Chapter 4

1K 16 1
                                    

Amara Pov.

"Good Morning,Amara"nagulat ako kay Mam lea ngumiti rin naman agad ako sa kanya.
"Good Morning po"marahang sabi ko sa kanya,sabay na kaming lumakad.

"Sabay ulit tayong maglunch?"napatingin naman ako sa kanya hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Ahh...o-okay po"sagot ko.

Lunch na namin sabi ni Mam Lea intayin ko daw siya sa park dahil sa labas daw kami kakain pero sinabi ko sa kanya nasa garden ko nalang siya iintayin pumayag naman siya.

"Amara sorry nalate ako,kanina ka pa ba?"sabi niya pagkadating niya.
"Okay lang po.Kanina pa po ako nagiintay pero okay lang po kung nalate kayo"sambit ko.

Kakatapos lang namin kumain nagyaya pa siya na pumunta sa mall nung una hindi ako pumayag pero pinilit niya ako kaya sa huli pumayag na ako.Binilan niya ako ng mga damit at sapatos siya naman bumili siya ng bag.

"Mam salamat po sa damit at sapatos pati narin po sa pagkain"sabi ko.

"Amara,Lea nalang ang itawag mo sa akin kapag tayong dalawa lang ang pagkasama"sabi niya.

"Okay po Ma-...lea"tumawa naman siya sa sinabi ko medyo hindi pa ako sanay na tawagin siyang lea.
"Masasanay ka rin,Amara.Sige alis na ko,bye"sumakay na siya sa kotse niya at kumaway sa akin bago siya umalis.

"Bye,Lea"

****

Nakakapagod ang araw na ito ang dami naming ginawa at kakatapos ko lang din sa project namin sa science meron pa akong gagawin na isa pang project sa filipino naman.Sa garden nalang ako pumunta para gawin ang project ko.May dumapong butterfly sa libro ko isang black butterfly pero may kulay yellow siya.Hahawakan ko sana siya kaso lumipad kaya sinundan ko siya.

Hindi ko na pansin na babangga na pala ako sa puno huminto na muna ako sandali at tinignan ko ang paligid,nasa park ako hindi ko na napansin dahil sa black butterfly lang ako nakatingin,ang lamig ng hangin napakatahimik,ang ganda ng paligid.Ang daming bulaklak...ang daming puno ang ganda.

Umilaw ang kwintas ko kulay black ang kulay niya.Nang maalala ko kung anong araw na ngayon sobra akong nagulat,hindi pwede black moon na malapit na kailangan ko ng umalis,tatakbo na sana ako kaso may pumigil sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Mam Lea"

"Saan ka pupunta?dito muna tayo"sabi niya binitawan na niya ako.
"Sorry po pero hindi pwede kailangan ko na pong umalis"mabilis na sabi ko sa kanya.Tumakbo na agad ako ang dami ko ng nabubunggo dahil nagmamandali ako.

"Black"sigaw ko.

Ang sakit na...ang sakit sakit na ng katawan ko parang nauubos na ang lakas ko.Hindi pwede kailangan kong makauwi sa amin.

"Blackkk"malakas na sigaw ko.Napaupo na ako dahil sobra na talaga akong nanghihina.Lumalabo narin ang paningin ko alam ko na nasa harapan ko na si Black.

Belle Pov.

"Belle kamusta naman siya?"tanong ng hari sa akin tumayo ako at umupo sa upuan.
"Medyo okay naman po,pero baka mamaya manghina siya ng sobra kapag black moon na talaga"

"Si Amara nanghihina narin siya"malungkot na sabi ng hari.

Tuwing black moon nanghihina sila parehas ngayon ang kaarawan ni Princess Amara kapag black moon na sobra na silang manghihina dahil papasok na sana kanila ang panibagong kapangyarihan na bigay ni Clark.Si Amara ang mas mahihirapan dahil sa kanya papasok ang pinakamadaming kapangyarihan.

"Malapit na siyang mag 18 at sigurado po ako na mas lalo siyang mahihirapan dahil mas malakas na kapangyarihan ang papasok sa kanya,kaya kailangan po na makabalik na siya sa mundo natin"sabi ko.

"Gagawa akong ng paraan para makabalik na siya.Iwan muna kita dyan"

"Okay po.Magiingat po kayo"

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon