Chapter 20

411 9 0
                                    

Amara Pov.

"Amara..calm down.Ako ito si Blaze"sigaw niya.Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.Tinignan niya ako sa mga mata ko kaya tumingin din ako sa mga mata niya.Bakit parang kilala ko siya?

"Ako ito si Blaze..."mahinang sabi niya at unting unti na nagbago ang kulay ng mata ko bumalik na ito sa dati.Niyakap ko agad siya.

"I'm sorry...sorry Blaze"sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko.

"Shh.okay lang,naiintindihan kita.Tahan na,Amara"

****

"Amara pwede bang pakuha yung salamin ko sa garden,naiwan ko kasi doon"sabi ni Aling Wendy.

"Sige po.Sandali lang"sambit ko.

Maliit lang ang garden ni Aling Wendy,may kaunti lang halaman ang nakatanim at kaunting puno.Hinanap ko na ang salamin niya hindi ko makita.May napansin akong isang pintuan na halatang luma na,lumapit ako doon at unti unting binuksan iyun.

Medyo madilim sa lugar na ito parang may kakaiba.Nakakatakot,anong meron dito?
Patuloy lang ako sa paglakad medyo malayo na ako sa pinto kung saan ako dumaan.Hanggang sa nakarating ako sa gubat.Hinawi ko ang mga dahon na nakaharang sa daan.

"Ang ganda"napakaganda dito may falls na sobrang taas,may ilog na sobrong linaw at bundok na napakaganda.Napakatahimik ang lakas ng hangin ang sarap sa pakiramdam.
Tuluyan na akong pumasok sa loob at nagulat ako dahil biglang nagbago ako suot ko naging dress ito.
Nasan ba ako?

"Amara"tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Aling Wendy.
"Aling Wendy"

"Bakit nandito ka?umalis ka na dito"sigaw niya.Napakaseryoso niya.
"Pero Aling Wendy"

"Amara...ngayon na nakita mo na siguro dapat sabihin ko na ang totoo sayo.Hindi ako normal na tao,may kapangyarihan ako."nagulat ako sa sinabi niya.

"Aling Wendy...bakit nandito kayo sa mundo ng tao.At saan ba talaga kayo galing?"tanong ko sa kanya.

"Umalis ako sa mundo namin dahil umibig ako sa isang tao.Sa Laurin ako galing"mas lalo akong nagulat ng malaman ko kung saan talaga siya galing.

"Laurin?sa mundo ng Laurin.Aling wendy hindi rin po ako normal.Sa laurin din po ako galing,ina ko si Queen Amia"nagulat din siya sa sinabi ko.

"Isa kang prinsesa?"

"Opo.Magkakampi po tayo"sabi ko sa kanya.
"Pero bakit nandito ka?"tanong niya.

"Hindi ko rin po alam."sagot ko.

"Dito...dito ka rin nakuha ni Clara"

Prince Clark Pov.

Ngayon na alam ko na ako ang tunay na ama ni Amara.Gumagawa na ako ng paraan para makauwi na siya dito sa mundo namin para makasama ko na siya.Tumingin ako sa balon kung saan siya nalaglag.

"Kasalanan ko ito"sabi ko sa sarili ko.

Flashback...

Nasa kaharian ako ngayon nila Amia nakatingin sa bintana ng kwarto niya,hanggang ngayon nasasaktan parin ako.Nakita ko ang anak niya na si Amara sinundan ko ito,ang laki na ng anak niya...dalaga na.

"Amara"sigaw ko tumingin naman siya sa akin.
"Bakit po?sino po kayo?"tanong niya.

Lumapit ako sa kanya at napansin ko na may balon sa likod niya.Kapag nahulog ka roon mapupunta ka sa mundo ng mga tao.Hindi ko alam pero tinulak ko siya roon,siguro dahil nagagalit ako kay Amia.

"Ahhh...tulong!!"sigaw niya.

End Of Flashback.

"Patawarin mo ako anak"mahinang sabi ko.

"Gagawa agad ako ng paraan,para makabalik ka na dito.Pangako Everly"

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon