Chapter 12.

1.2K 14 11
                                    

Hi guys! Ayan itotodo ko na to. Last update for this week. Kung kelan ginanahan magsulat, saka napag-utusan. Baka matagalan bago ako mag-update uli, will be flying to Dubai tomorrow for work. Urrggg, Dubai. The feels. Haha. Sana magustuhan niyo to. Keep your comments and votes coming. Have a good week! Ciao!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Saturday...

“Wow! You look great!”

“Malamang! Alangan namang pumunta ako dito na mukhang gusgusin no?”

“Haha, ikaw talaga. Where’s Raffy?”

“Na kay Erik, susunod na yun, nagpark lang.”

“Di ka naman excited pumasok niyan? Oi, aminin mo.”

“Oo eh. Namiss kasi kita, sobra.” Shin with a serious face.

“H-ha?”

“Hahaha! Kung nakita mo lang mukha mo Ian! Para kang ewan! Hahaha! Syempre nagjojoke ako. Nauna na ako sa kanila, alangan namang hintayin ko pa sila, nagpapark na nga diba? Loko to. Hahaha!”

“Shin naman eh. Wag mo kasi akong ginaganyan! Aasa ako neto! Hahaha!”

“Sira. Tumigil ka nga Ian, alam kong gumaganti ka. Hindi uubra.” Napakamot nalang ng ulo si Ian.

“Tito Ian!” Sigaw ni Raffy. Palapit sila ni Erik sa dalawa.

“Baby! Come here. I missed you little boy!” Kinarga ni Ian si Raffy.

“I missed you too Tito.”

“Let’s go inside. They’re waiting for you.”

Pumasok na ang tatlo sa loob ng bahay.

“Lolo Ebert! Lola Jo! I missed you!” Sigaw ni Raffy sabay takbo sa dalawa.

“Oh my God baby! You’re here! We missed you too!” at pinupog na ng halik ng mag-asawa ang bata.

“Good evening po Tito, Tita. Happy birthday Lola Ana!” Shin kissed the couple and went straight kay Lola Ana upang iaabot ang regalo nito.

“Thank you for coming apo. Namiss kita. Porket nagkahiwalay na kayo ni Ian, hindi ka na nagagawi dito.”

“Sorry po Lola. Medyo naging busy lang po ako noon. At tsaka nagLondon po ako eh.”

“Oo nga pala. International artist ka na pala. Namiss talaga kitang bata ka. Buti naman napunta ka dito. At sino naman itong batang kasama mo?”

“Ahh, si Raffy po Lola. Anak ko po.”

“Anak mo? Nag-asawa ka na pala iha? Paano ba yan. Wala na pala kayong pag-asa ni Ian?” Nalungkot bigla si Lola Ana.

“Lola naman.” Ian.

“Oh, eh bakit Ian? Masama bang umasang kayo nitong si Shin ang magkakatuluyan sa huli? Anong mali dun, aber?”

“Lola. Matagal na po kaming wala ni Ian diba?”

“Tsss.  Kasi naman kayo eh. Kung makaasta kayo noon, inlove na inlove sa isa’t isa. Parang hindi na magkakagusto sa iba. Yan tuloy, pinaasa niyo ako ng husto. Masakit kaya umasa.”

“Hahaha! Palabiro ka talaga Lola. Kaya love kita eh.”

“Sus, kung love mo ako, dapat sa apo ko ikaw nagpakasal! Sa iba ka pa nagpatali.”

“Si Lola talaga. Hindi pa po ako nakatali ‘La.”

“Ano? Sabagay, uso na ngayon ang live-in. Lalo na si ibang bansa. Pero dapat magpakasal pa rin kayo! Sagrado yun!”

Truths and Consequences (ShinIan Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon