Chapter 11 (continuation).

1.1K 13 6
                                    

“Shin? Napadalaw ka?” Nagtatakang tanong si Jordan.

Siya ang nagbukas ng pinto nang marinig nilang may kumakatok.

“Dan? Bakit ka nandito?” Kinakabahang tanong ni Shin.

“Ah eh, papaalala ko lang sayo no, kapatid po ako ng may-ari ng bahay na to.”

“Ha? Ah oo nga pala. Pa-pasensya na.”

“Haha. Teka, bakit ba mukhang kabado ka? Tara sa loob, andun sina Mommy. Miss ka na nun.”

“Ha?!! Andito din si Ti-Tita?”

“Oh bat ba gulat na gulat ka? Bawal na ba kami sa lugar na to?”

“Ha? Ah, no wa-wala to. Nagulat lang.”

“Haha, ikaw talaga. Tara, pasok. Maraming bisita si Ian ngayon ah.”

Nauna nang pumunta sa kusina si Jordan samantalang nagtatalo pa ang isip ni Shin kung tuluyan ba itong papasok o hindi.

“Sinong dumating Dan?” Mommy Jo.

“Naku ma, uso yata ang bisitahan ngayon. Daming bisita ni Kuya. Matutuwa po kayo. Si Shin po andyan.”

Erik and Ian just looked at each other. Wala na silang magagawa, naunahan sila ni Jordan kanina sa pagtakbo sa pinto.

“Si Shin? Hala sorry anak, reunion niyo ba dapat ngayon? Mukhang nakaistorbo pa kami ah. Pero mabuti na rin, makikita ko ulit si Shin. Miss ko na ang batang yun. Asan siya?”

“Shin? Dito sa kusina, andito kami lahat.” Sigaw ni Jordan.

“Shin? Mum’s already here? Mum? Mum?” Dali daling tumalon si Raffy mula sa upuan at tumakbo papuntang sala.

Nagkatinginan naman ang mga naiwan.

Mayamaya pa ay dumating na sa kusina si Shin na karga karga si Raffy.

“Shin? Anak mo si Raffy?” Jordan.

“Shin? May anak ka na? Kailan pa?” Mommy Jo.

“Shin? Si Raffy anak mo? Kinasal ka na?” Daddy Ebert.

“Ano ba kayo. Dami niyong tanong. Paupuin kaya muna natin si Shin. Halika Shin, sit beside Raffy.” Ian.

Shin gave him a what-is-happening-here look. Ian just gestured we’ll-talk-later.

Kakaupo palang ni Shin opposite Erik ng biglang magsalita si Raffy.

“Lola Jo, Lolo Ebert, Tito Dan, I wan’t you to meet my very beautiful mum. Rachelle Ann Go. Mum, say Hi to Lola Jo, Lolo Ebert and Tito Dan. They’re Tito Ian’s family.”

“Yes babe. I know them. Hi everyone!” Shin just gave a very awkward smile.

“You know them? How come?” Raffy.

“Tito Ian and I are friends, remember?”

“Haha, yes baby. We’ve met your mum before because she and your Tito Ian were FRIENDS.” Said Jordan na may nakakalokong ngiti and giving emphasis on the word friends.

“Ay, friends lang ba yun? Bakit iba yata ang alam ko?” piped in Daddy Ebert at tumawa.

“Dad!” Ian.

“Haha, push natin yan Tito. Bakit nga naman tayo magsisinungaling sa bata diba? Hahaha!” Pakikisakay ni Erik.

Pinandilatan naman ito ni Shin. Nag-peace sign lang ito.

“Friends naman kasi talaga sila dati. Sweet friends. Diba Shin?” Jordan sabay taas baba ng kilay.

Pulang pula naman si Shin na hindi alam kung paano dapat magreact.

Truths and Consequences (ShinIan Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon