ang mata nilang lahat. "Oo nga," sabay-sabay nilang sabi.

"Gabing-gabi, nagpuputol pa ng puno 'to."

"Something's wrong. Nag-iisa lang siya. Imposible namang magisa lang niyang pinutol lahat 'yan."

I smirked. Bumaba kaya kayo. Tignan ko lang kung hindi kayo paliparin ng mangangahoy na 'yan.

Sakto, bumaba nga ang lider. Nagsama siya ng tatlong backup. Naiwan ako. Pero siyempre, may natira sa loob para magbantay sa 'kin. Umirap na lang ako at pinagmasdan ang sunod na mangyayari.

Nakita kong lumapit ang matabang lider kay Jin. Binalaan niya ito pero nang makitang walang reaksyon si Jin ay umamba ito ng suntok. Agad namang umaksyon ang mga kamay ni Jin at hinuli 'yon. Right on the dot, nakita kong tumilapon hindi lang ang lider, kundi silang lahat sa harap namin. Ang isa pa'y tumama sa front window, dahilan para mabasag ang buong salamin at mabulabog ang mga kasama ko sa loob.

"What the fvck—Did he just . . . WHAT THE ACTUAL FVCK?!" Takang-taka ang mga ungas.

Sa labas, nakita kong bumangon at lumaban uli ang mga lalaki. Pero wala talaga silang laban sa angking lakas ni Jin, tumatalsik lang ang mga katawan nila sa kung saan-saang direksyon. Hinahabol nila ito para makaiskor ng suntok pero hindi nila magawa dahil mayamayang nagte-teleport si Jin. Habang nagte-teleport pa siya ay may inira-radiate na blue-black aura ang katawan niya. 'Yon yata ang nagsisilbing lakas at enerhiya niya.

Aaminin ko, ang cool ni Jin. Lalong lumalabas ang charisma niya 'pag nakikipag-away. Weird, pero totoo.

Ilang segundo pa'y tumahimik na ang paligid. Prenteng lumapit si Jin sa 'min matapos panaluhin ang laban. Nanginginig na bumitaw naman ang mga nakabantay sa 'kin. 'Yong isa, dali-daling ini-lock ang pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second Chance Summer | NAMLEE FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon