Chapter 10

579 12 0
                                    

Amara Pov.

Narinig kong tumunog na ang alarm clock ko pero hindi parin ako dumidilat dahil inaantok pa ako,at tsaka umuulan pa ang sarap matulog.

"Mara"sabi ni Aling Wendy habang kumakatok.Tumayo na ako at binuksan ang pintuan.
"Bakit po?"tanong ko.

"Wala kang pasok ngayon,nakinig na ako sa radyo"sabi niya.

"Okay po.Salamat"

Sinarado ko na ulit ang pinto at naupo sa kama ko,may nagtext sa akin at nang tignan ko ito si Mam Lea,binigyan kasi ako ng phone ni Aling Wendy.

From:Mam Lea

Hi,Amara walang pasok ngayon.Sorry pala sa ginawa ko sayo kahapon,kailangan kasi talaga.Lahat naman ng kaklase mo ginawa ko rin iyun.Sana maintindihan mo sorry talaga.

Naiintindihan ko naman siya,ewan ko lang kung bakit niya iyun ginawa sa akin...sa amin,sana lang hindi niya nakita ang pagiba ng kulay ng mga mata ko.Nagtext din sa akin sila Xlake na walang pasok.

"Kumain ka na Mara"sabi ni Aling Wendy kakatapos lang niyang kumain at nagaayos siya ngayon ng mga paninda niya.
"Saan po kayo pupunta?"tanong ko.

"Magtitinda ako Mara,wala naman ng ulan"

"Aling Wendy sa susunod nalang po kayo magtinda baka po kasi mamaya umulan na naman.Dito nalang po muna kayo"sambit ko.

"Mara kailangan ko talagang magtinda.May katulong naman ako,kaya ko na ang sarili ko.Magiingat ka dito"

"Sige po,maiingat din po kayo.Maaga nalang po kayong umuwi"

Pagkatapos kong kumain nagligpit na ako at sandaling naglinis sa bahay para naman may maitulong ako kahit papano.

Kinabukasan ay maaga akong gumising may pasok na kami ngayon.Pumunta na agad ako sa classroom namin at tumabi ako kay Renz hanggang ngayon wala parin si Blaze malapit ng magbell.

"Renz hindi ba papasok si Blaze?"tanong ko.

"Hmm...baka late lang siya,Amara doon muna ako sa tabi ni Axel ha kakausapin ko lang siya"tumango nalang ako sa kanya kaya pumunta na siya sa tabi ni Axel.Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila.

"Tara na Amara"yaya sa akin ni Joshua lunch na kasi namin sila Renz kasi pinatawag sila sa office kaya kami lang ang naiwan.Tumayo na ako at sumunod sa kanya.

"Nakakatakot naman sa Cr,ang daming nasira"

"Oo nga eh.Kung tao ang gumawa yun eh baka namatay na siya.Grabe"

Habang papunta kami sa canteen ang daming nagbubulungan napayuko nalang ako dahil alam na yung pinaguusapan nila.Ang dami ko kasing nasira sa cr eh,hindi iyun magagawa ng isang tao.

"Hey"tumingala ako at tinignan si Joshua.
"Bakit?"

"May problema ba?bakit parang ang lungkot mo?"tanong niya sa akin,umiling nalang ako at binilisan ang paglalakad ko.

"Hi Amara"sabi sa akin nila Harold naghi din ako sa kanila at kumain na.

"Guys sorry talaga sa ginawa ko sa inyo kahapon.Lalo na sayo Amara I'm sorry"sabi ni Mam Lea kakadating lang niya.

"Okay lang Lea"

Uwian na namin,habang naglalakad ako may tumawag sa akin si Renz.
"Punta tayo sa ice-cream shop"
sabi niya.

"May problema ka,Mara alam ko"inakbayan na niya ako at hinila na.Kilala na talaga niya ako.

"Ito may dala akong springkles"pinakita niya sa akin ang springkles at binigay sa akin.Napangiti ako at nilagay na ang springkles sa ice-cream ko at agad itong kinain.

"Buti naman ngumingiti ka na"sabi ni Renz.
"Salamat pala Renz sa ice-cream at springkles"masayang sabi ko sa kanya.Pagkatapos namin kumain hinatid na niya ako hindi na siya pumasok sa loob.

Hindi pa ako makatulog kaya tumingin nalang ako sa bintana ko,napatingin ako sa pwesto lagi nung lalaki wala siya ngayon ewan ko pero nalungkot ako.Parang nasanay na ako na lagi siyang nandoon tuwing titingin ako sa labas ng bintana ko.

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon