Chapter 1

5.1K 51 1
                                    

Clara Pov.

"Clara mamaya matulog ka na ha,gabi na"sabi ni Nanay.
"Opo"sagot ko.

"Napakaganda niya,anong pangalan niya?"tanong ng nagpaanak sa reyna.
"Amara Celestial"

"Ang ganda naman ng pangalan niya"

Nakangiti ang reyna,ang saya niya dahil nagkaroon na sila ng anak isang napakagandang anak.Matagal na nilang gusto magkaroon ng anak at ngayon natupad na ang pangarap nila.

"Napakaganda niya,Reyna Amia"sabi ng nanay niya.
"Maraming salamat ina"

Lumaki na nga si Amara lagi siyang may kasamang butterfly iba't ibang kulay ngunit ang lagi niyang kasama ay isang black butterfly.Siya kasi ang magiging prinsesa ng mga butterfly kapag 18 years old na siya.

"Amara anak"tawag ng reyna.

"Bakit po?"

"Pumasok ka na dito sa loob,diba sinabi ko sayo na huwag kang lalabas kapag wala kang kasama"sabi ng reyna sa kanya.

"Kasama ko naman po siya"sabi niya sabay turo sa black butterfly.

"Kahit na Amara isa lang siyang butterfly hindi ka niya maliligtas sa masamang tao"sabi ng reyna,malungkot na tumango si Amara sa nanay niya.Gustong gusto kasi niya sa labas dahil mahangin at tahimik.

"Reyna Amia lumalaki na si Amara mas lalo nyong kailangan na bantayan siya."

"Alam ko po ina"sabi ng reyna sa kanyang ina.

Si Amara Celestial ay ang magiging prinsesa ng mga butterfly,at kapag 18 na siya magkakaroon siya ng kapangyarihan na bigay ni Prince Clark ang Prinsipe ng mga butterfly.Malakas ang kapagyarihan ni Prince Clark lahat ng gusto niya nakukuha niya.
Si Queen Amia at Si Haring Gio hindi sila magkaroon ng anak kaya pinuntahan nila si Prince Clark nakiusap sila na bigyan sila ng anak dahil nga malakas si Prince Clark tinupad niya ang gusto ng dalawa,nagkaroon sila ng anak at iyun nga si Amara.

Ngunit bawal umibig si Amara at kapag tinanggal ang crown niya maaari siyang mamatay o manghina,iyun kasi ang naging kasunduan nila tatlo.Bibigyan sila ng anak ngunit bawal naman umibig si Amara.Kaya todo bantay sila kay Amara.

Paulit ulit ko itong binabasa dahil naniniwala ako na totoo si princess Amara,hindi na naituloy ang storya dahil namatay na ang nagsulat.Gustong gusto ko siyang basahin at malaman ang kasunod kaso wala na.

"Clara matulog ka na,binabasa mo na naman iyan"sabi ni Nanay.
"Nay,ang ganda po kasi ng storya sayang nga po dahil walang kasunod"malungkot na sabi ko.

"Matulog ka na Clara"

***

After 2 years...

"Clara anak kumain ka muna"

"Mamaya na po nanay,babantayan ko po siya"sabi ko.Ilan taon na ba siyang tulog,ilan taon narin akong nagbabantay sa kanya.
Nakita ko siya sa kakahuyan na walang malay kaya inuwi ko siya sa amin.Hanggang ngayon hindi parin siya gumigising.

Hindi ko rin alam ang pangalan niya,lagi ko siyang binabantayan hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng loob ko sa kanya.Napakaganda rin niya.Nung una ko nga siyang makita nakagown siya.

"Gigising pa kaya siya?"napatingin ako kay Nanay.
"Naniniwala po ako na gigising siya"sambit ko.

"Clara anak may sakit ka,kumain ka na.Dapat nga nagpapahinga ka"muli ko na naman naalala ang sakit ko,may cancer ako at kunti nalang daw ang buhay ko.

"Nay okay lang po ako.Gusto ko bago ako mawala makita ko siyang gising na"malungkot na sabi ko.
"Mamaya na po ako kakain."sabi ko ulit,tumango nalang si Nanay at umalis na.

"Kailan ka ba gigising?"tanong ko sa kanya kahit na alam ko na hindi siya sasagot.
"Alam mo malapit na kong mawala marami pa akong gustong gawin...puntahan pero hindi ko na magagawa dahil mahina na ako.Pero ikaw may buhay ka pa kaya gumising ka na dyan para marami ka pang magawa"sabi ko.

Tumulo na ang mga luha ko kapag naiisip ko na mawawala na ako parang dinudurog ang puso ko,ayoko pang mawala gusto ko pang samahan si nanay dahil kapag nawala ako siya nalang magisa.Matagal na kasing wala si Tatay.Kaya alam ko na sobrang malulungkot si Nanay kapag nawala na ako.

Sobra na akong nanghina parang hindi ko na kaya."Please gumising ka na.Batayan mo si Nanay,nararamdaman ko na mawawala na ako.Ikaw na ang bahala sa kanya"tinignan ko siya,napakaganda talaga niya.

"Goodbye"pinikit ko na ang mga mata ko.

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon