Chapter 3

1.2K 17 4
                                    

Amara Pov.

"Saan kaya muna ako pupunta?"tanong ko sa sarili ko mga 2 minutes akong naglakad lakad at naisipan kong sa garden nalang pumunta.Walang masyadong tao sa garden dahil lahat ng studyante ay nasa park malapit lang sa school.

Ang alam ko ay maganda,mahangin at tahimik sa park kahit na maraming tao.Dito kasi sa garden hindi masyadong maganda dahil puro puno lang ang nakatanim merong mga bulaklak pero kaunti lang.Kaya siguro lahat sila sa park nila gusto.

"Hi Amara"napatingin ako sa nagsalita.Babae siya maganda at matangkad.
"Ahh...h-hello"

"Kaklase mo ko,siguro hindi mo ko napapansin dahil tahimik lang ako parang ikaw"sabi niya.

"Sorry kaklase pala kita.Hindi kasi kita napapansin"sabi ko.

"Okay lang.Napansin ko lagi ka dito pumupunta,ayaw mo ba sa park mas maganda at tahimik doon"

"Ayoko ko sa park eh"tipid kong sagot sa kanya hindi ko rin alam kung bakit ba ayoko sa park,minsan kapag  dumadaan ako tumitingin lang ako sandali.Oo maganda nga sa park ang linis linis pero talagang ayoko pumunta doon.

Wala pa ang teacher namin kaya sobrang inggay ngayon sa classroom,nakatingin lang ako sa kanila...pinapanood.Naisipan kong tumabi nalang kay Manda nag-hi ako sa kanya bago umupo sa tabi niya.

"Sino ba kaibigan mo dito?"tanong niya.
"Hmm...kaibigan ikaw...ikaw palang kaibigan ko dito"sagot ko sa kanya ngumiti siya kaya ngumiti rin ako sa kanya

"Mara kamusta?okay ka lang ba?"tanong ni Aling Wendy pagkauwi ko."Okay naman po.Masaya po"nakangiti kong sabi para hindi niya mahalata na hindi talaga ako masaya.

"Buti naman.Sige pasok ka na sa kwarto mo para makapagpahinga ka na"

Kinabukasan ay maaga akong gumising para ipagluto ng almusal si Aling Wendy para naman makabawi ako sa kanya,pinagaaral kasi niya ako kaya alam kung lagi siyang pagod dahil nagtitinda siya maghapon.

"Good Morning po.Kain na po kayo"masayang sabi ko sa kanya pagkalabas niya ng kwarto.
"Mara dapat hindi ikaw ang nagluto.Dapat ginising mo nalang ako"sabi niya.

"Gusto ko po kasing makabawi sa inyo.Hayaan nyo na po ako,nakakahiya na po kasi"sabi ko habang naglalagay ng kanin sa plato ko."Kain na po kayo"

"Salamat.Napakabait mo talaga,Mara"

Queen Amia Pov.

"Queen Amia okay na po nahanda na po namin ang butterfly"

"Salamat,sabihin nyo nalang sa akin kapag kasama na niya ang anak ko"sabi ko sa kanya.
"Okay po"sagot niya at nagpaalam na siyang umalis.Naupo na ako sa trono ko,ilang taon na wala sa amin si Amara nakakalungkot gusto ko siyang puntahan pero hindi pwede dahil pwede akong mamatay kapag pumunta ako sa mundo ng mga tao.

At marami ding pumipigil sa akin kapag susubukan kong pumunta sa mundo ng mga tao.

"Queen Amia okay na po kasama na po ni Princess Amara ang butterfly"

"Mabuti naman.Maraming salamat"

Amara Pov

"Salamat,Amara sa susunod bumalik ka ulit"

"Okay po.Salamat din po,mauuna na po ako"

Naglakad na ako pabalik sa amin pinabili kasi ako ni Aling Wendy  ng gulay para sa pagkain daw namin.Habang naglalakad ako may nakita akong butterfly na papalapit sa akin isang black butterfly.Nang makalapit na sa akin ang butterfly nakilala ko na siya ang butterfly ko si Black.

"Black"masayang sabi ko.

"Hi Amara"bati niya sa akin.
"Hello.Namiss kita buti naman nandito ka na"

"Aling Wendy  ito na po iyong mga gulay"sabi ko nilagay ko na sa lamesa ang mga gulay at nagpaalam na sa kanya na papasok na ako sa kwarto ko.
Pagkapasok ko ay nilabas ko na si Black.

"Black kamusta na si Mommy at Daddy?"tanong ko sa kanya pagkalabas niya.
"Sobrang lungkot nila,sobrang miss ka na"sagot niya.

"Pano ba ako makakabalik sa mundo namin?gusto ko na talaga silang makita.Lalo na ngayon malapit ng magblack moon sa mundo natin"

"Oo nga malapit na pala kailangan makabalik ka na.Pero hindi kita matutulungan,bawal ko daw sabihin sayo kung saan pabalik sa mundo natin"sabi niya.

"Hayy.ano ng gagawin ko?"tanong ko sa sarili ko.

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon