Chapter 19

439 8 1
                                    

Amara Pov.

Hindi ko maintindihan,ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Napagod yata si Blaze"sabi ni Xlake.

"O-oo nga e-eh"natawa naman siya.Nakakahiya naman!
"Lea parating na si Yaniez!"sigaw ni Jake.

"Blaze...blaze gising na!"sabi ko tinapik ko rin ang balikat niya pero hindi parin siya nagigising.
"Blaze..."

"Hmmm..."

"Gising na parating na si Yaniez."sambit ko,gumising na siya at hinila na ako.
"Happy Birthday Yaniez!!!"sabi naming lahat pagkarating niya,gulat na gulat naman siya.

"Oh...guys thank you!"naiiyak niyang sabi,niyakap namin siya lahat at kinantahan siya ng Happy Birthday.
"Thank talaga napasaya nyo ko"

"Tara na kain na tayo"

Umupo na kaming lahat at nagsimula nang kumain,pagkatapos ay napicture naman kami.
"Salamat talaga sa inyong lahat"sabi ni Yaniez,niyakap niya kami isa-isa.

"Happy Birthday,Yaniez!"sabi ko sa kanya.
"Thank you"niyakap na niya ako kaya niyakap ko rin siya.

Kami nalang apat ang natira dito sa tree house,Ako,si Blaze Renz at Lea nalang.Kakatapos lang din namin maglinis at magligpit.
"Pasok muna ako sa loob"paalam ni Lea tumango nalang kami sa kanya.

"Ako din,may kukunin lang ako.Amara babalik agad ako"sabi naman ni Renz.
"Okay"

"Amara..."tumingin ako kay Blaze ang seryoso niya ngayon.
"Bakit?"tanong ko.

"Sabihin mo sa akin ang totoo...sino ka ba talaga?"nabigla ako sa tanong niya.
"Anong ibig mong sabihin.Blaze"

"Nakikita ko minsan na umiilaw ang kwintas mo,tapos nagiba ang kulay ng mga mata mo."

"Blaze..."hinawakan niya ang kamay ko.
"Huwag kang matakot.Kaibigan parin kita kahit na malaman ko ang totoo,hindi ako magagalit pangako.Sabihin mo na"

"Blaze..."

"Amara sabihin mo na.Hindi ako magagalit,hindi kita iiwasan,pangako"

"Blaze...hindi ako normal.Sa ibang mundo ako  galing,at may ka-kapangyarihan ako.Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito,isa akong prinsesa...Blaze"hindi ko alam kung bakit ko sinabi sa kanya ang totoo pero parang totoo ang sinasabi niya.Naniniwala ako sa kanya.

Niyakap niya ako at bumulong siya sa akin.
"Amara...simula ngayon ako ng bahala sayo,kapag hindi mo makontrol ang sarili mo nandito lang ako."napangiti ako sa sinabi niya.
"Thank you"

Ilang araw na ang lumipas simula nung magusap kami ni Blaze,minsan kapag hindi ko makontrol ang sarili ko lagi niya akong tinutulungan.Hindi ako nagsisisi na sinabi ko sa kanya ang totoo.

"Amara ikaw na"sabi sa akin ng kaklase ko.Kinabahan ako dahil gagawin na naman sa amin ni Lea yung pagpalo niya sa balikat namin, sabi niya sa amin kailangan daw iyun hindi ko lang alam kung bakit niya ginagawa iyun.
"Amara"lumingon ako sa likod ko nakita ko si Blaze.

"Kaya mo iyan.Basta kumalma ka lang,sasamahan kita pero magtatago ako para hindi mahalata ni Mam Lea"tumango nalang ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Amara maupo ka"sabi niya kaya umupo ako.
"Gagawin ko ulit iyun ha."tumango nalang ako,pinikit ko ang mga mata ko.Pinalo na niya ako sa balikat ko pero mahina lang hanggang sa lumakas na.

Nararamdaman ko na nagagalit na ako pinilit kong makalmahin ang sarili ko.Unting unti ko narin naramdaman ang pagiba ng mga mata ko.

"Mam Lea!"tawag sa kanya ni Blaze yumuko ako.
"Blaze bakit?"tanong ni Mam Lea.

"Pinapatawag ka ni Mam Jeo tapos na daw ba yung test"sabi ni Blaze.
"Si Amara nalang.Sandali lang"

Nakayuko parin ako dahil hindi pa nagbabago ang kulay ng mga mata ko,pumunta naman si Mam Lea sa table niya at may sinulat doon.

"Mam Lea pwede na ba kaming umalis?"tanong ni Blaze.

"Hmm.Oo pwede na,salamat Amara"

Pagkalabas namin niyakap agad ako ni Blaze.
"Kumalma ka,Amara.Please Calm down"

Pumunta kami sa rooftop,hindi ko makontroll ang sarili ko,umilaw ang mga kamay ko at may lumabas na kapangyarihan.
"Amara calm down."

Patuloy parin ang paglabas ng kapangyarihan ko,umilaw ang kwintas ko.Color blue ang kulay nito ang ibig sabihin ay water naman ang lalabas,tumama ito sa kanya kaya nabasa siya.

"Amara please kumalma ka..."sigaw ng isang lalaking hindi ko naman  kilala.Nagiba naman ang kulay ng kwintas ko color red.Apoy naman ang lalabas tinutok ko ito sa kanya.

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon