Chapter 35

428 7 0
                                    

Amara/Celestial Pov.

Lahat sila lumabas na at yung iba naman kinukuha pa ang mga espada nila.Pumunta na ako sa kwarto ko.

"Anak ikaw ang huling lalaban"sabi ni Tatay,tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Queen Amia,Prince Clark may nakapasok po sa castle"sabi ni Belle.
"Sige lalabas na ako,Belle sabihin mo kay George huwag mo na siyang susugod,dito muna kamo siya"sabi ni Tatay tumango naman si Belle at lumabas na.Niyakap muna namin si Tatay bago siya lumabas.

"Celestial kailangan ko narin tumulong"sabi ni Mommy.

"Magiingat po kayo"sambit ko niyakap ko siya.

Pinanood ko lang sila habang naglalaban,kinakabahan ako at natatakot baka hindi kami manalo.Pero gagawin ko ang lahat para manalo kami,sana nga mabawi na namin ang mundo namin.

Nakita ko na nasugatan si Black at ang ibang paro-paro ay namatay na,parang nasaktan ako sa nakita ko kaya naisipan kong lumabas na para tulungan sila.Tumakbo ako papalabas sa kwarto ko.

"Princess Celestial mamaya ka pa lalabas!"sigaw ni Janella pero hindi ko siya pinansin,nagpatuloy lang ako sa pagtakbo ko hanggang sa nakalabas na ako.

Nagulat ako dahil may tumama sa akin,tinignan ko ang balikat ko may sugat ito.
"Princess Celestial,nice to meet you.Sa wakas nakita na kita"sabi ng babae.Kulay pula ang buhok niya at matangkad siya,ang mga mata rin niya ay kulay pula.

"Who are you?"tanong ko sa kanya ngumisi siya at tinutok ang hawak niyang espada sa akin.
"I'm Princess Werlimma Bernardo"sabi niya.

"Tatay mo si Haring Mike?"tanong ko tumango naman siya.Sila ang mga kalaban namin na kumuha ng kaharian namin.
Nilabas ko rin ang aking espada at tinutok ito sa kanya.
"Bakit ayaw mong gamitin ang kapangyarihan mo?"tanong niya.Umikot siya sa akin.

"Gusto kong makipaglaban ng patas!"sabi ko.

"Okay...!"
Naglaban na nga kami tumama sa binti ko ang espada niya pero hindi naman ito bumaon.
"Everly!"dumating si Tatay at ginamitan niya ng kapangyarihan si Werlimma.

"Ahhhh!"sigaw niya dahil nasunog ang kanyang buhok tumakbo ito papalayo sa amin.Pero bago siya makalayo nagpalabas din siya ng kapangyarihan pero nakaiwas naman kami.

"Bakit lumabas ka,malakas din ang kakalabanin mo mamaya!"sabi niya.

"Tay,gusto ko silang tulungan.Marami nang namamatay"sabi ko.

"Oo alam ko anak.Pero kailangan mong maghanda mabuti,kami na bahala dito"sigaw niya at hinawakan na ako sa braso ko tumakbo kami papasok sa castle pero biglang lumabas si Daddy.

"Bitawan mo siya"sabi niya kay Tatay tinutok niya ang kamay niya na may apoy.

"Gio hindi mo siya anak.Hindi ko siya bibigay sayo"sabi ni Tatay,hinigpitan niya ang hawak niya sa akin.
"Amara kapag hindi ka lumapit sa akin papatayin ko ang tatay mo!nakikita mo ito diba"sabi ni Daddy.Tumingin ako kay Tatay.

"Everly!"

Bumitaw ako sa kanya at lumapit kay Daddy,hinawakan niya ang braso ko sobrang higpit.At bigla nalang kami nawala.

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon