Chapter 27

398 7 0
                                    

Belle Pov.

Agad akong tumayo sa upuan ko at tumakbo papalabas sa castle,boses iyun ni Queen Amia humihingi siya ng tulong sa akin.

"Queen Amia ano pong problema?"tanong ko agad sa kanya pagkadating ko.Nakita ko siya sa balon ang balon na kapag tumalon ka sa mundo ka ng mga tao mapupunta.
"Si...si Clark pumunta siya sa mundo ng mga tao.Bawal iyun sa kanya mawawala ang kapangyarihan niya o baka mamatay siya"sabi ni Queen Amia.

Dati kasi nung pumunta kami sa mundo ng mga tao para iligtas si Amara ay kinausap muna niya ang Reyna ng Black Moon pero ngayon ginamit niya ang kapangyarihan niya para lang makapunta doon.Bawal iyun sa kanya,maaari din siya mamatay sa gagawin niya.Kahit na isa siya sa pinakamalakas.

Amara Pov.

Biglang nagliwanag dito ang sakit sa mata kaya tinakpan ko ito.At maya-maya lang nawala na ito kaya tinanggal ko na ang mga kamay ko sa mata ko.

"Amara sumama ka na sa akin,babalik na tayo sa mundo natin."sabi niya.

"Prince Clark...?"sabi ko.Tumango siya.

"Halika na Amara.Nanghihina na ako kailangan na natin bilisan"

Hindi ko alam kung sasama ba ako sa kanya,naalala ko si Yaniez naalala ko yung sinabi niya sa akin.Naaalala ko silang lahat,parang ayoko silang iwan.

"Prince Clark...ang mga kaibigan ko po kasi.Pwede po bang sumunod nalang ako sa inyo?"

"Sige,Amara pwede...pero hanggang sa Wednesday lang."sabi niya at nawala na siya.
"Salamat...salamat prince clark"

Tumakbo na ako papunta sa bahay at agad na pumasok sa aking kwarto.Malapit na...malapit na akong umalis.Hindi ko maintindihan dati gustong gusto kong makabalik agad sa mundo namin pero ngayon parang ayoko pang bumalik.Ayokong iwan sila...silang lahat na naging isang pamilya ko na.

"Amara sasama ka ba?"tanong ni Blaze tumango nalang ako.
Hindi ko parin sinasabi sa kanila na aalis na ako.
"Amara sayo ito.Ginawa ko iyan para sayo"sabi ni Renz.

"Salamat Renz"

Nasa tree house kami ngayon,medyo okay na si Ella nagsorry narin siya sa akin.At ang tawag na niya ngayon sa akin ay Ate Amara.Gusto kong maging masaya pero hindi ko magawa tuwing naiisip ko na iiwan ko na sila nasasaktan ako.

"Amara kanina ka pa malungkot,okay ka lang ba?"tanong ni Blaze.

"Blaze...kapag umalis na ako huwag kang makukungkot ha"sabi ko sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo,Amara aalis ka na ba?"

"Pano kung sabihin kung oo"sabi ko.

"Hindi ako papayag.!Amara"sabi niya.Naiiyak na ako niyakap ko siya ng sobrang higpit at tumulo na ang mga luha ko.
"Amara..."

"Blaze sa wednesday kailangan ko ng umalis,iiwan ko na kayo"sabi ko.

"Amara..."mahinang sabi niya.

"Amara hindi totoo ang sinasabi mo,hindi ka pa aalis"sabi ni Yaniez.

"Yaniez sorry pero kailangan na eh.Ayoko kayong iwan pero kailangan kasi,sorry...sorry"niyakap ko siya at pagkatapos lahat naman sila.
"Huwag na kayong umiyak.May panahon pa ako na makasama kayo,kaya magenjoy nalang tayo.Tahan na..."sabi ko sa kanila.

"Tahan na please..."muling sabi ko.

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon