Chapter 24
Failed
VINEA
My body is in freeze when I felt the breezy air of my surroundings. Wala namang nakatali sa mga kamay at sa paa ko kaya maayos akong nakakagalaw. Inalis ko naman ang blindfold sa aking mata pero akala ko makikita ko ng maaliwalas ang paligid dahil nababalutan ito ng kadaliman. Sinubukan kong tawagin ang mga kasama ko pero um-echo lang din ang boses ko sa ibang paligid.
Nang maalala ko ang naging announcement sa amin ay napagtanto kong mag-isa nga lang ako dito. Kailangan ko lang alamin kung nasaang lugar ako. Kung wala ang mga kasama ko dito ay tiyak na kailangan kong makalabas sa lugar na ito. Kapag nagawa ko bang iligtas ang buhay ko ay may naghihintay na pag-asa sa akin?
Mananatili pa ba ako dito?
Habang naglalakad ako ay may naapakan akong gumulong sa kanang direksyon. Nang huminto ito kasabay ng pagtama sa isang bagay ay sinundan ko iyon. Nang makapa ko ang bagay na iyon at masuri kung ano iyon. Nabuhayan ako dahil flashlight pala iyon!
Nang buksan ko ang flashlight ay inilaw ko kaagad ito sa paligid ko. Noong una ay hindi ako naniniwala kung nasaan ako pero nang mapamilyarado ko na ang lahat ay hindi nga ako nagkakamali kung nasaan ako ngayon.
"Bakit nandito ako sa mansion? Kung gano'n nasaan ang mga kasama ko?"
Sinubukan kong pumunta ng kusina pero walang tao roon. Nakakapagtaka dahil ako lang ang taong narito. Tinatawag ko pa rin ang pangalan nila, malay ko kung nandito ba sila at nagtatago lang. Tumungo naman ako sa sala, maging doon ay wala ring tao. Pero ilang saglit lang ay napaigtad ako ng bumukas ang tv screen.
Magulo ang signal nito sa umpisa pero unti unti rin tong lumilinaw. Nang tuluyang naging malinaw ang nasa screen ay napakunot noo na lamang ako habang pinapanood ang bawat maliliit na screen doon. Naka-night view ang camera's kaya nakikita ko ang mga nandoon. Sa siyam na screen na nakapaloob doon ay sa gitna nandoon ang sala. Nandoon din ako, tiningnan ko ang camerang iyon.
Nakakapanibago dahil ngayon ko lang iyon nakita. O baka naman ay matagal na siyang nandoon, wala lang nakakapansin sa amin?
Mayamaya lamang ay may narinig akong kaluskos. Hinanap ko gamit ang ilaw ang tunog na iyon. Nang tumama ang ilaw sa may corner ng sala kung saan may passageway papunta sa kabilang parte ng mansion ay gumagalaw ito. Nang itulak ito palabas ay doon ko nakilala kung sino iyon.
Hinarangan niya ng kamay niya ang mukha niya dahil sa pagtapat ko ng ilaw sa mukha niya.
"Kathaleen!" usal ko ng makita ko siya.
"Vinea?" aniya. "I'm right, there's also someone here."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "what are you saying? Bakit ka nagpunta dito sa side namin? I don't get it, Kathaleen! After you push us back here, pupunta ka dito?"
She opened her flashlight kaya naman nakadagdag din iyon sa liwanag ng paligid. \
She came closer to me, "just this time, Vinea, can we stop arguing about that matter okay?" she said, and all I can do is to nod at her. "Okay, what we have to do now is to get away from this place."
Natawa naman ako sa sinabi niya, "how would you get out of the place we've been trapped?"
Natigilan naman siya doon. She doesn't have a fine plan. Siguro kung ano lang maisipan ng babaeng ito ay gagawin na niya agad. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit sila ang inuunang patayin ng gamer na ito.
BINABASA MO ANG
Living Lies
Mistério / SuspenseAfter knowing what they really meant, their question now is how to know the truth behind the lies ahead.
