Chapter 10

1.5K 16 20
                                    

Hi guys! i'm back! Sorry kung medyo natagalan, medyo maraming trabaho eh. Here's another chapter. Sana magustuhan niyo. Medyo sabaw tong update na to, lutang pa kasi ako eh. 

Enjoy reading guys! :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

The next few days have been normal. Wala namang nagbago sa set-up nina Shin, except for the fact na everyday nang tumatawag si Ian sa kanya. Kinakamusta nito si Raffy, minsan naman nagrerequest ito na marinig ang boses ng bata. Hindi pa ito dumadalaw sa bahay nila, hindi pa din kasi pumapayag si Shin. Kailangan niya munang sabihin ang totoo sa pamilya niya bago hayaang dumalaw si Ian.

Samantalang si Ian naman ay naging pursigido at inspirado sa kanyang trabaho. He has always been responsible when it comes to money and finances, but now he has become even more responsible. Alam niyang meron na siyang karagdagang responsibilidad and he is determined to give Raffy the best of what he has. Babawi siya sa apat na taong wala siya sa tabi ng anak niya. Iniisip pa niya kung paano niya gagawin yun.

Isa pa sa mga iniisip niya ay kung paano sasabihin kay Carla ang sitwasyon. He has decided to postpone his proposal. Magfofocus muna siya kay Raffy. At ayaw niya ring maging unfair kay Carla. Gusto niyang malaman muna ng girlfriend niya ang totoo, bago siya magpropose dito. That way ay may choice ito kung tatanggapin ba siya nito, inspite of his situation. He also wants to clear things out with her. Hindi niya nakakalimutan ang ginawa nito noon. Kung totoo mang nagtext talaga si Shin sa kanya, wala ng ibang pwedeng sumagot doon kundi si Carla. He trusts her kaya hindi niya maisip na magagawa niya yun.

Pero dahil naging busy din si Carla, hindi pa sila nakakapag-usap.  Nagpaalam ito na mananatili muna sa Singapore ng ilang buwan upang alagaan ang mama nito na kamakailan lang ay nadiagnose at naoperahan because of breast cancer. Hindi naman ito pinigiln ni Ian. Pamilya yun eh. Kaya habang wala si Carla ay mas naging focus muna si Ian sa trabaho at kay Shin at Raffy.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Shin, Erik and Sarah are in a café in SM Aura, catching up.

“Kumusta naman ate?”---Sarah

“Okay naman kami Sars. So far, so good. Kahit medyo nagiging makulit na si Raffy. Naiimpluwensyahan na ata ng mga kapatid ko.”

“Ganyan talaga yan Shin. Lumalaki na eh. Madami ng matututunan yan. Mabuti na rin yan, at least he has many people around him. Kung kayo lang dalawa ni Ara ang kasama niya hanggang ngayon, baka maging iba ang personality nyang anak mo.”

“Paanong magiging iba Bes? Ha?” Pinipigilang matawa ni Shin.

“Eh, alam mo na ang ibig kong sabihin! Dalawang babae kayong lagi niyang kasama. Baka maging malamya yang anak mo pag nagkataon!”

“Hahahahaha! Malamya talaga, Erik? Di nalang diniretso! Oo nga naman ate, baka naging bakla si Raffy kung hindi mo inuwi dito.”

“Hahaha! Bakla? Nako hindi naman ako papayag no! Ang gwapo kaya kaya ng anak  ko! Sayang! Hahahaha!”

“Oo nga naman Bes. Ang gwapo ni Raffy. Mana sa tatay diba?”

“Che! Sakin kaya nagmana yun! Gwapo ba ang tatay nun? Parang hindi naman ata!”

“Asus! Ayaw pang aminin eh.  Tatawa tawa ka ngayon ha? Samantalang dati-rati, gwapong gwapo ka sa tatay nun, kahit sobrang payatot!”

Shin can’t help but blush. “Sira ka talaga Bes!”

Truths and Consequences (ShinIan Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon