Chapter 25

417 6 0
                                    

Belle Pov.

Pinapanood ko si Amara sa magic water,nagtataka ako kung bakit ayaw lumabas ng kapangyarihan niya.Nasasaktan na siya.Agad kong tinawag si Queen Amia.

"Puntahan mo si Prince Clark"sabi niya sa akin kaya agad akong umalis.

"Prince Clark ang anak nyo"sabi ko at pinakita ang nangyayari kay Amara.
"Ang sama nila."
Sigaw niya halatang nasasaktan siya at galit na galit na siya.

"Bakit ayaw lumabas ng kapangyarihan niya?"tanong ko.

"Nanghihina siya.Masyado ng madaming dugo ang lumalabas sa katawan niya,hindi kakayanin ng katawan niya na pagpalabas ng kapangyarihan."

"Anong gagawin natin,Prince Clark"

"Sandali may pupuntahan ako"sabi niya at umalis na.

Amara Pov.

Patuloy lang silang lahat sa ginagawa nila,hinang hina na ako hindi ko na kaya.Pinipilit ko ng lumabas ang kapangyarihan ko pero wala parin.

"Ano ba yun ang hina nyo naman"sabi ni Lea lumapit na sila dito sa amin at nagulat ako dahil nagbago ang itsura niya hindi rin siya normal,kaya pala may kakaiba din sa kanya.

"Ahhhhh"muling sigaw ko,tumingin ako sa itaas at nakita si black.
"Black..."mahinang sabi ko.

Biglang bumuwal yung babae baka naglalabas ng magic si black,nakita ko rin na tumakbo na papunta dito sila Renz may dala silang patpat.At naglalabanan na sila,pinikit ko ang mga mata ko nanlalabo na ang paningin ko.Ang huli kong nakita dumating din si Jake may dalang baril.

Belle Pov.

Habang nakapikit at nanghihina si Amara sinubukan na ni Price Clark na bigyan siya ng lakas at pagaling ang sugat niya.Lumabas kaming dalawa sa mundo namin,gusto pa ngang sumama ni Queen Amia kaso bawal siya.

"Tapos na tara na.Maya-maya lang gigising na siya"tumango ako kay Prince Clark at tumango umalis na kaming dalawa.

"Okay na Amia"sabi ni Prince Clark kay Queen Amia.

"Salamat,Clark"

Pinanood namin si Princess Amara sa magic water.Biglang lumiwanag ibig sabihin okay na siya.Patuloy parin ang lahat sa paglalabanan kaya hindi nila iyun nakita.Tumayo si Princess Amara at nagiba na ang kulay ng mga mata niya galit na siya.

Bigla siyang nagpalabas ng apoy at ang sumunod naman ay water.Iba iba ang kanyang pinalabas kaya lahat ng kalaban niya nanghina at yung iba naglaho nalang bigla.

"Napatay niya ang iba kaso yung iba naman nakatakas,Pati si Clie nakatakas"sabi ko.

Amara Pov.

"Amara...amara gising"

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko si Blaze tumayo ako at niyakap siya.

"Tapos na...Tapos na Amara,okay na."sabi niya.

"Si Lea napatay ko ba siya?"tanong ko.

"Hindi naman alam kusa nalang siyang nawala"sabi ni Renz,niyakap ko silang lahat.

"Gagamutin ko ang sugat ninyo"tinapat ko ang kamay ko sa mga sugat nila.At gumaling na iyun.
"Salamat,Amara"sabi nila ngumiti ako sa kanila.

"Tara na uwi na tayo,pagod na ako"tumango nalang sila sa sinabi ko.

"Amara saan ka ba galing,kanina pa kita hinahanap"sabi ni Aling Wendy halatang nagaalala siya.
"Sorry po Aling Wendy.Kasama ko po yung mga kaibigan ko,huwag na po kayong magalala.Sige po pasok na po ako sa kwarto ko pagod na po kasi ako"sabi ko niyakap ko siya at pumasok na sa kwarto ko.

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon