Chapter 11

535 12 0
                                    

Belle Pov.

Ilang araw ko ng sinusubukan na gamitin ang kapangyarihan ko para makapagpalabas ng magic water pero hanngang ngayon wala parin.Hindi ko narin alam ang nangyari kay Amara,sana naman ayos lang siya.

"Belle pinapatawag ka ni Queen Amia"sabi ni Andy tumango nalang ako at nagayos.

"Queen Amia bakit nyo po ako pinatawag?"tanong ko agad.

"Belle kamusta na ang anak namin?"tanong niya.Alam naman ni Haring Gio ang nangyari na ayaw gumana ng kapangyarihan ko.
"Okay naman po siya"sagot ko.Iyan ang palagi kong sinasabi sa kanya ayaw kasi ni Haring Gio na sabihin ko kay Queen Amia na ayaw gumana ng kapangyarihan ko dahil magaalala lang daw si Queen Amia.

"Ganun ba...sige maraming salamat,pwede ka nang bumalik sa ginagawa mo"sabi niya nagbow muna ako sa kanilang dalawa at umalis na.

Amara Pov.

"Tara na Amara,lahat sila nasa cafeteria na"sabi ni Renz.

"Susunod nalang ako sa inyo,aayusin ko pa iyong gamit ko"sabi ko sa kanya habang nilalabas ang mga gamit ko sa bag ko.

"Sasamahan nalang kita"

"Huwag na,kaya ko naman pumunta doon.Maglalakad nalang ako malapit lang naman yung cafeteria diba"pumunta na ako sa locker ko at nagsimula ng magayos.
"Okay,sige magiingat ka ha"

Pagkatapos kong magayos kinuha ko na iyong bag ko,aalis na sana ako kaso nakita ko ang isa kong kaklase na magisa nasa sulok siya,kaya lumapit ako sa kanya.

"Ahh...hello,okay ka lang ba?"tanong ko.

"Oo okay lang ako"

"Hindi ka ba kakain?saan ba iyong mga kaibigan mo?"tanong ko sa kanya,tumingin siya sa akin.
"Wala akong kaibigan."

"Ganun ba,gusto mo ba sabay ka nalang sa akin kumain.Kaso may kasama ako okay lang ba sayo"dahan dahan naman siyang tumango kaya umalis na kami.Pinakilala ko siya sa lahat ng kasama ko,tahimik lang siya minsan kapag may tinatanong kami sa kanya ngumingiti lang siya siguro nahihiya pa siya sa amin.Masaya naman siyang kasama.

"Cr lang ako"paalam ko sa kanila.
"Samahan na kita,Amara"sabi ni Lea.

"Amara pwede bang magtanong"sabi niya,nasa loob ako ng cubicle siya naman nasa labas at nagaayos.
"Ano iyun?"tanong ko.

"Saan ka nakatira?Nasaan yung mga magulang mo?"tanong niya,matagal bago ako makasagot sa kanya.

"Amara!"

"Ahh...wala na po akong magulang,Nakikitira lang po ako"sabi ko.

"Ahh ganun ba.Next week nga pala may party sa amin,sana makapunta ka"

"Sige susubukan ko"sabi ko at lumabas na sa cubicle,siya naman ang pumasok sa loob.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin,nakatago ang crown ko invisible kaya lahat sila hindi nila nakikita.Ang kwintas ko naman lagi kong tinatago sa aking damit.

"Let's go,Amara"tumango nalang ako kay Mam Lea at lumabas na kami.

"Ang tagal nyo naman.Kanina pa namin kayo iniintay"reklamo ni Xlake.
"Ikaw talaga Xlake napakainipin mo talaga"sabi ni Lea sa kanya.

"Okay ka lang ba,Pia nagenjoy ka ba?"tanong ko kay Pia,masaya naman siyang tumango kaya ngumiti ako sa kanya.

"Salamat,Amara"

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon