Chapter 39

1.1K 16 2
                                    

2 months later....

Ang lahat ay busy sa paghahanda sa palasyo,maganda ang ayos ng palasyo dahil ngayon palang nila ipagdidiriwang ang kanilang pagkapanalo.Kanya-kanya sila ng ginagawa, may nagluluto,may naghihiwa at may nagaayos ng mga bulaklak sa buong paligid.

"Joshua saan na ang mga pulang rosas?"tanong ni Yaniez na kanina pa natataranta.

"Binigay ko na kay Belle, siya na raw ang bahala"sagot naman ni Joshua na natatawa pa dahil sa itsura ni Yaniez.

"Bakit ba natatawa ka,ha??!""masungit na sabi ni Yaniez habang nakataas ang isang kilay.
"Wala"sagot naman ni Joshua at tumigil na sa pagtawa.

"Bahala ka nga dyan!"sabi ni Yaniez at umalis na.Pinagpatuloy nalang ni Joshua ang ginagawa niya at napailing pa dahil sa kanya lang masungit si Yaniez.

Maya-maya lang ay dumating na sila Prince Clark at Queen Amia na may ngiti sa labi, nabigay galang naman ang lahat sa kanilang dalawa.Masakit parin para sa kanilang dalawa ang pagkawala ng kanilang anak pero unti-unti na nila itong natanggap.

"Belle naiayos mo na ba ang libingan nila Celestial?"tanong ng reyna.

"Ahh,opo.Napalitan ko narin po ang mga bulaklak"sagot ni Belle.

"Mabuti kung ganun, pakibilisan nalang ang pagaayos sa buong palasyo malapit ng dumating ang iba pang bisita"sabi naman ng hari.

"Masusunod po"nakayukong sabi ni Belle at muling kumilos.
Ang lahat ay nagmandali na sa kanilang ginagawa.

Samantalang si Renzo naman ay kasama ngayon si Aling Wendy,kakabalik lang niya ng mabalitaan niyang patay na si Princess Celestial ay hindi na ito nagdalawang isip pa na bumalik sa mundo nila.Ang mundong kinalakihan na niya.
Nagpunta sila sa puntod ni Princess Celestial at Blaze.Magkatabi lang kasi ang puntod ng dalawa, puno ito ng puting rosas at maraming paro-paro ang lumilipad.Para bang binabantayan nila ang kanilang prinsesa na pumanaw na.

"Si Amara napakabuting bata niya,nakita siya ni Clara sa kakahuyan na walang malay.Ang hiling nga ni Clara sana makita niyang gising si Amara bago siya mawala kaya lang hindi na niya nakita pa kasi ng magising si Amara namatay na si Clara.Nakakalungkot isipin na wala narin ngayon si Amara, ng dahil sa kanya nabawasan ang pangungulila ko sa anak ko."naiiyak na sabi ni Aling Wendy habang hinahaplos ang puntod ni Princess Celestial.

"Renzo may mga bagay talaga sa mundo na hindi mo inaasahan kagaya nalang nito hindi ko inaasahan na mamatay si Amara, at mas lalong hindi ko inaasahan na...kakambal pala niya si Clara"

Nagulat si Renzo sa mga narinig niya kaya agad siyang nagtanong kay Aling Wendy.

"Ano po?!pano nyo naman po nasabi na kakambal ni Amara si Clara?"

"Napulot ko lamang si Clara ng sanggol pa lamang ito, nalaman ko rin na kambal ang dinadala dati ng reyna ngunit ng nanganak na siya ay may nagtakas kay Clara,hindi ito nalaman ng reyna dahil wala naman nagsabi sa kanya na kambal ang kanyang anak.Hindi rin ito alam ni Prince Clark.Pinalaki ko si Clara sa mundo ng mga tao,minahal at tinuring na parang isang tunay na anak,noon hindi ko alam na isa pala siyang prinsesa nalaman ko lang ito nung nakaraang linggo"

"Paano nyo po nalaman?"

"Nakita ko mismo,araw-araw ko itong napapaginipan at isang araw may nagpakita sa akin na isang diwata at siya mismo ang nagpakita sa akin ng lahat"sagot ni Aling Wendy.

"Kailangan natin itong sabihin sa reyna at hari"sambit ni Renzo sabay tayo pero pinigilan siya ni Aling Wendy.
"May magsasabi na sa kanila"

"Wala narin naman ng saysay patay na si Clara"sabi pa ni Renzo.

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon