Chapter 2

510 11 0
                                        

Chapter 2

Just be yourself


MARCO

Hindi ko inaasahan na makakasama ko si Gyllia dito. Hindi namin alam kung nasaang lugar kami, as just the two of us here, I therefore conclude that we have been played by some unknown people. Wala naman akong matandaan na sinalihang contest para mapunta sa ganitong lugar and who could have thought that I would be with Gyllia and this moment sucks.

Iniwan ko siya doon sa sala at kung patuloy lang din siyang makikipagtalo sa akin ay hindi ako magtatagal dito. Gagawa ako ng paraan para makalabas sa lugar na 'to. This mansion is fucking huge. Hindi ko rin alam kung saan ako makakalabas kapag nagkataon.

Umakyat ako sa second floor, at hindi na talaga ako magugulat kung gaano karaming kwarto ang meron dito kaya naman sinubukan kong maglibot libot.

Ayon sa mga kagamitan na naka-display ay mukhang mamahalin na binili pa sa ibang bansa. Ang inaaapakan kong sahig ay tiles na kapag yumuko ka ay makikita moa ng mukha mo. Oo, gano'n kalinis ang lugar na ito. Gano'n din kamisteryoso.

Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng ilang kaluskos ko kaya naman napatigil ako at pinakinggan ko kung saan iyon nanggaling. Hinanap ko kung saan nanggagaling 'yong tunog hanggat sa nakalapit ako sa isang pintong may padlock—na nakapadlock din.

"Ay pucha!" napaigtad na lang ako ng biglang may magsalita sa loob nito.

"May tao ba diyan?" usal nito.

"Ah-oo, meron!" sagot kong natataranta pa.

"Please, pakibuksan ang pintong ito." aniya.

"Sige, saglit lang."

Hinanap ko naman 'yong susi sa padlock pero wala naman dito.

"Pa'no ko mabubuksan 'to? Naka-padlock at walang susi."

"Saglit, may nakita ako dito sa loob." Aniya.

Naghintay naman ako sa kanya, mga ilang minuto lang din ay may pinadulas siya sa ilalim ng pinto. Tumama sa paa ko ang isang pirasong susi at pinulot naman iyon. Agad ko namang sinubukang ipasok iyon sa kandado at sa wakas ay pumihit ito!

Sa pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang isang babae, agad naman ako nito niyakap. Nabato na lang ako sa kinatatayuan ko nang gawin niya iyon. Hindi ko 'to kilala pero mukhang pamilyar siya sa akin.

Nang umalis siya ng pagkakayakap ay sa akin ay nakuha pa nitong makipagtitigan sa akin. Walang emosyon, diretsyo lamang ang tingin nito sa akin. Hindi ko talagang pwedeng maipagkaila na hindi ko kilala 'to, pamilyar talaga siya sa akin. Siguro nabigla lang ako sa una kong kita sa kanya pero may kamukha siya. Sino nga ba?

Natigil lamang siya sa pagtitig sa akin nang marinig namin ang isang matinis na tunog na umalingawngaw sa buong mansion. Agad kong hinigit ang kamay ng babaeng ito, pumiglas pa ito no'ng una at nagsimulang umiyak pero nahigit ko rin ito at tumuloy kami sa sala kung saan nakita namin si Gyllia sa harapan ng tv na takip takip ang kanyang magkabilang tenga.

Nagulat si Gyllia nang makita ang kasama ko. Hindi ko na siya pinansin siya mga pinagsasabi niya. Naging pokus kami sa papanood namin sa tv nang makita namin ang sarili namin doon.

Hanggat sa isang computerized na boses ang nagsalita, "someone has arrived."

"Anong ibigsabihin no'n?" tanong ni Gyllia.

Living LiesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon