Chapter 30

405 5 0
                                    

Amara/Celestial Pov.

"Anak huwag kang magalala gagawa ako ng paraan para makaalis tayo dito"sabi ni Mommy,nakatingin lang ako sa bintana ko.
Habang siya inaayos ang buhok ko.

"Celestial may kailangan kang malaman"napatingin ako sa kanya.

"Ano po iyun?"tanong ko,umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko,tinignan niya ako sa mga mata ko.
"Anak...si Blaze nandito siya,hindi siya normal kalaban natin siya"

"Hindi niya alam ang pagkatao niya,nung isang araw lang niya nalaman.At kailangan mo siyang patayin,dahil ang mundo nila ay ang mundo natin kaya lang sinakop nila dahil nung ako pa ang prinsesa naglaban kami at sila ang nanalo.Nangako ako na babawiin ko iyun pero ikaw ang nakatakda na bumawi ng mundo natin na sinakop nila."

Nakinig lang ako sa kwento niya,hindi ako makapaniwala.Hindi ko kayang patayin si Blaze kaibigan ko siya at naging mabuti siya sa akin,kaya hindi ko iyun magagawa sa kanya.

"Kapag napatay mo siya makukuha na natin ang mundo na sa atin naman talaga,at makukumpleto na ang kapangyarihan mo.At ang crown na sayo talaga kinuha kasi nila ito"sabi niya.

"Mom hindi ko kaya...hindi ko kaya siyang patayin.Kaibigan ko siya"sabi ko.

"Alam ko anak..."niyakap niya ako at agad din siyang kumalas.
"Pero kailangan Celestial."sabi niya at lumabas na sa kwarto ko.Biglang tumulo ang mga luha ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising pagkatapos kong magayos bumaba na ako at pumunta sa garden,nakatingin sa magandang paligid.

"Anak..."tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Mommy umupo siya sa tabi ko.
"Gusto mo ba siyang makita?"tanong niya kahit hindi niya sabihin sa akin kung sino alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

"Gustong gusto ko siyang makita,Mom"

"Nagusap kami ni Gio pumapayag siya na lumabas ka sa castle pero kailangan daw sasamahan ka ni Ice."
"Sige po"sambit ko,tumayo na ako at yumakap muna sa kanya bago umalis.

Nagkita kami ni Blaze sa downtown kung saan wala masyadong tao dahil kapag may nakakita sa amin baka magalit sila at baka patayin pa nila si Blaze dahil nga kalaban namin siya.
Niyakap ko agad siya nang makita ko at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan,hindi ko kasi matanggap na kailangan ko siyang patayin.

"Amara..."mahinang sabi niya.

"Blaze..."

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa napagod na ako tumingin ako sa kanya.
"Alam ko na lahat,Blaze hindi ko kaya....hindi ko kayang patayin ka,ayoko blaze"

"Amara...kailangan diba kaya patayin mo na ako sa darating na labanan.Kinuha nila ang mundo nyo at ang kapangyarihan na para sayo,kaya Amara patayin mo ko"

"Blaze naman hindi ko kaya..."sabi ko.

"Kalimutan mo ako.Kapag nakalimutan mo ako makakaya mo nang patayin ako"nagulat ako sa mga sinasabi niya.
"Blaze"

"Sige na Amara umuwi ka na."hinawakan ko ang mga kamay niya,hinawakan niya sandali ang kamay ko at binitawan na ito.
"Sige na Amara"

"Blaze"naglakad na siya papalayo hahabulin ko pa sana siya kaso hinawakan na ako ni Ice.
"Blaze!"

Belle Pov.

Nalaman ko na magkikita sila Blaze at Princess Celestial kaya sinundan ko si blaze nagusap sila ni Princess Celestial.

"Sige na Amara"sabi ni Blaze.

Nakita ko na umiiyak si Amara at papalayo na sa kanya si Blaze,umiiyak din si Blaze habang papalayo siya kay Princess Celestial.Nakakaawa naman sila lalo na si Princess Celestial alam ko na nahihirapan siya.

"Blaze"tawag ko sa kanya lumingon naman ito sa akin.
"Ako si Belle kaibigan ako ni Celestial"sambit ko.

"Gusto kitang makausap"sabi ko ulit sa kanya.

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon